Ayla's Point of view Kinabukasan, Araw ng linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Actually, kanina pa ako gising. Maaga akong nagluto ng aming kakain ngayong umaga at bumalik lang ulit ako sa higaan. "Gising na kaya siya?" saad ko sa sarili. Alas nuwebe na kasi ngunit hindi pa siya kumakatok kaya napagpasiyahan kong bumangon na sa higaan at pumunta ng banyo upang maligo. Matapos kong mag-ayos ng sarili ay excited akong lumabas ng kwarto upang puntahan ang babe ko. Kagabi kasi, pagkagaling namin sa bahay ng mga parents niya ay agad na kaming dumiretso sa kani-kaniya naming kwarto para matulog. "Babe? Gising na." saad ko sa labas ng kaniyang kwarto ngunit walang sumasagot. So, i decided to enter his room and i was surprised when i didn't see him on bed. Dali-dali akong lumabas ng kani

