Nagmamadali na pinaharurot ni Jhajha ang kotse papunta sa dalawang store niya matapos makatanggap ng tawag mula sa mga tauhan, na may problema sa mga skin care beauty product nila. At may dalawang costumer na gustong idemanda siya dahil nasira daw ang mga mukha ng mga ito dahil sa produkto na binili sa store niya. Problemado na pinarada niya ang kotse sa parking lot at nagmamadali na umakyat sa 2nd floor ng mall kung saan naroon ang isa niyang store. "Expired na daw po 'yung nabiling rejuvenating set sa atin ni customer, ate Jha, pero ini-check ko naman po 'yun kaya sigurado na hindi expired ang product natin bago ko ibigay kay customer. "Nangingilid ang mga luha na wika sa kanya ng sales lady na tauhan niya sa takot na baka sisantihin niya ito. Marahan niya na hinawakan ito sa balika

