"Ano bang ginagawa mo, Jhajha? feeling mo naman he betrayed you? eh, wala naman kayong relasyon di'ba? Didn't I told you that it was a lust kaya may nangyari sa inyo ng lalaki na 'yun. Kung bakit ba naman kasi nag pa ka-baliw ka sa lalaki na hindi ka naman pinapansin, at worst nagpa-buntis ka pa! kaloka ka din, eh 'no? Tapos ngayon iiyak-iyak ka d'yan? Pwede ba tumigil ka na nga sa kakaiyak mo, nagmumukha ka lang talaga sa pinaggagawa mo!" Sermon ni Jhajha sa sarili niya.
"Nagmahal lang naman ako, at wala naman masama na magmahal diba?" Sagot niya sa tanong ng sarili niya. At pinunasan ang luha gamit ang dalawang palad.
Sandaling napatigil si Alex sa akma na sana niyang pagbukas ng pinto sa driver seat na bahagi ng kotse. Tila hinahatak ang mga mata niya na tumingin sa babae nakatayo sa sa harapan ng nakaparada nitong sasakyan. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang babae na nakatalikod kanina ng dumaan sila doon ni Jessica. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandali na iyon, at kung bakit tila hinahatak ang mga paa niya na lumakad palapit sa nakatayo pa rin na babae roon. Maging ang pagtibok ng puso niya ay biglang bumilis na hindi niya maintindihan. Pilit man niya na aninaging mabuti ang mukha ng babae ay hindi na nito magawa dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nito.
"Alex, get in the car! We're running out of time. What are you looking there pa ba?" Tawag pansin ni Jessica kay Alex dahil hindi pa rin ito sumasakay ng kotse.
"Uhm. Yes, I'm coming," sagot nito at isang beses pa na tinapunan ng tingin ang babae saka ito tuluyan na sumakay sa kotse. Habang nagmamaneho siya papunta sa lugar kung saan gaganapin ang family gathering ng pamilya ni Jessica. Laman pa rin ng isipan nito si Jhajha. Naguguluhan siya sa sarili kung bakit tila may panghihinayang ito na hindi nito nagawang makita ng malapitan ang babae kanina.
"Alex is there something wrong?" kuha ni Jessica sa atensyon ni Alex. Simula ng sumakay ito sa loob ng kotse ay bigla na lang nagbago ang awra ng lalaki. Naging tahimik ito na animoy kay lalim ng iniisip.
"Huh?" takang tanong ni Alex kay Jessica kung bakit nito na tanong ang bagay na iyon.
"I said, what happened to you? It's there something bothering you? Oh my gosh! Don't tell me you're nervous dahil ma me-meet mo ang family ko, ah. I told you don't be. And just be yourself, I'm pretty sure na magugustuhan ka nila. Sa gwapo mo na 'yan!" Pagpapalakas loob ni Jessica kay Alex dahil sa ang buong akala nito ay kinakabahan ito na ma-meet ang family nito.
"Don't be nervous, okay!" Nakangiti na dagdag pa ni Jessica kay Alex.
Saglit na bumaling ng tingin si Alex kay Jessica, at gumanti ito ng ngiti.
"Thank you, but I'm not nervous. I'm sure magugustuhan ako ng family mo, ako pa ba?" He smirked.
Mahinang natawa si Jessica sa biro ni Alex, "Yabang!" Sabay na napatawa silang dalawa sa sinabi ni Jessica.
Nang makarating sina Alex at Jessica sa lugar kung saan dinadaos ang family gathering ng family ni Jessica ay sina lubong silang kaagad ni Mr. and Mrs. Del Rosario. Ito ang mga magulang ni Jessica.
"Hi, Alex. Hijo, finally we met," nakangiti na na bati ni Mrs. Alma Del Rosario, kay Alex. "Hmm! My daughter talks so many things about you, and she's right. You're very handsome. Hijo," dagdag pa na sabi ng ginang na hindi mawala ang matamis na ngiti sa mga labi.
"Hello, po tita Alma. Good evening po," magalang na tugon ni Alex sa ginang at humalik ito sa pisngi ng ina ni Jessica.
"Oh! Narito na pala ang soon to be son-in-law ko. Halika rito Alex, hijo, at ipapakilala kita sa mga kamag-anak namin," singit na sabi ng ama ni Jessica na si Mr. Jack. Hinila nito si Alex at dinala sa pon-pon ng mga nagkakasiyahang mga kamag-anak.
Wala ng nagawa pa si Alex ng hilahin siya ng ama ni Jessica. Nakangiti na lang siya na sumunod sa lalaki.
"Hindi ba napaka-swerte ng anak ko sa boyfriend n'ya, bukod sa gwapo na, napakabait na bata nito. Napaka sipag at napaka-hands on pa sa negosyo ng pamilya nila. Bagay na bagay talaga kayo ng anak kong si Jessica, wala rin inatupag ang anak ko na yan kundi ang mag trabaho," mahabang papuri ng ama ni Jessica kay Alex. Ang mga kamag-anak naman ng mga ito ay ubod tamis na ngumiti kay Alex at bakas ang pagkabilib sa binata.
"Naku. Kung ganun pala, eh. Maige ng maikasal na kayo ka agad. Isa pa nasa hustong gulang na rin naman kayo kung sa tutuusin, hindi ba, Jack?" Kumento naman ng Tita ni Jessica. Isang magalang na ngiti lamang ang sinagot ni Alex sa ginang. Ayaw lang niya na maging bastos sa mga ito, pero gustong-gusto niyang sabihin na wala naman silang relasyon ni Jessica, at hindi pa rin nila na papag-usapan ang bagay na iyon. At hindi naman niya nililigawan si Jessica. Madalas lang silang mag kasama because they're friends, iyon lang ang alam niya. At once na rin na ini-open ng ina ni Alex sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Jessica para sa merging ng dalawang pamilya sa larangan ng business. Wala naman siyang tutol sa ina, but not until he had one night stand sa isang stranger. Biglang nagbago ang ihip ng hangin at pati na ang isip niya ay nagbago na rin. Kung dati'y wala siyang pakialam sa usapang kasal-kasal na 'yun, pero iba na ngayon. Kailangan niyang alamin at hanapin kung sino man ang babae na nakasama niya sa kama niya. Kaya naman hindi siya titigil hanggang hindi niya natatagpuan saan man panig ng mundo ang babae na iyon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili niya, but he's longing and missing her soft lips. And he's starting to be crazy to find her.
"Mom! Dad! Nakakahiya po kay Alex. Hindi pa naman po namin na papag-usapan ang kasal na sinasabi ninyo. Besides we're both still young to get married. And we're enjoying life as a single, right Alex?" Nakangiti na sabi ni Jessica sa mga ito.
"Ahm... that's right," naalangan na tugon ni Alex kay Jessica.
"See, Mom. Dad." Hinila ni Jessica si Alex patungo sa mas tahimik na lugar kung saan wala masyadong bisita. At umupo sila sa upuan sa bakanteng round table.
"You want some food?" Tanong ni Jessica kay Alex nang ganap na silang parehong naka-upo.
"No. Thanks. Maybe later," magalang na sagot ni Alex kay Jessica.
"Ano ka ba naman, Alex. Just don't be shy at me, okay. Pagkinasal na tayo ako na rin naman ang magpe-prepare ng foods natin, kaya 'wag ka ng mahiya sa 'kin, okay." Pagpupumilit na alok ni Jessica kay Alex na ipaghanda siya ng pagkain nito.
"You don't need to do that, Jess—"
"Oh, you're so sweet talaga! But don't worry, I'll promise. I'll be a good and perfect wife as much as I can." Ani Jessica sa lalaki.
"Thanks. I appreciate that but... I don't think that I can marry you…" sawakas ay naisatinig na rin ni Alex ang gustong sabihin kay Jessica.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jessica sa sinabi na iyon ni Alex. She had no idea na maririnig niya iyon sa bibig ng lalaki. Ang buong akala kasi niya ay may special feelings rin para sa kanya si Alex. Kaya naman para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon.
"W-what? I-i mean, what did just you say? Is this some kind of your jokes? Please tell me this not true, right?" Hindi makapaniwala na sabi ni Jessica.
"Oh my goodness!" Dagdag na sabi ni Jessica at tinampal ang noo.
Hindi sumagot si Alex kay Jessica. Kaya ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Oh my gosh. How can I explain this to my family? They thought that we're getting married soon. I... I thought you'd love me too the way I am," dissapointed na basag ni Jessica sa katahimikan nila.
"I'm sorry, Jessica," tanging sagot lamang ni Alex sa babae.
"Look. Let's not talk about that now. Maybe you're just pressure because of my family. Please, Alex, try to love me. We're so happy naman diba? So why don't you love me?" Pagsusumamo na sabi ni Jessica sa lalaki.
"Jess, I don't love you. I know, you knew it. Right? I told you that I can only love you as my friend, not as lover." Parang dinudurog ang puso ni Jessica sa mga naririnig niya mula sa bibig ni Alex. All these time she thought that there were something special feelings between of them. At mahal na mahal na niya ang lalaki, tapos malalaman niya na wala pala itong nararamdaman para sa kanya? No! She can't let that thing to happen! She can't lose Alex. hindi niya kakayanin. She's willing to do everything, anything, masigurado lang niya na matutuloy ang gusto ng mga pamilya nila na maikasal sila. Dahil sobra na niyang mahal ito.
Pabaling-baling si Alex sa ibabaw ng kama. Hindi na naman siya dalawin ng antok. At ginugulo na naman ang isip niya ng stranger woman na iyon. Kung pwede lang ipahula niya kung sino talaga ang babaeng nakasama niya sa kama ay matagal na niyang ginawa. But those hula-hula nga ba ay totoo? Baka pagtawanan lang siya ng mga kaibigan niya sa idiya niya na iyon.
Sino ka ba talaga? Sino ka?
Naiinis na tumayo si Alex sa kama at kinuha nito ang maliit na bote na may laman na sulat. Tinitigan niya iyon at animoy na papayapa ang isip niya sa maliit na boteng hawak niya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa maliit na bote na iyon at kung bakit nakasanayan nya na hawakan iyon pag nai-stress siya. Basta simula ng may nag bigay sa kanya ng bote na iyon way back time noong 4th year high school pa lamang siya. Nakasanayan na niya na bago matulog at gumising ay gusto niya na nakikita ito. At para sa kanya ay naging lucky charm na niya iyon. Kaya naman pati sa paglipat sa condo unit ay dinala niya ito.
Hindi niya alam kung saan magsisimula para hanapin ang babae. Habang patuloy na nag iisip at bumubuo ng plano ang isipan niya. Binuksan niya ang pink na bote at inilabas roon ang maliit na kulay pink na papel. Napangiti ito nang muli na naman niyang mabasa ang mga nakasulat doon.
Hi, po sir. Alex.
Gusto ko lang sabihin sa iyo na crush kita! At secret admirer mo ako! Sana soon makilala mo rin ako. Sana ingatan mo ang sulat ko kasi inutang ko lang sa friend ko ang pinambili ko nito.
Always take care, because I care for you!
Ay teka, nakalimutan ko pa lang sabihin ang cute mo! Ang cute, cute mo!
Thank you so much!
From: J.J
"Silly girl!" He softly chuckles habang iniiling-iling ang ulo.
Tandang-tanda ni Alex ang araw na may nag bigay sa kanya ng message in a bottle na iyon. And those fair of eyes from the little girl na nag-abot sa kanya ng bote. Sigurado siya na sa batang estudyante na iyon galing ang maliit na bote. Dalawang studyanteng babae ang nag punta sa room nila noon para iabot sa kanya ang message in the bottle. At nagpa picture pa. Kaya naman nahagip ng mga mata niya ang initial na J.J sa pendant ng kwintas nito. Nakakatuwa lang na nabuking niya ang pagtatago ng katauhan sana ng tao na nagbigay sa kanya ng bagay na iyon. Pero mas natuwa siya ng mabasa ang nakalagay sa sulat na "Inutang ko lang sa friend ko ang pinambili ko nito," hindi niya napigilan ang sarili na bumulahaw ng tawa noon kaya naman napagalitan pa siya ng TLE teacher nila. And to return the favor sa batang studyante. Inalam ni Alex ang room nito at pinadalhan niya ng isang box na chocolate galing sa tita niya sa abroad. Habang nagtatago sa di kalayuan. Kitang-kita ni Alex nang mag-blush ang mga pisngi ni Jhajha at kilig na kilig pa ito. Natuwa na rin si Alex dahil kahit paano ay na pasaya rin niya ang little girl na iyon. At nang sumunod na buwan na muling nag pa package ang tita ni Alex. Pinadalhan na naman niya si Jhajha ng isang box na chocolate at may kasama na bagback. Napansin kasi niya na halatang luma na ang bag ni Jhajha at may tahi na rin ito. Hanggang sa dumating ang graduation at nagtapos na si Alex sa naturang paaralan ay wala na itong balita sa batang babae na binigyan niya ng chokolate. At na busy na rin siya sa pag-aaral sa college. Bigla tuloy siyang napa-isip kung kamusta na kaya ang batang babae na iyon.