"We can't bail your case..." Ang mga kataga na iyon ang nagpayanig sa sistema ni Alex. Hindi siya maaring magtagal pa sa loob ng apat na sulok ng kulungan na iyon. Paano ang pamilya niya? Kailangan pa naman siya ng asawa niya sa mga oras na iyon. "Masyadong mabigat ang mga ebidensya na nakuha sa loob ng opisina mo. Kaya non-bailable ang case. But don't worry. Mag-fi-fill tayo ng petition for bail sa kaso mo. But don't expect to much, Alex. Honestly... sa bigat ng case mo. I can't guarantee na ma-ga-grant ng mabilis ang petition for bail in very short time." Marahang tinapik ni Martin ang balikat ng kaibigan. "I'm sorry, Alex. Ginawa ko naman ang lahat para makalabas ka ngayon gabi, dahil alam kong nag-aalala sa 'yo ang asawa mo," Nanatiling walang imik si Alex na tila pina-process pa n

