"Hon!" Hindi makapaniwala na tawag ni Alex sa asawa. Mabilis niya na inilang hakbang ito. Kaagad naman na bumaling ng tingin si Jhajha sa asawa nang marinig niya ang boses nito. At mabilis na tumayo sa pagkaka-upo sa monoblock chair. "Bakit nandito ka? Sino ang kasama mo? Hindi ba kabilin-bilin ko kay Martin na 'wag kang paalisin ng bahay—" Napatigil siya sa pagsasalita nang mahigpit na yumakap sa kanya si Jhajha. Gustong mangilid ng mga luha niya sa awa sa asawa. Hating gabi na at dapat ay nagpapahinga na ito at hindi naroon sa kulungan. "Hindi ako makatulog, nami-miss kita..." Umiiyak na sabi ni Jhajha sa asawa habang mahigpit itong nakayakap sa katawan nito. Tila hinaplos ang puso ni Alex sa narinig. Kung pwede lang niya na hilahin ang araw para lang makalabas na siya sa lugar na iyon

