DONALD POV
Akoy nayayabangan kay Sawyer!
Akoy lageh ng hinamon neri at areeeeh na nga't ito na ang pagkakataon kong ipakita sa kanya na akong kanyang minamaliit eiy may natatanging galing rin!
Sa amin kasing tatlo na magkakaibigan eiy ako ang napag-iiwanan sa akademya.
Akoy naiinis kaya nagpupursige talaga akong matuto!
At areeeh na nga ang tamang pagkakataon dahil sa hindi laang lakas kunde diskarte ang susukatin deni.
Kahit man laang sa ganire eiy makalamang.
Aming tatakbuhin ang bundok ng Makiat.
Areeey paikot na takbuhin na pinasadya ang dadaanan.
Naka spiral areeeh ayon sa ibinigay na explanation.
Hindi nanamaan kami maliligaw at may signboard.
May oras na ibibigay sa amin upang makabalik.
At ayon sa taong nagsasalita eiy kapag hindi kami makabalik sa oras eiy kami ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin lahat!
May ganuon ng set up!
Sa isang putok ng baril eiy agad na akong tumakbo.
Alaaaa eiiiy, aabutin ka ng buong araw sa paghuhugas dahil sa ang dami namin deni.
Kaming scholar eiy eithy-seven na agad!
May mga bata pa sa ibang palapag at kada palapag eiy may ibat ibang unit at team leader.
Mga team scholar laang iyon ha!
May nabubukod tangi nga deni na building na pribado.
At nararamdaman kong naroon ngay-on sila lola bisaya at sila Alex dahil sa may mga bantay sa lugar na iyon.
Naunang umalis ang mga areeh at biglang humigpit ang siguridad nila.
Hindi nga sila pinapalabas ng walang mga bantay eiy.
At marami pa nga kaming kasamahan deni kung saan eiy ngay-on ko laang nakita.
May senior nga kaming kasama sa kwarto pansamantala at sa kilos at galaw nilay ang titikas ng kanilang katawan eiy.
Pero balik tayo sa takbuhan!
Mabuti nalaang rin at nakapagrubber shoes ako dahil sa matarik ang bundok.
Nakatulong ang sapatos sa amin upang makatakbo ng maayos.
Kaya laang eiy akoy hinihingal!
Kanina mga Senior Scholar namin ang naunang nag sipagtakbuhan.
By batch gha.
Kasama niya yuong mga kabatch nila at sa tikas nilay parang mga army.
May push up pa nga silang ginawa kanina!
Ang liliksi!
Ang mga kasamahan namin deni sa academy eiy may mabait at may mga suplado katulad yuong grupo ni Sawyer.
Wala ng ginawa kundi akoy pasimpleng kutyain at asarin!
Feeling ko nga eiy gusto ng mga yuon na malapit laang kina Alex, Amil at Alc.
Kaya laang parang sa amin laang malapit ang tatlo at pag sa kanilay kalukuhan at katarantaduhan ang ginagawa!
Pero silay ginagalang deni.
Pero balik tayo sa mga Senior.
Akoy naguguluhan!
Akoy napaisip tuloy ngay-on kung bakit kami tumatakbo!
Ako kasi ay nais kong maging pintor!
Sabi kasi ni Amil eiy malaki ng mga kinikita ng mga pintor dahil sinusubasta raw areeh kapag ang obra maestra moy may isinisimbolo.
At may klase nga akong pang pintor kahit na highschool pa laang kami eiy hinahasa na agad kami deni.
Balita ko ngay isa sa Senior kong pintor eiy malaki na ang kinikita dahil sa pinag-aagawan ang kanyang likhang sining sa galery ng Paris.
Inaabangan nilang may obra na ilalabas ang galery na yun na gawa niya.
Ohhh diba, kaya sa future akoy ganuon rin!
Alay apat laang din kami sa klase ng Arts.
Pero ang pagpipinta eiy isang sining na hinding hindi ko pagsisisihang aralin.
Pero - kasama gha sa pag-aaralan ang pagtakbo sa bundok!?
Alaaaah eiiiy!!!
Sige laang!
Siguro dahil sabi nga nila eiy mahalin mo ang kalikasan upang guminhawa ang iyong pakiramdam at kusang ang iyong puso ang siyang umanyaya na gabayan ang iyong kamay sa pagpinta!
Alaaahhhh!!!
Akoy nadadala na!
Kaya heto!!!!
Takbo!!!
Sisiw laang sa akin ang pagtakbo dahil sa amin nila Junior eiy ako ang nangunguna kaya laang eiy para bagang may mabigat sa katawan ko na kahirap tumakbo ngay-on.
Nangunguna na nga ako sa oras na ito!
At pakiramdam koy nabagal na ako sa pagtakbo.
Deni ko na nakita na may mga grupo ng sumasabay sa amin!
Areeeey ibang level na!!!
Ahhhh ahhh!!!
Ang alam koy may labing limang minuto ang pagitan bago pinapasunod!
Alaaah eiy, areeeh pa ang matindi!!!
May nakasakbit sa kanilang katawan na malaking bag!
Ahhhhh!
Parang may mali eiy!!
Akong walang sakbit sa likod ay hirap na hirap tumakbo , pero silay parang simple laang!?
Hanggang sa hindi ko namalayang may ugat na nakatalisod sa akin.
"Ahhhhhh!!! Fuckkkkshiiit!!!" usal ng aking bibig.
English anoooh!!!?
Hanggat maaari eiy english ang aking lingwahe!
New me.
Sinubukan kong tumayo at ihahakbang ko na laang ang aking paa ng may maramdaman akong kirot.
"Ahhhh!!!! Dead! This will be a f*****g shiiit eiy! " dagdag ko kasi medyo masakit!!!!
Namahinga na muna ako at sinubukan kong hilutin ang medyo masakit na parte.
Hindi naman ganun kalala pero mabuti na yuong nag-iingat.
Safety first ika nga ni kuya Aldric.
Base sa relo koy mahaba pa namaan ang oras at deni ko napagtanto na parang naging makasarili akot nakalimutan kong may mga kaibigan ako!
Alaaaah eiiiy sila Junior at Geyo!!!!
Di ko na mapigilang tahakin ang pabalik!
Alaaaa eiiiy bahala na!
Deni ko nakasalubong si Sawyer na naka-upo.
Alaaaa eiiiy hingal na hingal at may saklay.
Napaano kaya areeeh!!!!?
Nahihiya pa areng napatingin sa akin.
At biglang sumulpot si Junior.
"Alaaaay Junior! Napa-ano iyan!? " ng makita ko si Geyo na nakapiggy backride.
"Katangahan tol! Nakakita laang ng puno ng mansanas eiy abay umakyat!" winika ni Junior na hinihingal.
Nahihiyang natatawa namaan si Geyo.
"At hayun ngat naabutan kong namimilipit sa sakit! Namiss daw niyang umakyat ng puno eiy katangahan na may ahas at hayun na ngat nahulog! " dagdag pa neri sabay alalay nya kay Geyo makaupo sa ugat ng puno.
"Pagpasensyahan nyo na ako namiss kong umakyat ng puno eiy! " at nagtawanan na laang kaming tatlo.
Sabay ininguso ni Junior si Sawyer.
Akoy kumibit laang ng balikat.
"Parang nararamdaman kong magbubuhat ka rin ahhh! " pang-aasar ni Junior.
"Tsk!!!! Ay anoo pa nga ba!!! Di namaan ako kasamang tao na katulad niya!" sagot ko.
"How about you Sawyer, what happened? " ng binigyan na ng pansin ni Junior si Sawyer.
"Nothing!" supladong sagot neri.
Tingnan nyo!!! Kasama ng ugali anohhh!!!
"Lets go Junior. We don't need to waste our time chatting with him! Ahhhh!!! I don't want to wash lot of dishes today! " pagpaparinig ko.
At nakita kong nanlaki ang mata ng kano na areh!
Pero joke laang iyon!
"I- I - f**k! I was accidentally hit by another team's bag earlier so I lost my balance and got my foot stuck in the vein." nahihiya nering sagot na hindi nakatingin sa amin.
Yuon na nga yung tumatakbo kanina.
"I see.... - Donald, we need to hurry up na! We have 10 minutes left nalaang.Tara na! " kaagad na winika ni Junior.
Iyon ang naging dahilan para mataranta si Sawyer at sa pagtayo niya eiy muntik pa siyang mabuwal.
"H-help me please!" nauutal nering pakiusap.
Marunong magplease!
Okay!
"Ride on my back! " malamig kong utos deni.