Time flies very fast, isang linggo na ang nakalipas simula ng umpisahan ko ang dare namin. And, i'm totally proud of myself. I've gone so far at malapit ko ng matapos ang dare.
May usapan kaming magbabarkada ngayon na magba-bar. I don't know kung bakit parang ayaw kong sumama sa kanila. Parang mas gusto kong mahiga nalang at makipagtext sa kanya the whole night. Pero alam ko na hindi pwede kasi magagalit ang mga kaibigan ko sa akin.
Nagsasapatos nalang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Ang akala ko sina Queenie ang nagtext, pero hindi pala. It's him! Excited kong binuksan ang message niya.
Dwayne
Hey, what are you doing?
Me:
Going somewhere with my friends. You?
Dwayne:
Nothing, i'm kinda bored right now. Wala kasi kaming lakad tonight.
Me:
Ohhh, Is that so?
Binaba ko sa kama ang phone ko para makapag ayos ng mabuti. Hindi naman kasi ako masyadong naglalagay ng make ups. A blush on, lip gloss, powder and perfume will do. Hindi mo naman kasi kailangan magmake up ng bongga to be beautiful. I'm confident with my own beauty. Napangiti ako ng tumunog ang phone ko.
Dwayne:
Can I come with you? If it's okay?
After kong mabasa ang text niya. Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti ko. Destiny nga naman, laging pumapanig sa akin.
Me:
Sure, you can come..
Dwayne:
Are you sure? Hindi ba magagalit friends mo?
Me:
Don't worry, ako na bahala sa kanila.
Dwayne:
So, I guess maliligo na ako. Para naman mabango ako pag nagkita tayo.
Me:
Haha, suit yourself Dwayne.
Dwayne:
Can't wait to see you Milli..
Napangiti ulit ako sa text niya. Is this kilig reaction they were saying?
Me:
Same here Dwayne. Got to go! See you later.
Dwayne:
Kinilig naman ako doon. Is that true Milli?
Hindi ko na pinansin ang text niya kasi hindi ko alam kung ano ang irereply ko. My God! What the f**k am I thinking. I was suppose to be happy, kasi senyales na bumibigay na siya sa akin. Bakit may parte ng puso ko na sobrang kinikilig.
Dwayne:
Milli?
Dwayne:
Hey!
Dwayne:
Just take care on driving. See you later Milli.
Yan ang huling text niya sa akin. I'm actually happy, and I dont know why i'm doubting the happiness i'm feeling right now.
Nasa loob na ako ng kotse ko at nasa labas ng bar kung saan ang usapan naming magbabarkada.
"Am I happy because i'll be winning the dare and get that condo?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng aking kotse.
"Bakit ganito ang pakiramdam ko?" naguguluhang sabi ko
I sighed as I open the car door. Nilabas ko ang phone ko to text Dwayne the location.
Me:
Retro Vista Bar, text me kung nakarating ka na. Take care!
Nilagay ko na ang phone ko sa bag after kong mailock ang kotse ko. Naglakad na ako papasok ng bar. I didn't bother texting kasi I know where to find them. Iisa lang naman lagi ang inuupuan namin pag andito kami. Kakilala kasi ni Renz ang may ari kaya always reserve sa amin ang table na yun.
Malapit na ako sa kinaroroonan nila. I'm not surprise to see na may mga kapartner na sila except for Renz. The very good boy ng barkada.
"Hi Milli!" sabay sabay nilang bati sa akin ng nakangiti. I automatically smile sa pagbati nila sa akin.
"Wow ha! Talagang sabay sabay? Hindi ba pwedeng isa isa lang?" tumatawang sabi ko sabay lapit ko isa-isa sa kanila para makipagbeso
"Hindi daw pwede, kailangan dapat in unison!" tumatawa ding sabi ni Renz
"Namiss ko kayo guys!" sabi ko sabay yakap sa kanila isa isa.
"Parang nagkita lang tayo kanina ah?" nakangiting sabi ni Queenie.
"Of course naman, kahit segundo lang noh! Sobrang namimiss ko kayo." sabi ko sabay upo sa bakanteng upuan.
"Naks naman Milli! Is that you?" nagtatanong na sabi ni Renz habang natatawa.
Napatawa nalang ako sa reaction nila. Inabutan naman nila ako ng drinks at agad ko itong nilagok. I need this to calm my nerves. Para mas lalo akong makagalaw mamaya pag andito na siya. This isn't me!
"Woooaaaahhh easy Milli! May lakad at nagmamadali?" taas kilay na sabi ni Queenie sa akin. Napailing naman ako sabay senyas na isa pa kay Cynth na may hawak ng bote ng alak. Nilagok ko muna ito bago magsalita.
"I just want to feel tipsy bago pa siya dumating." pahayag ko sabay senyas kay Cynth ng isa pang shot.
"Wow? I didn't see it coming Milli dear. How come you need to be tipsy? He's simply the target." kunot noong tanong ni Queenie.
Hindi ko din alam kung bakit kaya wala akong maisagot. Ininom ko nalang ulit ang alak para hindi na ulit sila magtanong. Pero sadyang makulit lang sila. Nakatingin silang lahat sa akin habang si Queenie naman ay nakataas lang ang kilay sa akin.
"Don't tell me Milli you're attracted to that guy already?" sabi niya sabay takip ng bibig niya.
"Of course NO! A big NO!" react ko, pero hindi ko sigurado kung naniwala sila.
"Milli dear, remember this! He's only a dare. Don't fall inlove with your target kung hindi masasaktan ka lang." paalala ni Queenie na sinag ayunan ng lahat.
"I know! Don't worry it won't happen." sabi ko sa kanila pero hindi kumbinsido ang puso ko. It won't happen nga ba?
"Cheeerrrrssss!!" sigaw ni Queenie sabay taas niya ng baso niya. Nakipagtoast kami sa kanya at thinumbs up ang alak sa mga baso namin. Pinilit kong ngumiti, ewan ko ba kung bakit di ko magawng maging masaya.
Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone sa bag ko. Nilabas ko ang phone ko at binasa ang text.
Dwayne:
I'm here at the entrance.
"Guys, he's here. Be kind and sshhh kayo ha." sabi ko na sinang ayunan nila.
"Just a reminder Milli dear! Don't fall on your own trap. Goodluck!" makahulugang sabi ni Queenie sa akin.
"I'll remember that Queenie. Don't worry." pagkukumbinsi ko sa kanila na ikinakibit lang ng balikat niya. Bago ko makalimutan tinext ko muna siya.
Me:
Left wing of the bar counter malapit sa may railings ng dance floor. See you!"
Ilang minuto lang ng dumating na siya. Nakipagkamay muna siya sa mga kaibigan ko bago siya umupo sa tabi ko. No need to introduce him kasi naman kilalang kilala na nila tong katabi ko.
Nakita kong inabutan ni Renz ng baso na may alak si Dwayne na agad niyang tinanggap at nagpasalamat.
"Akala ko matatagalan ka pa?" nakangiting tanong ko sa kanya
"Nope, sinadya kong bilisan para makasama kita ng matagal." nakangiti din sabi niya. Deep inside me kinilig ng sobra..
"Ayiieeee! Ang cheezy!" sigaw na pang aasar ni Cynth sa amin. Nakita ko naman nakangiti silang lahat na para bang sigurado na silang panalo ako.
Napatawa lang siya sa sinabi ng mga kaibigan ko. He didn't even bother looking at them basta nakatitig lang siya sa akin na sinuklian ko ng matamis na ngiti.a
"Kung ganito ba naman kaganda at kasexy ang naghihintay sayo. Bakit mo pa siya paghihintayin ng matagal." nakangiting sabi niya sabay kindat sa akin.
"Naku naman Dwayne! Flowery words nanaman ang bibig mo." natatawang sabi ko sabay tapik ko sa pisngi niya. Napapitlag ako ng bigla niya itong hinawakan.
"It's true Milli! You're so damn beautiful and sexy!" bulong niya sa tenga ko na ikinainit ng pakiramdam ko.
Nakita kong lumaki ang mga mata ng mga kaibigan ko at ngumisi. Pinanlakihan ko sila at nagsalita.
"Bawas bawasan ang panlalaki mga bess. Pag yan di na bumalik, bahala kayo jan." natatawang sabi ko sa kanila para iwala ang usapan namin ni Dwayne.
Nakita ko namang napatawa lang sila at napairap. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.
"Tama na yang pagpapakasweet mo Dwayne. Just drink and enjoy!"
"I'm enjoying, Milli. Sobrang nag eenjoy ako kahit ikaw lang ang kasama ko." bulong niya na ikinatawa ko.
Nakita ko namang kanya kanyang sayaw na ang mga kaibigan ko with their partners. We care for each other pero alam namin kung hanggang saan lang kami mangingialam. That's how our friendship goes.