Rochelle Dianne's POV "Sigurado ka bang isang linggo lang tayo roon?" tanong ko kay Ethan na inaayos ang mga gamit namin sa likod ng kotse niya. Papunta na kami sa airport ngayon para sa byahe namin papuntang Cebu. Gusto ko lang naman manigurado sa kanya dahil baka mamaya ma-scam niya pa ako at lumagpas siya sa usapan namin na isang buwan lang dapat. "Oo nga. Ilang araw mo ng tanong 'yan," natatawang sambit niya sa akin. "Gusto ko lang naman na makasigurado na pag-uwi natin sa Maynila, tapos na ang trabaho ko sa'yo." Isinara niya ang compartment ng kotse pagkatapos niyang ipasok lahat ng gamit namin. Humarap siya sa akin at sumandal sa kotse niya. "Gusto mo na talagang matapos?" tanong niya sa akin. Dumaan ang saglit na sakit sa mga mata niya. Kung sakaling kumurap ako, malamang hi

