"Sino ang nag-utos sa 'yo na gawin 'to sa asawa ko?" Nanlilisik ang mga mata sa galit na tanong ni Alex sa lalaking katabi ng asawa niya sa picture. Nang tawagan siya ni Clyde upang ipaalam sa kanya na nahanap na nito ang lalaki ay hindi siya nagdalawang isip na umalis kahit pa nasa gitna siya ng mahalagang event sa munisipyo. Nagtatangis ang mga ngipin niya na hinawakan ang lalaki sa kwelyo nito at itinaas iyon. "Hindi ka ba talaga magsasalita? Ha?" Gumagalaw ang mga ugat sa leeg na muling tanong niya rito dala ng labis na galit sa lalaki na tumabi sa hubad na katawan ng asawa niya. Nakakalokong ngumisi ang lalaki sa harap ng nanggagalaiti na si Alex. "Mayor, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na walang nag-utos sa akin na gawin 'yon. Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo, kung hindi ni

