Pagod na hinilot ni Jhajha ang dalawang binti sa halos limang oras na paro't-parito sa pag se-serve sa mga bakasyonista, sa maliit na restobar sa palau na pinapasukan niya bilang waitress. Pagmamay-ari iyon ng kaibigan na si Arth, schoolmate niya ng highschool. Malalim siyang bumuntong hininga at malungkot na tumingin sa kalawakan ng dagat. Mapait siya na ngumiti at niyakap ang sarili. Kamusta na kaya ang asawa ko? Nakalabas na kaya siya ng kulungan? Sigurado ako na baka sa mga oras na ito ay kinasusuklaman na niya ako, dahil sa ginawa ko… Mahal na mahal kita, Alex… "Tulala at umiiyak ka na naman friend," basag ng kaibigan na si Arth sa pag-iisa niya. She blinked my eyes. Tama nga si Arth, may luha ang ang mga mata niya. How come na hindi niya naramdaman ang mga luha na iyon? Oh sady

