Umuusok ang ilong sa galit ng nanay ni Alex nang makita nito ang samu't saring komento sa trending na video ni Jhajha nang mapasakamay ito ng lalaki na may sakit sa pag-iisip. Sa dami ng mga tao na nakasaksi na kumuha ng larawan at video ay mabilis na kumalat ang mga iyon sa social media. Ganun pa man ay hati ang puso ng mga netizen sa nangyari. May mga tao na natuwa sa kabutihan at kababaang loob na ipinamalas ni Alex sa nangyari. Ang sabi pa ng iba'y kahit sinong lalaki naman ang makita na pagtangkaan ng hindi maganda ang asawa o ang kasintahan nila ay mawawala talaga sa sarili. Kaya labis na humanga ang mga tao sa pagiging makatao na ipinamalas ni Alex ng araw na iyon. Mabilis niya na napatawad ang lalaki na dumukot kay Jhajha. At pinangko pa ni Alex na matalo o manalo man siya sa halaa

