Napapagitnaan nila si Sam sa loob na Ferries Wheel. Unti-unting umangat ang Ferries Wheel. Nakita ni Li ang mukha ni Jas, nakapikit ito at putlang-putla at mahigpit ang hawak ng isang kamay sa guard bar. Hinawakan niya ang isang kamay nitong nanlalamig at inakbayan niya kaya parang yakap nilang dalawa ang nasa gitnang si Sam. Naramdaman ni Jas ang kamay ni Li sa kanyang balikat at sa isa pa niyang kamay. Hindi siya makapag-react dahil windang siya sa nerbiyos. Naramdaman niya ang mainit na hininga ng lalake sa kanyang tainga. “Relax, I’m here,” sabi nito at pinisil pa ang palad niya. Pakiramdam niya ay humupa ng kaunti ang kanyang takot. Paakyat na ang wheel at habang pababa ay parang humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ni Li. Nari

