"J-Jhamaica?" Tila nakakita ng multo sa pagkagulat na bigkas ni jessica sa pangalan ng babae na nakatayo sa harap ng gate nila. Ang sabi ng katulong nila ay may babae na naghahanap sa kanya. Hindi niya ini-expect na ang asawa pala ni Alex ang gustong makipag-usap sa kanya. "Yaya, please open the gate so she can come inside," utos niya sa kasambahay. Mabilis na tumalima ang kasambahay sa kanya at binuksan ang gate. "You can leave us na Yaya," pagkaalis ng kasambahay ay nilapitan niya si Jhajha. "It was surprised to see you here," nakangiting sabi niya sa nakatayo pa rin na si Jhajha sa labas ng gate. "Don't you want to come inside? Mukhang importante ang sasabihin mo sa akin at pinuntahan mo pa ako talaga dito sa bahay namin," she said politely. Kinurot ni Jhajha ang daliri niya. Buo

