Breaking news! Nasabat ang labing limang bilyon pesong halaga ng ipinagbabawal na gamot sa isang pagawaan ng appliances. Isang concerned citizen ang nag-report sa mga pulis tungkol sa naturang gusali na pagawaan umano ng appliances, ngunit sa loob nito ay isa palang laboratoryo ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa pag-iimbistiga ng mga pulis, ang naturang gusali ay may permit mula kay Mayor Alexander Lawrence David, kaya naman malakas ang loob ng may-ari na isang businessman, dahil umanoy may kapit ito at nagpapadulas ng malaking halaga sa mayor. Kung kaya naman minabuti ng awtoridad na magbaba ng search warrant sa opisina ng naturang mayor upang halughugin ang lugar. At matapos ang ilang minuto na paghahalughug sa loob ng opisina ni mayor, David, ay hindi makapaniwala ang mga tao na naroo

