Chapter 6

3027 Words
Nagmamadali na nag punta si Daisy sa lugar kung nasaan ang kaibigan na si Jhajha. Sobrang nalulungkot din ito para kay Jhajha pero at the same time, gusto rin niyang sabunutan ang sarili dahil sobra din itong naging supportive sa kabaliwan ng kaibigan niyang iyon. Dankasi naman, hindi niya sukat akalain na hahantong ang kabaliwan ng kaibigan to extent na isusuko ang bataan sa lalaki na kinababaliwan nito, haist, kaloka! Ngayon kailangan din niya na maghanda. Panigurado once na malaman ng pamilya ni Jhajha ang tungkol sa pinagbubuntis nito, malamang na kakausapin din siya ng nanay at kuya ni Jhajha dahil siya ang madalas na kasama at best friend nito. Haist! Nakakaloka! Pati siya tuloy ay problemado na. "Ano ka ba naman Jhajha? Past eleven o'clock na ng gabi, nasa labas ka pa? Bakit ba hindi ka pa umuwi sa bahay ninyo? Alam mo naman na buntis ka, at bawal na bawal sa 'yo ang mag puyat di'ba?" Mahabang lektyur ni Daisy kay Jhajha nang makarating ito sa korean restaurant na kinaroroonan ng kaibigan. "Naka-uniform ka pa? Don't tell me hindi ka pa umuwi sa inyo?" muling pag-uusisa nito sa kaibigan nang mapansin na nakasuot pa rin ito ng uniform nila. They were taking HRM course in college and as of now on their third year. Simula elementary to high school magkaklase sila ni Jhajha. Kaya naman nang sabihin ni Jhajha na HRM course ang kukunin nito sa kolehiyo. She chose the same course too. "Hindi pa nga ako talaga umuwi. Friday night ngayon, I'm sure nasa bahay ang kuya ko..." malungkot na sagot ni Jhajha. "Oh, eh. Ano naman kung nasa bahay ang kuya mo?" "Natatakot ako baka pagalitan ako ni kuya," "Bakit alam na ba sa bahay ninyo na buntis ka?" "No. Wala pa 'kong na papagsabihan ni isa sa pamilya ko," "Oh! 'Yun naman pala, eh. Ano ang kinakatakot mo sa ngayon?" Ibubuka na sana ni Jhajha ang bibig upang sagutin ang kaibigan ng biglang tumunog ang cellphone nito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na ang ate Liezel niya ang tumatawag sa kanya. "Oh, bakit ayaw mo sagutin ang phone mo?" Usisa sa kanya ni Daisy nang mapansin na nakatitig lang si Jhajha sa hawak nitong cellphone at tila walang balak na sagutin iyon. "S-si ate Liezel ang tumatawag, kaya ayaw kong sagutin. Panigurado tatanungin lang ako niyan kung nasaan ako at sasabihin lang n'ya na hinahanap ako ni kuya," "Sira ka pala, eh! Kaya nga mas maige na sagutin mo ang ate mo para hindi magduda sa'yo. Isa pa, syempre mag-aalala sa'yo ang ate mo, malamang kapatid mo 'yan, eh." Kinuha ni Daisy ang cellphone sa kamay ng kaibigan nito at sinagot ang tawag ng kapatid na si Liezel. "Jhamaica Mae Santiago, nasaan ka na naman ba? Hating gabi na wala ka pa sa bahay, nandito na si kuya at hinahanap ka. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil 'di ko naman alam kung saang lupalop ka na naman naroon!" Mahabang litanya na sabi ng ate Liezel ni Jhajha na bahagya pang inilayo ni Daisy ang phone sa tainga nito sa sobrang lakas ng boses ng ate ng kaibigan. "Ahm... Ate Liezel, It's me Daisy po. Nakatulog na po kasi ang kapatid mo sa sobrang pagod sa thesis naman at project, hindi ko naman po alam na hindi po pala nag paalam sa inyo na dito s'ya matutulog." Pagsisinungaling na sabi ni Daisy sa kay Liezel. "Ikaw Daisy, ah. Siguraduhin mo lang na hindi mo na naman pinagtatakpan ang kalokohan ng kapatid mo, ah!" Napa lunok si Daisy sa pagbabanta na iyon ni Liezel. Haist! Bakit ba kasi pinagtatakpan na naman niya ang kalokohan ng kaibigan. "Ikaw naman, ate Liezel, oh. Malalim na ang gabi, pero ang init pa rin ng ulo mo," idinaan na lang ni Daisy sa biro ang pakikipag-usap sa nagsusungit na kapatid ni Jhajha. "Tulog na po talaga si Jhajha, at baka nakalimutan lang n'ya na magpa-abiso sa inyo na dito po s'ya mag-overnight sa bahay. Kaya huwag na po kayong mag-alala sa kanya," Pigil ang paghinga na muling pagsisinungaling ni Daisy. Gustuhin man niya na magtapat sa kapatid ni Jhajha ay hindi niya magawa. Na isip niya na mas maganda kung sa bibig mismo ng kaibigan manggagaling ang balita na nagdadalang tao ito. "Oh. Sige na, kung tulog na nga s'ya, ano pa ang magagawa ko. Sabihin ko na lang kay kuya na nasa house n'yo siya at may thesis kayo. Paki bantayan na lang kapatid ko na 'yan, and do me a favor, Daisy. Please lang, 'wag mong konsintihin sa mga kalokohan ang kaibigan mo na 'yan. Dahil baka 'yang mga pangungunsinti mo sa kanya ang magtutulak para mapariwara ang buhay ng kaibigan mo. Sige na matulog ka na rin, Good night." Tila kinurot ang puso ni Daisy sa sinabi ng kapatid ni Jhajha. Bigla itong na konsensya na baka nga isa din siya sa naging dahilan kung bakit nakasadlak sa problema ang kaibigan. Masyado rin itong naging sunod sunuran sa kalokohan ni Jhajha. "May problema ba?" Pukaw na tanong ni Jhajha kay Daisy nang bigla na lang itong naging tulala at tahimik matapos makipag usap sa ate nito. Tumingin si Daisy sa mga mata ng kaibigan saka ito nag salita. "Jha, hanggang kailan mo ba balak ilihim ang pagbubuntis mo? Alam mo sooner or later malalaman at malalaman ng pamilya mo ang bata sa loob ng tiyan mo, kaya kung ako sa 'yo ipapaalam sa kanila," Nag iwas ng tingin si Jhajha kay Daisy saka nito sinagot ang tanong ng kaibigan. "Alam ko naman 'yun, eh. Ang problema, humahanap lang ako ng tamang oras," anito sa malamlam na tinig. Lubos talagang nakakaramdam ng awa si Daisy para sa kaibigan, pero wala naman siyang magagawa... "Oh, sige. Promise mo 'yan, ah. Sabihin mo na kaagad, kasi ikaw din ang mahihirapan," kapagkuwan ay paalala ni Daisy kay Jhajha. "Promise! Pero sa ngayon sa inyo mo na ako mag-i sleep over," She winked mischievously. Daisly rolled eyes on her. Nginitian lang niya ito. Alam niya na hindi siya matitiis ng matalik na kaibigan niya si Daisy. "May magagawa pa ba ako? Alanganaman na hayaan kitang matulog sa lansangan. Pasalamat ka talaga love kita, at mabait ako na kaibigan!" Kung waring nagsusungit na si Daisy. "Thank you sa pinaka maganda at the best kung friend sa buong mundo! And soon to be my kumare!" Biro na sabi ni Jhajha sa kaibigan. "Kaloka ka! 19 years old pa lang ako magiging ninang na," nakabusangot na tugon ni Daisy kay Jhajha. "Haist! Ang aga mo kasing lumande, eh!" "Ouchy, ah! Ang bad ng mouth mo. Hindi ba pwedeng maaga lang akong nagmahal." Salag ni Jhajha sa sinabi ng kaibigan. "Okay, fine, fine. 'Edi maagang nagmahal, ano happy?" Nakataas ang kilay na sagot ni Daisy sa kaibigan. "Much better pakingan," nakangiti na ani Jhajha. "Tawa ka d'yan! Tara na tumayo na tayo para makauwi na. Baka pati ako nito hindi papasukin ni mama sa bahay dahil sa 'yo," matulis ang nguso na ani Daisy. "Wait." Pigil ni jhajha sa pagtayo ng kaibigan sa kinau-upuan. "Ano na naman?" Inis na tanong ni Daisy sa kaibigan. "Paki bayaran na rin pala muna 'yung bills ko. Please…" tila bata na sabi ni Jhajha. "Kaloka ka talaga! Mabuti na lang may dala 'kong pera. kung nagkataon pala maghuhugas pa tayong dalawa ng pinggan dito! Napaka abusera mo talaga, eh 'no," maktol na sabi ni Daisy. "Opss! Remember, ninang ka ng magiging anak ko, at hindi ko naman gusto kumain ng mga 'yan 'yung baby sa loob ng tiyan ko," pangangatwiran ni Jhajha na itinuro pa ang tiyan. "Tse! Ang galing mo talaga eh, 'no. Ipang blackmail daw ba ang bata," "Thank you, ninang! Magbabayad ka rin pala, ang dami mo pang sinabi," pang iinis na sabi ni Jhajha kay Daisy. "Do I have a choice? Di ba wala naman? Baka umiyak ka pa d'yan kung hindi ko bayaran ang bills mo!" Daisy rolled eyes again to her friend, and raised a hand to call a waiter. Hindi naman nag tagal ay may lumapit sa gawi nila na service crew. Nanlaki ang mata ni Daisy sa pagkabigla nang makita ang malaking bills na kinain ng kaibigan. "Jusmiyo marimar! 5700 ang bills mo? Mukhang tinikman mo na lahat ang menu nila dito, ah?" Gulat na sabi ni Daisy. "Kanina pa kasi ako nandito. I'll pay you back na lang promise," Wala nang nagawa si Daisy kundi iabot ang card nito sa service crew. "Kung ganyan ka kalakas kumain mabilis kang tataba niyan, sige ka baka hindi kana talaga magustuhan ng Alex my love mo," kapagkuwan ay pang-iinis ni Daisy kay Jhajha. "Okay lang. Wala na rin naman akong pake sa kanya." Napanganga si Daisy sa narinig na sinabi ni Jhajha. "Aba't himala ah? Ano'ng nakain mo dito sa korean restaurant at biglang nagbago ang ihip ng hangin? Parang kailan lang baliw na baliw ka sa lalaki na 'yun, di ba? Nagpabuntis ka pa nga?" "May girlfriend eh." Malungkot na sagot ni jhajha sa kaibigan. "So sinunod mo pala ang payo ko? mabuti naman. Ano'ng sabi n'ya sa baby sa tiyan mo?" "Hindi naman ako nagpakilala—" "Ano?! Hindi ka nagpakilala? Jha, naman, nandoon ka na eh, bakit di kapa nagpakilala?!" "Maganda 'yung babae... tsaka sexy, halatang mayaman at bagay na bagay silang dalawa," pinigilan ni Jhajha na mangilid ang mga luha niya. Hindi siya iiyak, hindi na siya iiyak pa... tangap na niya na wala siyang pag-asa kay Alex, masaya na siya sa baby niya. "Loka-loka ka rin talaga 'no! nagpabuntis ka muna tapos saka ka matatauhan sa kabaliwan mo? Jha, umamin ka nga sa 'kin, normal ka ba na tao? Or baka may sakit ka sa pag-iisip? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Sana noon mo pa 'yan sinaksak sa kukote mo, edi sana hindi ka buntis ngayon, at sana hindi ka problemado ngayon diba?" Hindi na napigilan ni Daisy ang bibig at niratsada na nito ng salita ang kaibigan. "Kaya nga eh... Ang tanga-tanga ko pala talaga para magpakatanga at magpakabaliw sa lalaki na hindi naman ako gusto. Kaso wala na, tapos na. Heto na to may baby na sa tummy ko. Hindi ko rin naman na pwedeng habulin si Alex dahil may girlfriend. And one more thing, ang issue nila ng kuya ko. Kaya tanggap ko na talaga na wala kaming future together because the universe against us. Tsaka marami pa naman lalaki sa mundo hindi lang s'ya," Nakikita ni Daisy ang bigat na dinadala ni Jhajha habang nagsasalita ito. Alam niya na patay na patay si Jhajha kay Alex kaya ramdam niya ang sakit sa puso ng kaibigan. Pero hindi siya papayag na wala siyang gagawin na aksyon, kailangan niya na kumilos. Hindi siya papayag na nagmumukhang kawawa ang kaibigan. Ano 'yun? habang nagpapakahirap si Jhajha sa pagbubuntis at pagtitimpla ng gatas ng anak nila, samantalang ang Alex na iyon hayahay lang sa buhay? No way! Hindi siya papayag. Bukas na bukas din kung kinakailangan na kaladkarin pa niya si Jhajha papunta sa bahay ng Alexander lawrence david na iyon gagawin niya. Kailangan malaman ng lalaki na iyon na pinagbubuntis ng kaibigan nito ang magiging anak nila. Aba't sinuswerte naman siya pagnagnataon na tatahimik at aakuin na lang lahat ng responsibilidad ng kaibigan niya. Big no! Tutal ginawa nilang dalawa ang baby sa loob ng tiyan ng kaibigan niya, so whether he like it or not. Kailangan panagutan ng lalaki na iyon ang kaibigan niya. At sa oras na hindi panindigan ng Alex na iyon si Jhajha. Pasensyahan na lang talaga. pero wala na siyang choice kun'di magtapat sa kuya ni Jhajha para naman maka bawi naman sila ng very light or di naman kaya eh, ipapabugbug niya si Alex sa mga tambay sa lugar nila. Pang yosi lang katapat ng mga tambay sa kanila at susunod ang mga iyon sa kanya panigurado. Kaya ipinapanalangin niya na maging cooperative sa kanila bukas si Alex. "Tita!" Umiiyak na yumakap si Jessica sa mommy ni Alex na si Alexandra. Maagang pumunta si Jessica sa bahay ng mama ni Alex upang ipabatid na wala pala siyang balak na pakasalan ng anak ng ginang" "Tita, hindi ako papakasalan ni Alex, he loves me as a friend. At hindi bilang babae na pakakasalan n'ya, oh my god, tita," patuloy na daing ni Jessica sa ginang ng sama ng loob. "Is that true? He said that?" Anang ginang habang hinahagod ang likod ni Jessica. "Oh, don't worry, Dear. I will never let that to happened. You know naman na ikaw lang ang gusto kong maging daughter- in-law ko, right? So stop crying na hija, I'll talk to my son about this. I'm sure makikinig sa'kin ang anak ko, kaya tahan na hija." Patuloy na pag-aalo ng ginang kay Jessica. "Tita please. Do everything para matuloy ang kasal namin ng anak n'yo. It's really embarrassing kung hindi matutuloy ang kasal namin. All my friends and my relatives know about our upcoming wedding. Then, oh, 'no! It can't be... It can't be tita!" Jessica is so devastated about the wedding. And she was more devastated knowing that Alex doesn't love her. Pero hindi papayag siya na mag mukha siyang katawa-tawa sa mata ng mga kaibigan niya. At kung kinakailangan na gamitin niya ang mama ni Alex para kumbinsihin ang anak na ituloy ang matagal nang na pag-usapan na kasal. At para na rin sa merging sa negosyo ng dalawang pamilya. "Just don't worry too much hija, like what I've said, I will talk to my son and I assure na matutuloy ang kasal ninyo," "Oh... tita, thank you so much!" Lihim na napangiti si Jessica sa sinabi ng mama ni Alex, mabuti na lang talaga at gustong-gusto siya ng ginang. Dahil kung nagkataon ay wala na talagang pag-asa pa na matuloy ang kasal nila ng lalaki. At habang na papaikot niya ang mama ni Alex, wala siyang dapat na problemahin pa sa ngayon. Ang dapat na lang nito na gawin ay paibigin ang lalaki at ipa-realize na siya ang tamang babae para dito. "Daisy, sandali lang. Itutuloy ba natin talaga 'to?" pigil ni Jhajha sa paglalakad ng kaibigan. Naglalakad sila papunta sa bahay nila Alex upang ipaalam ang pinagbubuntis ni Jhajha. "Kinakabahan ako sa gagawin natin na ito Daisy. Paano kung ipagtabuyan lang tayo sa bahay nila? Paano kung hindi naman maniwala sa atin, lalo na sa 'kin si Alex?" Kinakabahan sabi ni Jhajha sa kaibigan. Maagang ginising ni Daisy si Jhajha dahil may pupuntahan raw silang dalawa, pero hindi naman niya sukat akalain na kakaladkarin siya ng kaibigan patungo sa bahay nila Alex. "Pwede ba Jhamaica, for the sake of your baby 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano pa r'yan. Lumakad ka na lang ng lumakad malapit na tayo sa gate nila Alex. kaya 'wag ka nang mag-inarte pa d'yan, okay!" Naiinis na tugon ni Daisy sa kaibigan. kahit rin naman siya ay kinakabahan sa gagawin nila na iyon, pero kailangan nila na subukan alang-alang sa soon to be inaanak niya. Nang ganap na nilang narating ang gate ng bahay nila Alex, kaagad na pinindot ni Daisy ang doorbell. At hindi naman tumagal ng ilang minuto ay may nagbukas na guard sa kanila. "Yes, ma'am. Good morning po, ano po ang sa kanila?" Magalang na tanong ng guard sa kanila. "Good morning din po kuya guard. Gusto po sana naming makausap si Alexander Lawrence David. nandiyan po ba s'ya?" Dahil sa hindi na mapakali sa sobrang kaba si Jhajha, si Daisy na ang sumagot sa tanong ng guard. "Naku. Ma'am, wala po rito si sir Alex," tugon ng guard sa tanong ni Daisy. "Kuya guard, baka naman po nandiyan si Alex at tinatago n'yo lang po. Baka naman po kahit sandali lang pwede namin s'yang makausap. Sobrang importante lang po talaga ng sadiya namin sa kanya, kuya guard." Pakiusap ni Daisy sa lalaki. "Naku. Ma'am, hindi po 'ako nagsisinungaling sa inyo, wala po talaga rito si sir Alex dahil matagal na po siyang lumipat sa condo-unit niya," napapa kamot sa ulo na sabi ng guard. "Pero kung may kailangan po kayong sabihin na mahalaga kay sir Alex, maari n'yo po na makausap si madam Alexandra, ang mommy ni sir Alex," gumuhit ang ngiti sa labi ni Daisy sa narinig na sinabi ng guard. Samantalang si Jhajha naman at tila tambol sa lakas ng kabog ng dibdib nito, paano niya kakausapin at haharapin ang ina ni Alex. Kinakabahan man ay inunahan na ni Jhajha na sumagot sa guard, "Thank you na lang po kuya guard, pero hindi na po. Si Alex na lang po ang kakausapin namin, pupuntahan na lang po namin s'ya sa condo unit n'ya," ani Jhajha sa guard. Pinanlakihan siya ng mata ni Daisy dahil sa pagtangi ni Jhajha sa alok ng guard na ang mommy na lang ni Alex ang kausapin. "Ano bang ginagawa mo? nandito na rin naman tayo, bakit ayaw mo pa na ipaalam sa nanay ng lalaki na ama ng pinagbubuntis mo?" Tila nauubusan ng pasensya na ani Daisy sa kaibigan. "Hindi, hindi naman sa ganoon, kasi... kasi—" hindi na natapos ni Jhajha ang gustong sabihin sa kaibigan ng makarinig nila ang isang boses ng babae na tinawag ang pangalan ng guard. "Raniel, sino ba ang kausap mo r'yan?" Ang malakas na kabog ng dibdib ni Jhajha ay mas na doble pa nang marinig nito ang boses ng ina ni Alex. "Ano po kasi ma'am, may naghahanap po kay sir Alex," sagot ng guard sa ina ni Alex. Lumakad ang ginang papunta sa nakabukas na gate, at iniharap sina Jhajha at Daisy. "Sino kayo at bakit ninyo hinahanap ang anak ko?" Anang ginang sa kanila. At halata sa tinig nito na hindi sila gustong makausap. Sabay na nagkatinginan sina Daisy at Jhajha sa paglapit na iyon ng ina ni Alex. Napalunok si Jhajha ng ma pagmasdan ang bulto ng ina ni Alex. Hindi pa man nito nasasabi ang tungkol sa bata sa sinapupunan niya ay panigurado na hindi siya papakingan ng ginang. Pero tama si Daisy, na roon na rin naman sila kaya wala ng atrasan pa. Sasabihin na niya sa ina ni Alexander ang tungkol sa pinagbubuntis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD