Pilit na hinahagilap ng mga mata ni Alex ang asawa sa paligid nang bigla siyang nakaramdam ng kaba. At tila ba parang may kung ano ang nagsasabi sa kanya na nasa panganib ang asawa niya sa mga oras na iyon.Sa sobrang abala niya sa pang-aalaska sa kanya ng pinsan ay hindi na niya napansin kung saan pumunta si Jhajha. Nagpasya siya na lapitan si Clyde upang itanong kung nakita ba nito ang asawa. “Nakita mo ba ang asawa ko?” Bakas ang pag-aalala na tanong nito kay Clyde. “Hindi bakit?” kibit balikat na sagot ni Clyde. “Kanina ko pa s’ya hinahanap pero hindi ko makita,” “Ano?!” Gulat na usal ni Clyde. “Ganito, ‘wag kang magpapahalata sa iba na may nangyayari na hindi maganda. Hanapin mo s’ya banda roon at ako naman banda rito.” Ani Clyde. Nagsimula silang maghanap sa paligid. Maya-maya a

