Vladimir's point of view. "Babe, matagal ka ba riyan?" Kinatok ko na siya sa kaniyang kwarto dahil kanina pa tawag nang tawag sila mommy. 6 pm kasi ang usapan namin at dapat ay naroon na kami. "Eto na, palabas na!" sagot ni Ayla habang nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Wow!" Ang tanging nasabi ko nang makita siyang nakasuot ng maxi dress na binagayan ng ribbon niyang pamusod sa buhok. She looks a barbie doll! Her outfit is so feminine and i'm sure that my mom will like her. "Babe, sorry at natagalan akong mag-ayos. Gusto ko kasing presentable ako kapag humarap sa parents mo." paliwanag niya. Mabilis ko namang sikakop ang kaniyang bewang upang mapalapit siya sa 'kin. "Siguradong sigurado ako na magugustuhan ka ng mommy ko." kampanteng sabi ko. Matagal na rin kasi akong kinukulit ng

