Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging balisa si Alex ng buong maghapon na iyon. At ang tanging laman ng isip niya ay ang kanyang asawa. Naiinip na sinipat niya ang orasan na nakasabit sa loob ng kulungan. Pasado alas-kwatro na ng hapon. Matapos bumisita ng kanyang mga magulang ay ang asawa naman inaasahan niya na pupunta doon upang bisitahin siya. Ngunit nagtataka siya kung bakit hindi pa ito pumupunta gayong ang sabi nito sa kanya kagabi ay bibisitahin siya nito at dadalan ng pananghalian upang sabay silang mag-lunch. Kinakabahan tuloy siya kung may masama ng nangyari sa asawa niya. Lalo pa't umuwi ang ina niya sa mansion. Alam niya na ilag pa rin ang asawa sa kanyang ina. Isinang tabi niya ang kaba at kung ano-ano pang negatibong tumatakbo sa kanyang isipan. Naisip niya na matapos

