Milli
Andito ako ngayon sa nirerentahan kong condo. Yeah, nagrerent palang ako ngayon wala kasi akong magustuhan sa mga condos na inooffer sa akin. At ang gustong gusto kong condo ay yung isa sa mga condo ni Queenie.
At sisiguruhin kong makukuha ko ito. It was just a piece of cake seducing and making a man fall for me in just a month. Baka nga wala pang isang buwan magawa ko na ang Dare eh.
"I'm so excited to have that condo!" excited na sabi ko habang nakangiti. Kulang na nga lang magheart emoji yung nga mata ko.
Kasalukuyan na akong nakasakay sa kotse ko para pumasok ng school. Inagahan ko talaga kasi alam ko nga maaga ang pasok ni Dwayne ngayon. Kumbaga, gagawa nanaman ako ng diskarteng malupit ko.
Nagpapark na ako sa school parking ng matanaw ko siyang papalabas ng sarili niyang kotse. Tadhana nga naman, pinapadali ang dare ko.
"Hindi ko na kailangang maghanap. Ang suwerte mo talaga Milli." nakangiting sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang buhok ko. Napahalik pa ako sa sarili kong repleksiyon dahil sa tuwa ko. Nagmadali na akong lumabas ng kotse ko ng makita ko siyang naglalakad na. Nilock ko muna ang car ko bago ko siya hinabol.
"Hi Dwayne!" masiglang bati ko sa kanya na hindi pinapahalatang napagod ako sa paghabol sa kanya. Medyo malayo na kasi ang narating nito. Nakita ko naman na mukhang nagulat siya at natulala nanaman. Natawa tuloy ako sa hitsura niya.
"Sobrang ganda ko talaga!" natatawang sabi ng isip ko.
"O-h h-i!" utal niyang sabi sa akin na mas lalong nagpalawak ng ngiti ko
"Papasok ka na?" tanong ko, binalewala ko ang pagkautal niya para hindi siya maawkward sa akin. Nahimasmasan na ata siya kasi napangiti siya bigla. I never thought that a playboy and s*x maniac like him ay mauutal at matutulala ng ganito. Plus points para sa akin yun.
"Hindi pa naman, mayang seven pa ang pasok ko, sadyang inagahan ko lang." nakangiting sabi niya habang tinignan niya ang relong nasa wrist niya.
"Is that so? Care to have a breakfast with me?" offer ko sa kanya at binigyan siya ng isang napakatamis na ngiti na hindi niya kayang hindian.
"O-h sure!" masiglang pahayag niya
"Two points for me!"
"Let's go?" aya ko sa kanya sabay kawit ko ng kamay ko sa braso niya. Napapitlag pa nga siya sa ginawa kong pag abrisiyete ng kamay ko sa braso niya. Napatingin pa ito sa akin at sa kamay ko na nakahawak sa mga braso niya.
"Sure!" nakangiti ng sabi niya
Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mga studyanteng nadadaanan namin. Mangilan ngilan lang naman sila kaya I didn't bother at all. Walang imik kaming naglakad papuntang cafeteria pero makikita mo sa mukha namin ang ngiting nakapaskil.
Nang makapasok kami ng cafeteria, all eyes pa rin sa amin. Pero nilagpasan lang namin sila at dumiretso sa may mga pagkain.
"What do you want to eat?"
"You!" nakangiti kong sagot
"What the!--"
"Joke lang! Di ka na mabiro." I cut off his words. Paano naman kasi parang babae kung manlaki ang mata niya. So epic kaya, tawang tawa talaga ako at hindi ko ito napigilan.
"Are you laughing at me, Milli?" nakakunot noong tanong niya sa akin. Natahimik naman ako sa pagtawa, bakit pag siya ang nagtawag ng pangalan ko. Why is that I feel so strange?
"No! Actually yes." amin ko sa kanya
"And why is that?" humihingi ng paliwanag na sabi niya.
"Wala naman, is just that, you're so cute sa paglaki ng mata mo." nakangiting paliwanag ko sabay pisil sa pisngi niya. Bakit ba ang comfortable ng feeling ko sa kanya.
"Ouch! Stop that! I'm not cute because I'm handsome!" nakangiting sabi niya.
"Ang hangin, Dwayne!" natatawang sabi ko sabay hinigpitan ko ang pagkapit sa braso niya na ikinatawa nito.
"You make me laugh, Milli. Bago pa natin makalimutan, order ka na. Baka malate ka sa pasok mo." paalala nito
"Don't worry, my class will start at eight." sabi ko habang namimili ng pagkain.
"Bakit sobrang aga mo kung eight pa ang pasok mo?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Spaghetti, fries and strawberry juice." sabi ko sa nagtitinda. Pagkatapos kong sinabi ang order ko, nilingon ko siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis bago ulit ako nagsalita.
"I just wanted to meet you bago ka pumasok sa class mo. Pero mas sobra pa pala ang binigay niya sa hiling ko." diretsahang sabi ko na ikinatigil niya
"What?" di makapaniwalang tanong niya.
"Order ka na muna. Para maprepare na nila. Tsaka pakisarado yang bibig mo baka mapasukan ng langaw." sabi ko sabay sara ko ng bibig niya.
Pagkakamalan kaming magsyota nito sa ayos namin. Can you imagine na ako nakakawit sa braso niya tapos nakaharap ako sa kanya habang sinasarado ang bibig niya? Nagkatitigan kami at bakit ganito ang feeling ko? Una na akong nagbawi ng titig at ngumiti na lang para hindi niya mapansin ang pagkatuliro ko.
"Please give him a breakfast meal with bacon and egg then a strawberry juice na rin." sabi ko sa nagtitinda, ako na nag order since parang nag space out na naman siya.
Kinalabit ko siya para matauhan.
"Pssst! Tama na yang pagkatulala mo diyan. Alam kong maganda ako kaya stop drooling at me." nakangiti kong sabi na ikinangiti niya na din.
"Yeah, I agree with that. Bayaran na natin yung inorder natin."
Binayaran na namin at hinihintay nalang na ibigay yung order namin. Nang dumating na, inalis ko ang pagkakapit ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at kita sa mukha niya ang dis appointment. For what? eh inalis ko lang naman yung kamay ko ah. Hindi ko siya pinansin at kinuha na ang tray ng pagkain ko. Nasa likuran ko lang siya at sinusundan niya ako papunta sa bakanteng mesa.
Wala kaming imikan habang kumakain and I hate the silence between us. It's creeping me out! Habang iniikot ko sa tinidor yung spag ko, tumingin ako sa kanya. And to my surprise, nakatingin pala siya sa akin. Napangiti ako ng dahil doon, siya naman ay nagbawi ng tingin niya.
Natapos na kaming kumain at nagkukwentuhan nalang kami ng mapatingin ako sa watch niya. Talagang nagulat ako kasi ilang minuto nalang magsisimula na ang klase niya.
"Oh My God, Dwayne! You have to stand up there and go to your class. It's almost seven!" gulat na sabi ko at napatayo sa kinauupuan ko.
"Oh f**k! I almost forgot." gulat din na sabi niya.
"I need to go. I don't want to leave you here but I have my class." nagpapaalam na sabi niya, makikita mo talaga sa mukha niya na ayaw pa nga niyang umalis.
"You have to go bago ka pa malate." nakangiting sabi ko. Alanganin siyang tumalikod pero napaharap din.
" Can I meet you at lunch?" alanganing tanong niya habang napapakamot sa batok niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Oo naman, Dwayne, anytime." nakangiti kong sabi
"Sabi mo yan ha? Bye, see you later." nakangiting paalam niya.
Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang lumabas ng cafeteria. Nakangiti akong napaupo ulit habang tinitignan ang pintuan kung saan lumabas si Dwayne.
"It's an easy peasy for me. I think a little push nalang mahuhulog na siya ng tuluyan." pabulong na sabi ko sa sarili. Nagtagal pa ako ng konti bago ako umalis at nagpunta sa room namin.