Rochelle Dianne's POV "May lakad ako next week." Napatingin ako kay Ethan na dire-diretso sa loob ng kwarto ko habang nakasandal ako sa head board ng kama at katabi si Shoti. "Oh tapos?" tanong ko sa kanya na padabog na naupo sa sofa. Sana naman hindi na kong kailangan na sumama. Huling Linggo ko na next week at gusto ko na lang talaga na manatili rito sa loob ng bahay na hindi ko maramdaman ang init sa sobrang aliwalas. "Isang linggo 'yan," aniya sa akin. Napatango ako sa kanya. Kung isang linggo naman siyang mawawala e 'di mabuti naman. Pag-uwi niya rito, tapos na ang kontrata ko. Ibabalik ko sa kanya si Shoti at online seller na ulit ako. Kahit naman kasi nakatira na ako sa malaking bahay na ibinigay niya, hindi ko pa rin kinakalimutan ang negosyo ko. Kahit naman maliit lang 'yo

