Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin magawang buhayin ni Alex ang makina ng sasakyan. Pakiramdam niya ay sinapian siya ng hindi magandang espiritu at nagawa niya iyon sa asawa niya. Galit siya sa sarili niya dahil hindi na niya kilala ang sarili niya. Hindi siya iyon. Hindi ganun ang Alex na kilala niya. Sinaktan ko siya… sinaktan ko ang babaeng mahal ko…. Sinaktan ko ang asawa ko… Pinatunayan mo lang na totoo na ang tingin niya sa iyo, masama ka, malupit ka, pareho ka ng mga walang puso na kriminal, Alex… Tila na hihibang na turan niya sa sarili habang nakatitig sa naka saradong pinto ng bahay ni Jhajha. Gumuhit ang sakit sa dibdib niya. Tanaw niya na bukas pa ang ilaw sa bahagi ng sala sa loob ng bahay ng asawa niya. Ramdam niya na naroon pa ito at marahil ay umiiyak dahil sa

