Para sa 'yo baby magiging matapang si mommy!
Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Jhajha saka ito tumingin ng diretso sa mga mata ng ginang na kanina pa naghihintay na magsalita sila.
"A-ahm... A-ano po kasi..." kinakabahan at di matapos-tapos niya ang mga salita na gustong kumawala sa bibig. Seeing the face of Alex's mother na mukhang masungit ang mas lalong nag padagdag ng kaba sa dibdib niya.
"Kasi?" Tila naiinip na tanong ng ina ni Alex na si Alexandra kay Jhajha.
"Look. Hija, mahalaga ang oras ko. Kaya kung hindi naman mahalaga ang sasabihin mo. Mabuti pa na umalis na kayo—"
"Buntis po ang kaibigan ko at ang anak n'yo ang ama!" Hindi na nakatiis pa si Daisy, at siya na ang nagsalita.
Kaagad na tumaas ang kilay ng ina ni Alex nang marinig nito ang sinabi ni Daisy.
Mahina itong humalakhak tsaka nagsalita.
"What did you say? your friend is pregnant and my son is the father? Are you both insane? Tingin n'yo ba I'm such a stupid para maniwala sa lahat ng kasinungalingan pinagsasabi ninyo? about sa anak ko?"
Nakataas ang kilay na sabi ng ginang. At mapanuya na hinaguran ng tingin si Jhajha mula ulo hanggang paa, tsaka ito bumaling ng tingin kay Jessica.
"Do you see that girl? Huh?" turo ng ina ni Alex sa direksyon na kinaroroonan ni Jessica habang nakatayo ito sa di kalayuan at abalang nakikipag-usap sa phone.
"She's Jessica, soon to be wife of my son, kaya kung may mabubuntis ang anak ko, hindi ba dapat na ang fiancee n'ya 'yon, right?" Sabi nito at tumingin sa mga mata ni Jhajha pababa sa tiyan nito.
"Ma'am, mawalang galang na ho, 'no. 2020 po. At sa panahon ngayon, kahit hindi mag-on ang babae at lalaki makakabuo ng baby,"
may pagka sarcastic na singit na sagot ni Daisy sa ina ni Alex. Iba na kasi ang nararamdaman niya sa paraan ng pagsasalita ng ina ni Aelx. Parang kinukutya na nito ang kaibigan niya, at isang beses pa na hindi niya magustuhan ang lalabas na salita sa bibig nito ay makakatikim na ito kanya.
"What do you mean?" Baling ng ginang kay Daisy.
"Okay, ganito po kasi 'yun ma'am. Ang anak n'yo at ang kaibigan ko nasa bar, then after that your son take Jhajha on his place. Then alam n'yo na ho ang next na nangyari. Siguro naman po hindi ko na need i-elaborate pa sa inyo ang mga nangyari sa kanila, at ginawa ng anak n'yo po sa kaibigan ko," walang keme na paliwanag ni Daisy sa ina ni Alex.
"Raniel, tell to manang Lorna na dalhin dito ang bank cheque ko, do it now!" Utos ng ina ni Alex sa guard. Kagad naman na tumali ang guard. At makaraan ang ilang sandali ay na roon na si manang Lorna hawak-hawak ang maliit na itim na bag na naglalaman ng bank book cheque ni Alexandra. Napatingin si manang Lorna kay Jhajha sa pagkabigla nang makita siya nito. At tumingin ito sa mga mata ni Jhajha na tila tinatanong kung ano ang ginagawa nila roon.
"So how much money do you need? Tell me?" Tanong ng ginang sa kinila. "May be a half of million pesos is enough money for now hanggang hindi ko napapatunayan na sa anak ko nga ang batang nasa sinapupunan mo," Patuloy na sabi ni Alexandra. "Look. I am not a monster para hindi suportahan ang bata na 'yan kung mapapatunayan mo talaga na apo ko 'yan, and DNA test would prove it kapag nakapanganak ka na. But for now, I'll give you some cash para may panggastos ka sa pagbubuntis mo, then tsaka ka bumalik sa 'kin pagkapanganak mo to undergo your child for a DNA test,"
Naninikip ang dibdib ni Jhajha at tila sinasakal ito na hindi makahinga sa mga narinig na salitang namutawi sa bibig ng ina ni Alex na siyang magiging lola ng baby niya. Pera? Pera lang pala ang katapat ng anak niya? Nasasaktan siya dahil hindi pa man isinisilang ang anak niya ay hindi na ito kayang tanggapin ng lola ng bata... hindi sila pumunta roon para sa pera... pumunta sila roon para sa ama ng baby niya . Pero kung ganito lang din na ipapamukha sa kanila ng ina ni Alex na hindi welcome ang baby niya sa family ng ama nito, dibali na lang na hindi sila makilala ng anak niya, kaysa naman ipamukha sa kanya ng ina ni Alex na mukha siyang pera.
Inhale, Exhale, Jhajha, huminahon ka dahil nanay pa rin siya ng ama ng anak mo. At ipamukha mo sa kanya ang kagandahang asal na dapat mamana ng magiging anak mo.
"Hindi po namin kailangan ng pera ng anak ko, ma'am. Tama na po sa 'kin na makilala ng anak n'yo ang magiging baby namin dahil wala pong katumbas na halaga ang baby ko." Matapang na sagot ni Jhajha sa ginang. Dahilan upang tumaas ang kilay ng ina ni Alex.
Kinuha ng ina ni Alex ang bag sa kamay ni manang Lorna at hinagilap sa loob ang booklet cheque nito.
"Here's the blank cheque with my signature, kung naliliitan ka pa sa half of million pesos. Just write the amount do you want at 'wag mo ng guluhin pa ang buhay ng anak ko. Siguro naman sapat na ang malaking halaga na isusulat mo sa cheque na 'to para sa pananahimik mo."
Anito at ini-abot ang cheque na hawak kay Jhajha. Napatingin ang lahat ng naroon kay Jhajha ng kunin nito ang inabot na cheque ng ina ni Alex.
"Alam n'yo ho pumunta ako dito na puno ng respeto sa inyo dahil ina kayo ng ama ng baby ko. At sa magiging apo n'yo na rin, pero hindi ko naman ho na paghandaan na matapobre ho pala ang ina ni Alex,"
Nagsalubong ang kilay ng ina ni Alex sa galit sa narinig na sinabi ni Jhajha.
"At ako pa ngayon ang matapobre? Sa halip na magpasalamat ka sa akin dahil kahit na hindi pa ako nakasisiguro na ang anak ko nga talaga. Ang ama ng bata sa sinapupunan mo ay handa akong magbigay ng malaking halaga sa inyo—"
Hindi na pinatapos ni Jhajha sa pagsasalita ang ginang. Nanlaki ang mga mata ng lahat sa ginawa ni Jhajha sa hawak na cheque.
"Kung ang cheque po na 'to ang pinagmamalaki n'yo, ma'am, hindi ko ho kailangan ito, at lalong-lalo na ho na hindi ako pumarito para sa pera n'yo," sabi ni Jhajha habang nakikipag sukatan ito ng tingin sa ina ni Alex. At pinunit ang cheque sa harapan ng ginang.
"Alam n'yo nagpapasalamat po ako na hindi kayo makikilala ng anak ko, dahil kung kagaya lang rin naman ho ng ugali ninyo ang matututunan ng anak ko, di bale na lang ho, ma'am,"
Humalakhak ang ina ni Alex sa ginawang pag punit ni Jhajha sa cheque at sa lahat ng binitawan nitong salita.
"Sana lang ay hindi mo pagsisihan ang oras na 'to, hija, well. Kung ganun pala na ayaw mong tumanggap ng pera, maari na kayong umalis,"
Kapagkuwan ay taboy sa kanila nito.
"At sana ay 'wag ka rin magpakita pa sa anak ko kahit kailan man," habol na sabi ni Alexandra.
"Wala po kayong dapat na ipag-alala sa bagay na 'yan, hinding-hindi ko na po guguluhin ang anak n'yo, at isaksak n'yo ho sa pagmumukha ninyo ang pera n'yo!"
Galit na sabi ni Jhajha sa ina ni Alex at hinila na ang kamay ni Daisy palayo sa lugar.
Habang tahimik na naglalakad ay umiikot ang paningin ni Jhajha hanggang sa maya-maya pa'y hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari sa paligid niya nang mawalan ito ng malay. Mabuti na lamang ay na roon na sila sa guard house nang himatayin ito. Kaagad din naman silang dinaluhan at tinulungan ng mga gwardiya na naka duty sa mga oras na iyon.
"Naku. Ineng paupuin mo muna ang ang kasama mo rito." Anang isang guard kay Daisy at tinulungan na makaupo si Jhajha sa monoblock chair na naroon. At ang isang guard naman ay dali-dali na tinapatan ng electric pan ang himatay na si Jhajha.
"Oh, ineng painumin mo ng tubig ang kasama mo pag nagkamalay na s'ya," inabot ng guard ang isang bote ng malamig na tubig kay Daisy
"Maraming salamat po kuya guard, salamat po sa inyong dalawa," nahihiya na ani ni Daisy sa guard matapos kunin ang bottled water sa lalaki.
"Ano ba'ng nanyari sa kasama mo at hinimatay s'ya?" Kapagkuwan ay tanong ng guard sa kanya.
"Hindi ko rin po alam kuya. Basta pagdating namin dito bigla na lang po s'ya na hinimatay,"
"Baka sa sobrang init 'yan ineng, kaya hinimatay ang kaibigan mo," singit naman ng isa pang guard.
"Baka nga po..." kibit balikat na sagot ni Daisy sa mga ito, pero ang totoo ay alam nito ang dahilan kung bakit hinimatay ang kaibigan. Marahil ay na-stress ito ng bonga dahil sa nangyari kanina. At kitang-kita niya kung paano nag pigil ng galit si Jhajha habang hinahamak ito ng matapobreng ina ni Alex.
"Oh, ano 'neng nakarating ba kayo sa mansyon ng mga david?"
"Ah. Opo kuya, may pagka-matapobre ho pala ang matandang 'yon, 'no?"
Bahagyang natawa ang dalawang guard sa sinabi ni Daisy.
"Hindi naman masyado 'neng, masyado lang istrikto at maselan, alam mo na mayaman dankasi,"
"Sabagay..." nakabusangot na sabi ni Daisy.
"Pero kahit pa s'ya po ang pinakamayaman na tao sa buong mundo, masama pa rin ang ugali ng matandang 'yun!" nakanguso pangangatwiran ni Daisy.
Magsasalita na sana ang isang guard nang may marinig ito na bumusina na kotse sa harapan na bahagi ng gate. Agad na tumakbo ang isang guard at binuksan ang gate.
"Magandang-araw po sir," nakangiti na bati ng guard kay Alex matapos buksan nito ang malaking gate ng tarangkahan ng exclusive subdivision na iyon.
Binuksan ni Alex ang bintana ng kotse at bumati rin ito, "Good morning po," anito ng nakangiti.
"Pasensya na po kayo sir, kung hindi ko po agad na buksan ang gate. May babae ho kasi na hinimatay kaya tinulungan lang ho namin,"
Tumingin si Alex sa gawi ng guard house upang makita niya sana ang babae na sinabi ng guard na hinimatay, ngunit nabigo ito na makita si Jhajha dahil nahaharangan ito ng nakatayo na si Daisy.
"Baka po nainitan lang kaya nawalan ng malay." Inabot ni Alex ang maliit na roll-on stick, headache pain reliever sa guwardiya.
"Makakatulong po sa kanya ang natural essential oils para marelax at guminhawa po ang pakiramdam n'ya. Paamoy n'yo lang ho sa kanya. Effective dahil 'yan ang gamit ni mommy,"
"Naku. Sir, maraming salamat po dito," Nakangiti na kinuha ng guard sa kamay ni Alex ang essential oil for headache.
"At paki bigay na rin po ito sa kanya, baka naman po nagugutom kaya nawalan ng malay," ibinigay ni Alex ang isang box ng mango pie na para sana sa mommy niya.
"Ay, maraming salamat po talaga sir Alex. Ang bait- bait n'yo po talaga, hayaan n'yo ho at ibibigay ko po ito sa dalaga na 'yon."
"Oh. Sige po manong guard, mauna na po ako."
"Sige po sir, maraming salamat po ulit."
Mabilis na lumakad pabalik ang guard sa guard house matapos nito na isara ang gate.
"Oh. 'Neng binigay ni Sir Alex, ipaamoy lang raw natin sa kaibigan mo para ma-relax. Tsaka ito mango pie kung sakali na nagugutom ang kaibigan mo,"
Nanlaki ang mata ni Daisy sa narinig na sinabi ng guard. Langhiyang tadhana naman oh! pinaglalaruan ba nito ang kaibigan niya at si Alex? Kung alam lang niya na si Alex pala ang lulan ng kotse na iyon kanina. Sana pala eh nilapitan na niya. Pero mabuti na rin na hindi niya ginawa iyon, matapos na mata-matahin ng matapobreng nanay ni Alex ang kaibigan niya. Mas mabuti na hindi sila magkita ni Alex, at ayaw rin niya na masaktan si Jhajha.
"Salamat po kuya guard, ang bait po pala ni Alex 'no?" Pasimpling tanong ni Daisy habang pinagsasalit-salit na ipaamoy sa ilong ni Jhajha ang roll-on stick na hawak.
"Oo, ineng, napakabait ni Sir. Alex"
"Uh... talaga po." Ani Daisy.
"Ang sabihin mo, mabuti at hindi nagmana sa ina na mukhang dragon!" Biro na singit ng isa pang guard sa pag-uusap ng mga ito.
"Eh. 'Yun na nga talaga, mabuti at kay sir Lorenzo nagmana ang kabaitan ng ugali ni Sir Alex," sagot naman ng guard sa kapwa guard nito.
"Ganyan lang talaga pre, pag only child. Medyo maselan at nega sa pag-aalaga,"
"Sabagay. Tama ka d'yan pre, ganyan talaga ang mga mayayaman,"
"Pero belib ako d'yan kay Sir Alex, simula noon hanggang sa ngayon, sobrang bait pa rin."
"Oo nga pre, ang swerte ng babae na mapapangasawa ni sir Alex, bukod sa mabait na bata. Napaka business minded pa,"
"Matagal n'yo na po kilala ang pamilya ni Alex?" Hindi na napigilan ni Daisy ang sumingit sa pagkukwentuhan ng dalawang sikyu.
"Oo, ineng. Halos sampung taon na rin kami rito naka distino sa subdivision kaya halos lahat ng mga nakatira dito eh kilala na namin."
"Ah. Ganun po pala... uhm, 'yang Alex po ba na tinutukoy n'yo eh, may asawa or girlfriend na?"
"Hindi kami sure, pero madalas ko makita na may kasama si Sir Alex na babae." Anang isang sikyu.
"Ano ka ba, pre, hindi 'yun girlfriend ni sir Alex, kasi ang balita ko sabi ni Lorna wala raw girlfriend si sir Alex," sabi naman ng isa pang sikyu.
Magtatanong pa sana si Daisy ngunit may dumating na sasakyan, kaya lumakad papunta sa gate ang dalawang sikyu. At nawalan na siya ng pagkakataon na mag tanong pa. Samantalang si Jhajha naman ay unti-unti ng nagising.
"Ano'ng nanyari?" Tanong ni Jhajha sa kaibigan habang sapu ang ulo.
"Ako ang dapat mag tanong niyan sa 'yo, kaloka ka! Mabuti na lang at nandito na tayo saka ka nawalan ng malay, pinakaba mo ko, ah!"
"Sorry... umikot kasi 'yung paningin ko tas hindi ko na alam,"
"Oh, teka, nagugutom ka ba? May mango pie dito para sa 'yo." Kinuha ni Daisy ang box ng mango pie at inabot kay Jhajha. Tila inaakit si Jhajha ng amoy ng mango pie kaya mabilis itong nakaramdam ng gutom.
"Salamat. Kanino galing 'to?" Usisa ni Jhajha habang binubuksan ang box.
"Hay,naku. 'Wag mo na itanong kung kanino galing 'yan, basta kumain kanalang d'yan. Oh, heto pa ang bottled water, pakabusog ka buntis." Utos ni Daisy.
"Hindi naman ako gutom, pero mukhang masarap ang mango pie na 'to," ani Jhajha sa kaibigan pero nilalantakan na nito ang mango pie.
"You wouldn't believe kung kanino galing ang mango pie na 'yan, maging 'tong headache pain reliever,"
hindi na napigilan ni Daisy na sabihin kay Jhajha kung sino talaga ang mabait na tao na nagbigay niyon sa kay Jhajha.
"It's from Alex," natigil ang pagnguya ni Jhajha sa at manghang napatingin sa kaibigan.
"P-paano n-nangyari 'yon?" Hindi makapaniwala na ani Jhajha kay Daisy.
"Ewan... basta dumaan s'ya kanina at sinabi ata ni kuya guard na may hinimatay dito. Haist! Ewan, Jha, napaka mapaglaro kapalaran n'yo! Pero ano plano mo?"
"Hindi ko alam... siguro back to the old plan ang gagawin ko. Tsaka na-witness mo naman ang ugali ng mama ni Alex, di ba? Baka mamaya hindi n'ya rin tanggapin anak ko,"
"Anak ninyong dalawa," pagtatama na sabi ni Daisy sa kaibigan.
"Any ways, kung ano man ang pina-plano mo. Support kita d'yan, friend. Basta tatandaan mo nandito lang ako para sa 'yo, Okay. Kahit puro sakit ng ulo na lang ata ang binibigay mo sa 'kin, love na love pa rin kita at handa akong gawin ang lahat para sa 'yo,"
"Salamat, friend. Love na love kita," nangingilid ang mga luha na lumapit si Jhajha sa kaibigan at yumakap ito.
"Haist! 'Wag ka na ngang umiyak d'yan! Ang drama mo. Pati ako naiiyak sa 'yo, eh! At 'yang nanay ng Alex na 'yan, may araw din 'yan sa atin. Darating ang araw na matitikman n'ya ang batas ng isang api!"
Mag kasabay na natawa ang mag kaibigan sa pagbibiro ni Daisy.
"Para tayong baliw 'no? Tumatawa at umiiyak, tama na nga ang drama na 'to baka isipin nila kuya guard mga baliw tayo," sabi ni Daisy at pinunasan ang luha.
"Pero in fairness, ah. Ang galing mo sa tag lines na 'yon! Ala Amor powers lang ang peg," biro ni Jhajha sa kaibigan.
"So, ginawa mo pa 'akong nanay mo, Huh? Pwede na rin, basta 'yung bagong version ang portrait natin fav, ko si Jodi Santa Maria, eh." Natatawang sakay ni Daisy sa biro ng kaibigan.
"Haist! Sana ang buhay parang teleserye din 'no? 'Yung sa dinami-rami ng masamang nangyari. Pero at the end of the story happy ending pa rin," seryosong sabi ni Jhajha.
"Kasi... kasi sa'min ni Alex malabo ng magka happy ending," dagdag na sabi pa nito.
"Ano ka ba Jhajha? Cheer up! Ang ganda mo kaya 'no! At kahit hindi kayo magkatuluyan ni Alex, meron at meron pa rin magkakagusto sa'yo. Sabi nga sa kanta. "Kung tayo'y tayo talaga" Oh, eh di kung kayo talaga para sa isa't-isa. Pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana. Pero alam mo mangyayari lang 'yon pag... "
"Pag?" Ulit na tanong ni Jhajha sa nabitin na pagsasalita ni Daisy.
"Pagnatigi na 'yung mahaderang nanay ni Alex, ay! Sorry po Lord! Masyadong masama ang bibig ko. Pero joke lang po 'yun, promise." Biro ni Daisy na pinagsaklob ang dalawang kamay na tila nagdadasal.
"Hayaan mo na ang matanda na 'yun, ganun yata talaga ang mga nanay. Super protective sa mga anak. Saka only child kasi si Alex, kaya naiintindihan ko rin ang nanay n'ya. Isa pa. Mayaman sila, kaya for sure. Gusto rin nila na ang mapangasawa ng anak nila 'yung galing sa mayaman at kilalang pamilya. Sino ba naman ako diba..."
"Ayan tayo, eh. Nagsisimula ka na naman mag-drama," basag ni Daisy sa pag-e-mote ni Jhajha.
"Move on na tayo sa emote-emote na 'yan 'te, nakakasira lang nag beauty," dagdag na sabi pa ni Daisy sa kaibigan.
"Hindi ako nag-eemote 'no, totoo lang ang sinasabi ko. Mayaman at kilala sila sa lipunan kaya malabo talaga para maging kami sa isa't-isa. At tanggap ko na 'yun," giit ni Jhajha sa kaibigan.
"Oh, mabuti at gising ka na ineng, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng guard kay Jhajha.
"Okay na po ako kuya guard, maraming salamat po sa inyong dalawa," pagpapasalamat ni Jhajha sa dalawang guwardiya.
"Ako nga po pala si Jhajha at ang kaibigan ko po si Daisy. Salamat po talaga sa tulong n'yo sa 'kin,"
"Naku. 'Neng wala 'yun, maige lang at hindi ka na paano dahil maagap ang kaibigan mo. At na salo ka ka agad. Ako nga pala si Bert, at ito naman si Leo,"
"Salamat po kuya Bertt at kuya Leo, paano po mauna na po kami. At kung sakali po na mag kita po ulit kayo ng tao na nagbigay ng mango pie at essential oil na ito. Pakisabi po na maraming salamat po dahil nagustuhan ng baby ko ang mango pie na bigay n'ya,"
Nakangiti na sabi ni Jhajha sa dalawang guwardiya.
"Buntis ka pala ineng? Sa susunod pag may pupuntahan ka magpasama ka sa asawa mo. Mukhang maselan ang pagbubuntis mo. Mabuti na lang kasama mo ang kaibigan mo." Paalala ni Bert kay Jhajha.
"Salamat po kuya Bert sa paalala. Alis na po kami," ani Jhajha.
"Salamat po kuya Bert at kuya Leo," pasasalamat naman ni Daisy sa dalawang guard.
"Oh. Sige mag- ingat din kayong dalawa." Ani mang Leo.
"Sige na lumakad na kayo mga ineng mag-a-alas diyes na ng umaga habang hindi pa kainitan masyado, mahirap na baka himatayin ka na naman." Si mang Bert na nagpapaalala muli sa dalawa.
Matapos kunin nila Jhajha at Daisy ang ID's na iniwan nila kanina sa guard house ay umalis na rin kaagad ang mga ito.