Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Sam. Nawala ang ngiti ni Amalia at sumimangot naman si Cairo. Nagbaba ng tingin si Jas, pakiramdam niya ay uminit ang kanyang pisngi. Si Li, blangko ang mukha ngunit may ngiti sa labi. Binasag ni Casey ang katahimikan, “Okay, next spin.” Pinaikot uli ni Casey ang bote, “Uncle”, inikot uli, “Sam again.” “Daddy, truth or consequence?” excited na tanong ni Sam. “Ah..” bahagyang nag-isip si Li, “consequence.” Pilyang ngumiti si Sam, “Kiss mo si Tita Jas,” mabilis na wika nito at kinilig pa. Napatingin si Jas kay Sam. Natigilan din si Li, nag-atubili kung gagawin ang utos ng anak. “Daddy..!” Tumayo and bata at hinatak sa kamay ang ama. “Okay,” tumayo si Li at lumapit sa likuran ni Jas. Bahagya niyang idinikit ang labi sa pisngi ng dalaga. Pakira

