KABANATA II

1140 Words
GEYO POV Akoy naiiyak at totoo pala talaga ang sinasabi ng ate Maria na homesick. Ganire siya sa Manila nuong mga araw na lumayo siya sa amin para makatulong sa itay at inay sa pinansyal. Areeeh ay base sa kwento niya. Mabuti na laang at ang laki ng naitulong ng sinasabing tagapagmana ni King David. Alaaaay isa ang pamilya ko sa naambunan ng swerte at yuong mga nagsipagluwasan ng Manilay na taga sa amin eiy nagsipagbalikan dahil sa malaki na ang ipinagbago ng lugar namin! Abay may trabaho pang inaalok para sa lahat! Magsasaka ka na sa loob ng hacienda eiy kasama ka pa sa regular na sinasahuran! Di na lugeh at malapit pa sa pamilya. Natatandaan ko pa na sinabi ng ate Aza na education is the key to your success! Kaya nga noong inialok ako ng mga bago naming kaibigan na kapatid ng ate Aza eiy at inilapit kami kay lolo Andrew'y laking tuwa namin! Haiiiist!!! Ako'y napabuntung hininga! Napatingin ako sa club house sandwich na nasa table ko. Alah ako ba ghay nakakakain ng kasasarap na pagkain deni pero ngay-on eiy, parang nananawa na ako! Namimiss ko na ang mga normal na kinakain namin sa bukid. Bayabas, sampalok, santol, mangga, alaaaaahhhhh at ang dami pa!!! Areeeh yung mga paporito ko!!! Kapag kakagatin moy naglalaway kana sa katas!!! Lalo na yuong manggang maasim na alamang ang katapat na kasarap ipalaman at malutong pag ikinagat! Ahhhh ahhh!!! Kasarap!!! Kamiy lagi manding nasa itaas ng puno ng Tiyang Nene noon! Wanto sawa ang kainan. Walang diet diet! Kaya laang deni ahhhh!!!! Sa lugar na arey balanse daw ang kinakain namin. Patatas! Gulay! Karne! Limitado na!!!! Balance diet!!!!? Kakaaduwa eiy! Hindi na tulad ng dating eat all you can. Unang araw pa laang eiy balanse na! Pero nakasanayan narin! Miss na miss ko na ang aking mga magulang eiy. Deni, may tig-iisa kaming kwarto sa dormitory pero nakisuyo kami sa pinakahead ng dorm na iisa na laang kaming tatlo nila Junior. Abay, mababaliw kami sa kalungkutan kapag pinaghiwalay hiwalay pa kami. Alaaah eiiiy, isa pay kami laang ang Pilipino deni!! Akala ko eiy katulad nila Amil ang mga nareni na marunong magtagalog! Hindi pala!!!! Ahhhh akoy napapasubo! Nosebleed na laang lageh ako!!! Pero ngay-on eiy nakikipagsabayan na ako kay Junior. Kahit si Donald eiy nakikipag-usap na rin na hindi tulad na dating tahimik laang. Nagulat na laang nga akong marunong na. Sunog kilay na english tagalog na diksyunaryo ang laging hawak at yuon na ang pinag -aaralan. At ito pa!!!! Abay magaling magmemorize ang luko!!! Nadaig ako! Lalo na sa Math eiy nagpapakitang gilas! Areeeh ang tahimik na suplado naming kaibigan! May ipinagmamalaki din pala! Kakatuwa ano! Pero kung totousin laang ahhhh.... Sanay nagtyaga na laang akong mag-aral doon sa amin kahit na pinag-gagamas kami ng aming guro. Ahhh kahit papaano na gha eiy may kakwentuhan ako roon na kalenggwahe ko at hindi yuong kami kami laang ang magkakasama! Malapit pa sa pamilya. Alaaaay deni eiy sila Amil na laang nga ang aming kaibigan ay nakahiwalay pa sa amin. Minsan laang kami magpangita! Pag ganun eiy gumagala kami sa City! Kinaiinggitan nga kami eiy! Solid barkada gha! Narating nga namin ang Paris! Pero ngay-on kaming tatlo eiy tutok sa pag-aaral. Nakakahiya namaan kasi kung magpapabaya laang kami gayung sila pala ang may-ari ng academy na areh deni. Ang sabi ng mga kasamahan kong mga kano eiy may special training daw ang mga apo ng president. Ang mga yuon ay may mga oras rin na ganire tulad sa amin na nagsusunog ng kilay. Heto nga ohhhh, nasa kanya kanya kaming mga table at nag-aaral nanamaan. Alaaaah eiiiy limang buwan na kaya kaming ganire. Ang ate Aza rin eiy nabalitaan naming ikinasal na. Kakalungkot laang at hindi sa kuya Pablo. Kawawa namaan ang kuya! Pero si Ate Maria eiy nabigyan ng pag-asa sa puso ng kuya panigurado yuon. Malamang at patay na patay ang ate sa kuya Pablo!!! Pero sa kuya Pablo? Nakuuuu, matagal pa bago makakamove-on yuon! May araw rin kami na maaareng gumamit ng enternet at nakaka-usap namin ang ang mga magulang. Kaya laang ay limitado. Oo nga pala. Bukod sa english eiy pinag-aaralan narin namin ang linguwahe ng bansang areeh. Basic. Tapos may idinagdag pa sa lingwahe ngayon na pinag-aaralan namin! Pero maigeng maging bihasa kami sa english sabi ng kuya Aldric dahil iyon na ang national language. Pupunta na nga rin pala kami ng ibang bansa. Hindi ko laang alam kung saan dahil sa komplekado. Bahala na. Samahan kasi areeeeh ng sinasabing ACES. Wala pa akong ideya kung ano iyon! Sa lugar daw na iyon namin malalaman kung ano ang tumutukoy sa ACES. Pero ayon sa naririnig koy , ang ACES raw eiy takbuhan ng mga mayayamang tao sa mundo at kahit ng gobyerno sa mga komplekadong sitwasyon. Deni ay pumasok sa isipan ko na siguroy mga abogado ang mga pinakahead namin. Tagapagtanggol eiiiy, di gha? At areeeeh na nga. Dumating na ang araw na lilisanin na namin ng bansang France. Di namin inaasahan na karatig laang pala ang tutunguhin namin at ang bansang Madrid Spain nga. Ayon ito sa mapa na aming isinuri. Kaya laang parang dulo sa dulo ba gha. Abay nagulat akong bundok din areng aming nilipatan! Ayon sa aming head ng team namin eiy kapag lalabas ng campus ay kailangang magsubmit ng request form. Bawal umalis ng hindi nagpapa-alam. Pagtumakas at dumaan sa pader eiy negative dahil sa my electric shock yuon. May mahigpit na security sa main gate. Kalat ang mga CCTV. Malawak rin at may mga building na kasalukuyang itinatayo sa di kalayuan sa sakop rin ng lupain ng ACES. At sa ngayon ay lima na kami sa kwarto gawa gha ng under renovation ang ibang kuwarto na kusang may gusali ng nakatayo. Bali parang circle na building areeeh na may limang palapag. Lilinawin ko laang na may field sa baba na tulad ng soccer field na napapanood ko sa sport news. Gay-on na gay-on! Ayon sa naririnig kong kwento eiy minadali ang paglipat namin dahil sa may taksil daw sa samahan. Sa unang gabiy nakatulog kami ng matiwasay kaya laang.... Madaling araw eiy umalingawngaw ang sirena sa loob. Yuon ang nagpagising sa amin at magsisipagtakbuhan sana kaming palabas ng building!!!! Kaya laang pinigil kami ng isa sa kasamahan namin at kami raw eiy mag rubber shoes daw! Ayyy animal!!! Baka may sunog na, alaaaay magsasapatos pa!!!? Pero sumunod narin kami at superior namin areeh. At pagkababa nga namin eiiyy nalintikan!!!! Alaaaah eiiiy patatakbuhin pala kami ngay-on! Pero bakit!? Pero okay laang at bundok! Laking bundok kaya kami!!!! Kaya laang kasisimula palang namin eiy hinihingal na ako kahit si Junior!!!! Pero nauna na ako kay Junior. Si Donald naman eiy nauna na rin sa amin. Gawa ng runner iyon! Pero bakit kaya kabilis kong hingalin!? Ahhhh!!!! Sisiw laang naman sa amin areeeh eiy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD