Halos takbuhin ni Jhajha ang palabas ng munisipyo sa sama ng loob at galit para kay Alex. Hindi siya makapaniwala na sa loob pa talaga ng opisina nito gagawa ito ng milagro! Muli ay bumalik sa isipan niya ang tagpo na nakita ng mga mata niya. Kaya pala hindi siya nagpapakita sa anak niya, dahil may pinagkakaabalahan na ibang bagay. Oh, bakit may problema ka ba 'dun? Hiwalay na kayo, right? So he can do whatever he wants to do. Labas ka na sa bagay na 'yan Jha, ang sa anak mo na lang ang problemahin mo. Sita sa kanya ng munting tinig sa loob ng bahagi ng kanyang isip. Kung nagawa mo akong ipagpalit sa iba, pwes, kaya din kitang ipagpalit sa iba! Nang makarating siya sa loob ng condo ni Alex ay nagulat pa siya ng abutan niya ang lalaki na masayang nakikipaglaro sa anak nila, habang n

