Maasim ang mukha na iniluwa ni Jhajha sa tissue ang cheeseburger na nasa loob ng bibig nito. Nang hindi niya nagustuhan ang lasa niyon.
"Bakit hindi na masarap 'to ngayon?" Dismayado na turan niya sa sarili. Lately ay hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili niya. Napapadalas na kasing mawalan siya ng gana sa mga pagkain na dati-rati naman ay favorite niyang kainin. Dali-dali na tumayo at tumakbo siya patungo sa comfort room nang may makaramdam siyang dis-comfort sa sikmura. Agad itong dumalo sa tapat ng round sink basin sa loob ng banyo, at pagduduwal doon. Ngunit nakakailang duwal na rin siya roon ay wala naman itong maisuka, at kahit anong pilit niyang gawin na ilabas ang masamang pakiramdam sa sikmura ay wala talaga siyang maisuka. kinalma niya ang sarili, at nag-inhale, exhale. Nang matantiya niya na ayos na ang pakiramdam niya. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha na butil-butil sa pawis, at tuluyan nang lumabas ng comfort room. Habang naglalakad siya pabalik sa mesa na akupado niya, nagkaroon ito ng realization sa mga kakaibang pangyayari sa kanya. kung bakit nga ba these past few weeks ay marami siyang na papansin na kakaibang bagay sa kanya. She never loses her appetite when it comes to her favorite foods, but that was before. Dahil ngayon hindi niya maipaliwanag kung bakit, she always feel, tired, and sleepy, naging mainitin, at bugnutin din siya lately. And above all, tila may gustong kainin ang bibig niya na hindi lang niya ma pinpoint kung anong lasa ng pagkain ang gustong kainin o gustong matikman ng dila niya. Haisst! Naiinis na talaga siya sa nangyayari sa kanya, hindi niya maipaliwanag, ibang- iba sa dating life style niya.
"Oh, anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang itsura mo? " Takang tanong ng kaibigan nito na si Daisy nang makarating siya sa akupadong mesa.
Tinawagan niya ang kaibigan upang samahan siya nito na mag food trip.
"Nothing, " aniya sa kaibigan at humila ng upuan saka umupo roon.
"Anong nothing ang pinagsasabi mo r'yan, eh, you look pale, oh! " Mariing tinitigan siya ng kaibigan at sinuri ang buong katawan.
"Bruha ka. Did you have your monthly period?" Maang napatingin siya sa kaibigan kung bakit siya nito tinanong about sa period niya. At kunot ang noo niya na iniisip kung kailan nga ba ang last period niya.
"OMG! Don't tell me. You're not having your period yet?"
"I think, last month pa, Why—?" .
"Last month? Are you sure? Then when is the exact date of your period last month?"
"Hindi ko na matandaan, eh." Kibit balikat na sagot niya sa kaibigan.
Namilog ang mga mata ni Daisy sa sagot niya.
"OMG! Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, eh. Nag P.T ka na ba? Kung hindi pa, mag PT ka na para maka sure ka—"
"PT? Sure saan?" Natutup niya bibig sa narinig.
Oh no! It can't be! She can't be pregnant! Malalagot siya sa kuya Roldan niya!
Napalunok siya at kinakabahan na tumingin sa mata ng kaibigan.
"Hay, naku. 'yan na nga ba ang kinatatakutan ko, friend, paano kung... kung buntis ka nga? Paano 'yan? Anong plano mo? And if you're pregnant. You have to inform him that he got you pregnant. You need him,"
"No. I can't tell him, not now."
"What? Why? " Takang tanong ng kaibigan niya sa kanya.
"I told you before na naging kasabayan ng kuya ko si Alex sa pangliligaw kay ate Camille, noon. Magiging insensitive naman ako, kung malalaman ni kuya ko na, ang lalaking mahigpit na naging kalaban niya sa puso ni ate Camille, at ang lalaki na kinaiinisan n'ya, eh. kinababaliwan ko at magiging ama pa ng anak ko. Saka paano ko aaminin sa kuya ko na buntis ako? Ginagapang n'ya kami sa pag-aaral ni ate Liezel, tapos malalaman n'ya na buntis ako? Natatakot ako, Daisy." Napalunok si Daisy sa turan ni Jhajha.
"Ikaw kasi, friend, eh. Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa 'yo, bakit mo naman kasi kaagad isinuko ang bataan mo sa lalaki na 'yon? Wala talaga 'akong ka ide-idea makikipag- ano ka Alex na 'yun. Paano na 'yan ngayon? Paano ka na ngayon? Ang pag-aaral mo?"
Sa dami ng tanong ni Daisy kay Jhajha.
Ni isa sa mga iyon ay walang nag si-sink-in sa isip nito. Ang tangin laman ng isip niya ay ang kuya Roldan niya. Paano niya sasabihin na buntis siya sa lalaki na kinasusuklaman ng kapatid nito? Sa dami ng sakripisyo na ginawa ng kuya Roldan niya sa pamilya nila, sakit ng ulo pa ang isusukli niya rito? Parang hindi kaya ng konsensya niya ang bagay na iyon. Isa pa, ilang beses na siyang kinausap at pinag sabihan ng kuya niya na tumigil na sa mga kalokohang pinaggagawa at mag focus nalang sa pag-aaral para sa future niya. Pero hindi pa rin siya nakinig sa kuya niya, patuloy pa rin siyang nag pagkabaliw sa kakasunod kay Alex. Marahil iyon na ang kaparusahan niya sa pagiging irresponsible, at pagiging reprimanding child. Her mother and her brother always reminded her to focus on what matter to her, especially on her schooling para sa kanyang future.
Then what now, if she's pregnant, paano na siya? at ang magiging anak niya? She promised to her self na hindi mararanasan ng anak niya, ang lumaki ng walang ama, kagaya niya. Her father died when she was three years old because of car accident. Nagtatrabaho ang ama nito bilang family driver sa isang kilalang politiko sa lugar nila noon. Alam niya ang feeling ng walang ama, at kung buntis nga siya, nalulungkot siya na maitutulad sa kanya ang anak niya na walang kinagisnan na ama? Thou, hindi nga lang kagaya ng sitwasyon niya dahil her father was died years ago, at ang lalaki na ama ng magiging anak niya ay walang kaalam-alam na na buntis siya nito.
Nanginginig ang mga kamay na binitawan ni Jhajha ang hawak na pregnancy kit, sa ibabaw ng kama nito. Madalas na ma-blanko ang isip niya sa school na kinasanayan niya, but this time was very different, blanko ang isip niya at hindi niya alam ang dapat na gawin sa problema na napasukan niya. Pero gayon pa man, kahit alam niya na malaking problema ang kinakaharap niya sa mga oras na iyon, bakit parang hindi niya ma-feel na malungkot siya dahil buntis siya. Marahil kung sa ibang ka-edad niya na studyante nangyari ang bagay na iyon, malamang ay nag-iiyak na ang mga ito. Sino ba naman babae ang matutuwa kung mabubuntis ng walang magiging ama ang anak, diba? Yes, she's nervous and terrible afraid, sa kung ano ang maaring mangyari sa kanya, or sa kanilang mag-ina. But aside from that, she's happy and grateful dahil ang ama ng magiging anak niya ay walang iba kundi ang lalaki na matagal na niyang pinapangarap. Yun nga lang hindi makikilala ng anak niya ang ama nito, and that's part makes her feel so sad.
"That's okay, baby, Mommy's here for you! " Pampalakas loob na sabi niya sa sarili, at marahang dinama ang baby sa tiyan. You can do it, Jhajha! You can do it!" Masaya niyang inayos ang sarili at naghanda na sa pagtulog dahil iyon ang kailangan ng mga buntis. Ang may kumpletong tulog. Iyon kasi ang madalas niyang mapanood sa mga movies at sa k-drama. Nakahiga na si Jhajha at ipipikit na sana niya ang mga mata nang marinig nito na nag ring ang phone niya. She picked up the phone on the nightstand table, and answered her friend's call. It's was daisy.
"Positive or negative?" Walang paliguyligoy na tanong ng kaibigan nito sa kanya ng sagutin ni jhajha ang phone call nito.
"Positive..." Tugon niya sa kaibigan.
"Well, that's what I expected, so ano'ng plano mo?" Kapagkuwan ay sagot ng kaibigan niya.
"Honestly, hindi ko alam..." Pag-amin niya sa kaibigan na hindi pa nito alam ang tamang gagawin.
"Ano kaya kung... Kung ipaalam mo sa lalaki na 'yon na he got you pregnant, then ilihim mo na lang sa kuya mo, what do you think? " Suggestion ni Daisy.
"Look, Jhajha. Alam ko magulo pa ang isip mo sa ngayon, pero kailangan malaman ni Alex ang tungkol d'yan sa baby na nasa loob ng tiyan mo, once and for all, he's the father of your baby, di ba. Pag-isipan mo lang friend," she added.
Humugot ng malalim na buntong hininga si Jhajha sa suggestion ng kaibigan, at hindi niya maipagkakaila na may point naman ito. Wala naman mawawala if she try to tell Alex about their baby. At kung hindi man nito panindigan ang baby, or silang ma-ina actually, okay lang naman. At kung panindigan man sila ni Alex, sobrang thankful niya kay God.
Maagang gumayak si Jhajha paalis ng bahay. Hindi siya papasok sa morning subject niya. Nakapag isip-isip ito na tama nga ang kaibigan niya. Kailangan niyang ipaalam kay Alex ang tungkol sa baby na nasa sinapupunan nito. Good or bad man ang kalalabasan ng gagawin niya na iyon, basta buo na ang isip niya, pupunta siya at kakausapin ang lalaki kahit pa puno ng pangamba ang dibdib. At in the first place. Hindi naman siya umaasa na pinaniniwalaan at pakikinggan siya ni Alex, ewan nga ba niya kung bakit itinuloy pa rin niya ang suggestion ni Daisy, or siguro ay umaasa rin siya na baka ang baby sa sinapupunan niya ang mag bibigay katuparan sa pag papantasya nito sa lalaki.
Napa tigil sa paghakbang ang mga paa ni Jhajha ng mamataan nito si Alex na papalabas ng gusali kung saan naroon ang opisina ng lalaki. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang makita si Alex. Bahala na! Mabilis siya na lumakad upang lapitan ang lalaki, ngunit hindi pa man ito lubos na nakalalapit kay Alex ay muli na naman siyang napatigil sa paglalakad ng may isang sexy at magandang babae ang sumulpot sa likod ni Alex. Naka ngiti nito na ikinawit ang kamay sa braso ng lalaki. Napa lunok si Jhajha at tila pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit sa nakikita nito. Ang katiting na pag-asa na baon niya kanina ay naglahong lahat na parang bola. Kahit dati pa naman wala na talaga siyang pag-asa na mapapansin pa siya nito, bakit nga ba umasa-asa pa siya diba? Hindi porque may s****l na namamagitan sa kanila ni Alex, at na buntis pa siya nito, it's not really means na mapapansin at magugustuhan na siya nito. Beside, she flirted Alex, siya ang unang nag pakita ng motibo kaya na uwi sila sa isang mainit na pagsisiping ng gabing iyon.
"That's okay, baby, hindi naman na hu-hurt si mommy, and i'm sure love na love ka rin ni daddy mo. But he has a girlfriend na eh, hindi naman pwede na manira ng relasyon si mommy, kaya maging happy na lang tayo na happy si daddy mo sa babae na love niya at sa buhay niya..." Puno ng pait na pakikipag usap ni Jhajha sa anak nito kasabay ng paghawak sa impis na tiyan. At bahagya itong tumalikod ng papalapit na sa kinaroroonan niya ang naglalakad na sila Alex at ang kasama nito na si Jessica. Saglit na tumigil sa paghinga si Jhajha ng dumaan sa gawi niya ang mga ito. At rinig pa niya ang masayang nagkukwentuhan ng dalawa. Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit ba naman kasi hinintay pa niya ang dalawa na dumaan sa gawi niya. Dahil kung tutuusin ay dapat na kanina pa niya nilisan ang lugar na iyon. Pero tila na magnet na ang mga paa niya sa kinatatayuan at ni hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa palayo sa lugar. Nakahinga siya ng maluwag ng makalagpas na ang dalawang masaya pa rin nagkukwentuhan sa gawi niya.
'Wag kang titingin sa kanila! 'Wag na wag kang titingin sa kinila, Jhajha, masasaktan ka lang!
Paulit-ulit na utos ng munting tinig sa isip ni Jhajha sa kanya. Pero sadyang mapanakit ang puso niya, dahil sa huli ay bumaling pa din siya ng tingin sa direksyon ng mga ito. At muli ay naramdaman na naman niya ang kirot ng makita ang lalaki na may kasamang ibang babae.
"Hi, Alex, sana someday makilala mo din ang magiging anak natin, sana... sana sumagi man lang ako sa isip mo, kasi ikaw, matagal mo nang ginugulo ang isip ko. At nag-iisa ka lang na laman ng puso ko..."
Pinikit ni Jhajha ang mga mata ng mahilam ito sa luha.
"Good bye, Alex. Mag good bye kana din baby sa daddy mo, kasi baka ito na ang huling araw na makikita natin s'ya."
Hanggang sa unti-unting lumabo ang bulto ng dalawa sa paningin niya ay titig na titig pa rin si Jhajha sa gawi ng mga ito. Malabo man sa kanya ang mukha ni Alex, kitang-kita niya ang lalaki nang alalayan at ipagbukas pa nito ng pinto ng sasakyan ang kasama na babae. Doble ang sakit na nararamdaman ni Jhajha ng mga oras na iyon, at sa sobrang sakit ay hindi niya magawang kontrolin ang patuloy na pag patak ng mga luha.