Prologue
"Layas! Ang kapal ng mukha mo! Wag ka ng babalik dito, wala kang utang na loob!" sigaw sa 'kin ni Tita Penny habang patuloy sa pagbato ng ilang damit ko.
Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang lumabas na walang utang na loob. Ginagawa ko naman lahat pero parang ako pa ang walang silbi dito.
Agad kong tinawagan ang kaibigan kong si Warren, matagal na n'ya akong inaalok na maging housemate n'ya.
"Hello, brad?"
"Oh, brad? Problema natin?"
"Ano, available pa ba yung inaalok mo sa 'kin?" matagal-tagal din bago s'ya sumagot. Mukhang iniisip n'ya pa kung ano yung sinasabi ko.
"Ah, oo! Hahaha! Papayag ka na maging housemate ko?" hindi ko s'ya nakikita pero halata sa tono n'yang excited s'ya.
"Oo. Pero maya-maya ako pupunta d'yan," sagot ko nalang.
"Sige lang, brad! Okay lang ba sa 'yong sa taas ka matutulog?"
"Kahit saan. Sige, brad. Mamaya nalang."
Hindi ko na s'ya hinintay sumagot, pinatay ko nalang basta 'yung tawag. Sinimulan ko na ding pulutin ang mga suutin na binato sa 'kin ni Tita.
"Ay, wala akong lalagyan?" Napahilot nalang ako ng noo. Ayoko namang sa plastic ko lang 'to ilagay.
"Tita Penny?" Kumatok ako sa pinto, alam kong maririnig n'ya ako kahit nasaang parte s'ya sa bahay.
"Sabi ko, lumayas ka na, di ba?" sigaw n'ya.
"Kukunin ko lang 'yung mga importante kong gamit tapos aalis na din ako," paglilinaw ko.
Hindi na s'ya sumagot pero maya-maya lang binuksan na din n'ya ang pinto.
"Bilisan mo," diin n'ya. Tumango-tango lang ako bilang sagot. Pagkapasok ko, dumeretso na ako agad sa kwarto ko.
Kinuha ko lahat ng mahahalagang papeles tulad ng birth certificate, mga bagong bili kong suutin, uniform at ang school supplies ko. Kinuha ko din syempre ang ipon kong hindi alam ni Tita. Nang masigurado ko ng kumpleto ang mga gamit ko, lumabas na ako ng bahay.
Is it weird na hindi ko manlang pinilit si Tita na 'wag akong palayasin? I guess not. Lalo na kung ganun ang turing nila sa 'kin.
Pumara ako ng jeep papunta sa bahay ni Warren. Okay na din, malapit lang sa school 'yun, e. Hindi ko na kailangan byumahe palagi.
"Welcome, brad!" Salubong sa 'kin ni Warren. Kinuha n'ya agad ang ilang bitbit ko na gamit. Tatlong taon ko na din s'yang kaibigan pero ngayon lang ako nakapunta sa bahay n'ya.
"Ang lawak pala ng bahay mo, brad?" Nilibot ko ng tingin ang lugar."Magkano pala bayad ko sa upa?"
"Bahala ka," sagot n'ya. Napangiwi ako sa sinabi n'ya. Paanong bahala ako?
"Piso, ganun?"
Napatawa s'ya sa sinabi ko. "Salamat nalang," sagot n'ya sabat tawa uli. "Kahit sa pagkain ka nalang mag-ambag, tapos ikaw na din syempre magluluto."
"Call," I immediately close the deal. Baka magbago pa isip, e.
"Isa nga lang kwarto dito, brad. Pero bunk bed naman yung nasa kwarto kaya okay lang ding dun ka."
Tinulungan n'ya akong magbuhat ng mga gamit ko papunta sa kwarto tapos nagpaalam na s'ya kasi may usapan daw sila ni Yna — girlfriend n'ya.
Wala ako sa mood mag-ayos ng gamit ko kaya naisipan ko munang maglakad-lakad sa labas. Pampalamig lang ng ulo.
Naghanap na din ako ng mga pwedeng pag-apply-an ng part-time job. Malayo na kasi ako sa dati kong employer kaya maghahanap nalang uli ako.
Sa paglalakad-lakad ko, napadpad ako sa isang coffee shop, sakto sa uhaw na nararamdaman ko ngayon, at sakto din sa paghahanap ko ng part-time job! If God isn't great, anong tawag mo sa opportunity na 'to, di ba?
Ang hindi ko alam, sa coffee shop na 'to pala magsisimula ang lahat.