Chapter 8

2957 Words
"Mang Raniel, manang Lorna. Gusto ko lang sabihin sa inyo na ang lahat ng mga narinig ninyo ay hindi maaaring malaman ng anak ko," babala na sabi ni Alexandra sa kasambahay at sa guwardiya, na walang makakarating kay Alex ng mga nangyari. "P-pero hindi tama na ilihim mo ito kay Alex, kapakanan ng magiging anak niya ang nakasalalay dito, Alexandra." kontra na ni manang Lorna sa sinabi ng ina ni Alex. Samantalang ang guwardiya ay tahimik lang na nakayuko at nakikinig. "Manang, ako po ang ina ni Alex. Kaya ako ang masusunod. At isa pa, nakatakda ng ikasal ang anak ko sa fiancee n'ya, kaya hindi maari na malaman niya ang tungkol sa nangyari kanina," "Kung 'yan ang pasiya mo Alexandra, sige. Susundin kita, pero sana... sana ay 'wag dumating ang araw na ito ang maging dahilan ng pagkasira ninyong mag-ina," Paalala ni manang Lorna sa maling desisyon ni Alexandra na ilihim kay Alex ang tungkol kay Jhajha at sa pinagbubuntis nito. "Alam ko ang ginagawa ko para sa anak ko. At ito ang makakabuti para sa kanya, ang maikasal kay Jessica. At isa pa, Isang malaking kahihiyan kung sakali na hindi matutuloy ang kasal. Pagtatawanan at ng maraming tao si Jessica, naawa ako sa kanya kung mangyayari ang bagay na 'yon, at ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa pamilya n'ya," "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Alexandra? Naawa ka sa kahihiyan na posibleng harapin ni Jessica. Pero sa apo na nasa sinapupunan ng babae na 'yun ay hindi? Kakayanin mo ng konsensya mo na ilihim mo ito sa anak mo? At lalong kaya ba ng konsensya mo na isilang sa mundo ang magiging apo mo na walang kakagisnang ama? kakayanin ba ng konsensya mo ang bagay na 'yan? Wala ka bang puso ni katiting para sa magiging apo mo?" hindi nakapagpigil na sabi ni Manang Lorna kay Alejandra. "Maaaring hindi ko anak si Alex, pero halos buong buhay ko ay inilaan ko na sa batang 'yan, at lubos na rin akong napamal sa kanya. At sa tagal ko ng kilala ang anak mo. Alam ko na sa oras na malaman niya ang tungkol sa magiging anak niya, sigurado ako na magiging masaya ang batang 'yan. At hinding-hindi niya pababayaan ang mag-ina niya. Alam mo kung bakit? Dahil ganun ko s'ya pinalaki. Ang gumawa ng tama at lumaban ng patas sa kapwa," Dagdag na sabi pa ni manang Lorna sa ina ni Alex. Nakasalubong ang mga kilay ni Alexandra, tanda na hindi nito nagustuhan ang mga binitawan na salita ng kasambahay. "Well, let me remind you, that you're just a nanny of my son, binabayaran lang kita para alagaan ang anak ko. Kaya 'wag kang magsalita na parang mas kilalang-kilala mo pa ang anak ko kaysa sa 'kin na sarili niyang ina," mataray na sabi nito kay Manang Lorna. "Tama ka. Ikaw ang ina, kaya mas kilala mo ang anak mo. At kung sa tingin mo ay nararapat kay Alex ang ilihim mo ang tungkol sa mag-ina n'ya, hahayaan kita. Pero sana lang talaga... hindi dumating ang araw na pagsisihan mo ito, dahil ipapaalala ko lang sa'yo ma'am, Alexandra. Walang lihim ang hindi nabubunyag sa nakatakdang panahon," giit na giit ni Manang Lorna. Gusto pa sanang sumagot ni Alexandra kay manang Lorna ngunit nawalan na ito ng pagkakataon. Nang bumusina ang kotse ni Alex. Dali-dali na lumakad ang guwardiya papunta sa gate at binuksan iyon. "Let's talk about this later, manang Lorna. Sige na po paki handaan n'yo na lang muna ng makakain ang anak ko," utos ni Alexandra kay manang Lorna. Tumalima naman kaagad si manang Lorna at tuluyan na itong pumasok sa loob ng kabahayan. Samantalang si Alexandra naman ay sinalubong ang anak. "How's your day, Son?" Masayang sabi ni Alexandra sa anak nito na parang walang nangyari at yumakap sa anak. "I'm good, Mon, kayo po ni daddy?" Magalang na sagot ni Alex sa ina at gumanti din ito ng yakap sa ina tsaka humalik sa pisngi. "I'm also good, hijo. But, I feel bad and a bit worried about Jessica. She came here crying. And told me that you're not gonna marry her. Oh, God, Hijo, she's so devastated. Is it true?" Kapagkuwan ay anito sa anak. "I... I just thought that there were something special between the to of you," she added. "Jessica and I are just friends, Ma. Hindi ko ko siya mahal kaya pwedeng pakasalan," tuwirang sagot ni Alex sa ina. "But... I thought you liked her because you said, yes, back then when we were there at her birthday party? Right?" "Ma, I just thought also that you were making fun of us, about the wedding that time. I said "yes" just to ride on her Dad's joke. Well for me, I call it a joke." "But, hijo... our relatives and closest friends are already knew about it. Look, Son. It's really imbarassing kapag hindi natuloy ang kasal ninyo. At ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin?" "Ma, I can't marry Jessica because I'm in love to someone else," Ani Alex sa ina. Nanlaki naman ang mga mata ni Alexandra sa pagkabigla sa tinuran ng anak. "Y‐you, w-what?" Hindi makapaniwala na tanong ni Alejandra kay Alex. "I said. I'm in love to someone else, that's why I can't marry Jessica," "Then, who's the lucky woman? At bakit hindi mo pinakilala sa amin ng daddy mo? At saan mo naman nakilala ang babae na 'yon? Galing din ba s'ya sa isang promeninting pamilya?" Sunod-sunod na usisa nito sa anak. "Hindi ko pa siya magpapakilala sa inyo ni Dad sa ngayon, but I hope soon, Ma." "Pero bakit—" "Ma, soon ipapakilala ko rin siya sa inyo ni Dad, okay." Sagot ni Alex sa pangungulit ng ina. Pero ang totoo kahit siya ay wala pang Idea kung saan makikita ang babae na sinabi niya sa ina. Hindi rin niya maunawaan ang sarili kung bakit dumulas sa bibig niya ang kataga na "I'm in love to someone else" marahil ay autho-responsed ng isip niya iyon upang mapatigil ang ina sa pangungulit sa kanya na pakasalan ang kaibigan na si Jessica. Alam niya na matutuwa ang mommy niya kung si Jessica ang makakatuluyan niya. Noon paman ay paulit-ulit na nitong sinasabi sa kanya na kung mag-aasawa siya ay mas mabuti na kung si Jessica. Dahil sa kilala na ito ng pamilya niya at talagang na palapit na sa ina. But not now, nagbago ang isip niya simula ng makasama ng isang gabi ang stranghera babaeng patuloy na nag papagulo sa buhay niya. "If is that so, wala naman kaming magagawa If you're in love to another woman. I know you're brave enough, kaya hindi ka naman siguro pipili ng kung sino-sino lang d'yan na babae, hijo." Wala nang nagawa si Alexandra kung 'di sumang-ayon sa anak. But deep inside of her. Her instinct tell her na maniguradong may kinalaman doon ang babae na kausap niya kanina. Sa kabila nito, nakahanda pa rin gawin ni Alexandra ang lahat matuloy lang ang kasal nila Jessica at Alex. Dahil wala itong ibang gustong mapangasawa ng anak kundi si Jessica lang. Bukod sa maganda na, may pinag-aralan, at higit sa lahat ay galing sa prominenting pamilya na nababagay sa anak niya. At hindi ang kung sino-sino lang na babae na gusto lang perahan ang anak niya. Nanginginig ang buong katawan ni Jhajha sa binabalak niyang pag-alis ng walang paalam sa bahay nila. Wala na siyang ibang maisip gawin na solusyon sa problema niya kung di ang umalis na lang sa kanila. Sa gayon, hindi siya mapapagalitan ng kuya at ng nanay niya. Ayaw rin niya makita ang magiging reaksyon ng kuya Roldan niya kung malalaman nito na nagpabuntis siya sa lalaki na kinasusuklaman nito. Dahan-dahan at maingat niya na bunuksan ang pinto ng kwarto ng ina at humalik sa noo nito. "I'm sorry po nay, sana mapatawad n'yo po ako sa pagiging sakit ng ulo ko sa inyo..." Mahinang sabi niya tsaka tuluyan ng lumabas ng kwarto ng ina. Sumunod naman sa kwarto ng ate Liezel niya. "Sorry din ate Liezel kung palagi kang napapagalitan dahil sa 'kin. Sorry kung hindi kita sinusunod minsan. Mamimiss ko kayo..." Maagap na pinahid ni Jhajha ang mga luha na dumalay sa mga mata nito. At tuluyan na nitong nilisan ang bahay nila. Dala ang medyo malaki-laking halaga na naipon sa allowance at ang mga kita sa pagbebenta ng beauty products. Palagay niya ay sasapat na muna ang perang hawak sa gagawin na pag-alis na iyon. "One month deposit, two months advance, 3500 a renta kada buwan," Anang may-ari ng apartment kay Jhajha. "Mag-isa ka lang ba? Maganda at tahimik dito sa paupahan ko, may mga kaunting rules lang akong ipinatutupad sa mga umuupa sa apartment ko. Bawal ang maingay, makalat, at dahil isang compound lang ito make sure na palanging nakasara ang gate, mga busy na tao ang mga nangungupahan sa paupahan ko, kaya dapat na responsable ka sa mga rules para walang samaan ng loob or maiwasan ang di pagkakaunawaan sa lahat ng tenant dito," Dagdag pa na sabi ng ginang. "Ah... sige po, wala pong problema, hindi naman po ako maingay at hindi rin po ako magiging makalat. Kukunin ko na po ang isang unit," ani Jhajha sa kausap na may ari ng apartment. "Okay, sige bali 10,500 ang kailangan mo sa'king ibigay ngayon para makalipat kana. Teka, kailan mo ba balak lumipat?" "Ngayon na po sana," tipid na sagot ni Jhajha, habang nagbibilang ng pera. "Wala naman problema kung tirahan mo na 'yan ngayon din, dahil malinis ang loob ng bahay. Once a week ko na nililinis ang loob kaya panigurado na makakatulog ka ng maayos, ayon nga lang, eh, saan ka matutulog mamayang gabi sa lapag? Oh, ipapahakot mo na ang mga gamit mo? Kung magpapahakot ka ng mga gamit mo, 'yung isang tenant ko rito namamasada ng Jeep, kung gusto mo maari ka sa kanya mag pahakot ng mga gamit mo." "Ah... hindi na po bibili na lang po ako mamaya," iniabot ni Jhajha sa ginang ang 10,500 na bayad sa deposit at advance sa upa. "Ako na po ang bahala, maraming salamat po." "Oh, heto ang susi," "Salamat po," nakangiti na tinanggap ni Jhajha ang inabot na susi ng ginang. "Ako nga pala si Lucing, kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa pinto na 'yon," turo ng ginang sa bahay nito na malapit sa compound ng apartment nito. "Ano nga pala ang pangalan mo?" "Jhamica po ang pangalan ko, sige po Aling Lucing, kakatukin ko na lang po kayo kung may kailangan ako. Pasok na po ako sa loob para makapag-ayos," "Oh, sige-sige, mauna na rin ako at may lalakarin pa 'ko." Sagot ng ginang at tuluyan na itong lumakad palayo. Nilibot ni Jhajha ang loob ng kabahayan na walang kagamit-gamit ni isa. Napa-buntong hininga na lang ito sa dami ng tumatakbo sa isip niya. We can do this baby! Kaya na'tin 'to. 'Wag mong pahirapan si mommy, ah, tayong dalawa lang... Pakikipag-usap ni Jhajha sa anak habang hinihikap ang maliit pa na tiyan. Nasa 98,000 lang ang pera na meron siya, at sooner ay mauubos din iyon sa dami ng kailangan niyang bilinng gamit ng bahay at gamit na rin sa baby n'ya. Kaya plano niya na maghanap ka agad ng trabaho habang hindi pa malaki ang tiyan. Pero uunahin muna niya ang bumili ng single bed at maliit na electric pan, pati na rin ang ibang gamit sa kusina. Basta iba-budget niya ng tama ang pera na hawak para hindi agad ito maubos. "Hi! Bagong lipat ka?" Anang babae na halos kaidaran lang ni Jhajha. Umuupa ito sakatabing pinto niya. "Hi, oo bagong lipat lang ako," nakangiti na sagot ni Jhajha rito. "Kaya pala ngayon lang kita na kita, dito. Ako nga pala si Celestne, dito ako nakatira sa kabilang pinto lang," "Ako naman si Jhamaica," sagot niya kay Celestine. "Ilan kayong nakatira d'yan?" Kapagkuwan ay usisa nito. "Ah, ako lang." "Ikaw lang? Bakit nasa abroad ba ang pamilya mo?" "Ah. Ano pwede next time na lang tayo mag-usap. Magluluto pa kasi ako ng pananghalian ko, tsaka aayusin ko pa rin 'yung mga pinamili ko." Awat kaagad ni Jhajha sa usapang pamilya. "Ay. Sorry, hindi ka pa pala ang tatanghalian, eh, pasado alas dos na." "Sige- sige mag luto kana," "Salamat," matapos na makipag-usap ni Jhajha kay Celestine ay. Kaagad itong pumasok at dumiretso sa kusina upang magluto ng makakain niya. Kumain naman siya kanina sa mall ng kaunti, pero dahil nagtitipid nga siya, kaya siopao at pineapple juice lang ang in-order kanina. Kaya naman umiiyak na talaga sa gutom ang tiyan niya. "Jhamaica, Jhamaica;" Napa tigil sa pag bukas ng kalan si Jhajha nang makarinig ito sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment niya. At tinawag pa ang pangalan niya. Kunot-noo nitong binuksan ang pinto upang makita kung sino ang tao sa labas ng pinto niya. "Hi! Naisip ko kasi na matatagalan ka pa makakain kung magluluto ka pa lang, kaya, I brought some food for you," ani Celestine kay Jhajha matapos nitong buksan ang pinto. "Naku. Nakakahiya naman nag-abala ka pa. Magluluto na rin naman ako ng makakain ko—" Hindi na natapos ni Jhajha ang sinasabi ng derederetso na pumasok sa loob ng bahay niya si Celestine na animoy matagal na silang magkakilala. "Ano ka ba, 'wag ka ng mahiya. Isa pa, masarap 'to kasi ako ang nagluto," giit ni na sabi ni Celestine. Pumunta ito sa at inilapag ang tupper ware na may laman na pagkain. "Sige na 'wag ka ng mahiya, kumain kana, tsaka 'wag kang mag- alala wala naman lason 'yan. At hindi rin kita lalasunin, promise!" Nahihiya man si Jhajha pero bigla niyang naramdaman ang sobrang gutom dahil sa mabangong amoy ng pininyahang manok na dala ni Celestine. "Salamat, ah. Gutom na gutom na rin talaga kami ng baby ko," "Buntis ka?" Hindi makapaniwala na tanong ni Celestine sa kanya. "Ilang taon ka pa lang ba? Kung hindi ako nagkakamali same age lang tayo," dagdag na sabi pa nito. "19 na ako," ani Jhajha habang sinisimulan ang pagkain. "Ang sarap nga ng luto mo, ah, salamat talaga dito," papuro ni Jhajha sa sarap ng ulam na luto ni Celestine. "Wala 'yun tsaka, 'wag mo na kaming iturin na iba, at 'wag ka rin mahiyang mag sabi pag may kailangan ka. Katok ka lang sa pinto sa bahay, nasa loob lang si nanay at ang kapatid ko. Ako kasi once a week lang day-off ko sa trabaho, kagaya ngayon, off duty ko," "Ngapala, saan nagtatrabaho ang asawa mo?" "Wala akong asawa, at lumayas din ako sa 'min," kibit balikat na sabi ni Jhajha habang sarap na sarap sa kinakain. "Wala kang asawa? Tapos lumayas ka pa sa inyo? Paano ka kung lumaki na ang tiyan mo? Sino ang mag-aalaga sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Celestine. "Sa totoo lang hindi ko pa alam, pero may maliit na ipon pa naman ako sa ngayon. Kaya bukas na bukas din kailangan kong maghanap ng trabaho," "Tamang-tama! Hiring kami ngayon sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Gusto mo apply ka dun, or ipaabiso kita sa boss ko, mabait 'yun!" Lihim na napangiti at napa daing ng pasasalamat si Jhajha sa panginoon sa magandang balita na sinabi ni Celestine. "Naku. Alam mo Celestine hindi ko talaga tatangihan ang alok mo na 'yan. Dahil kailangan ko talaga na makahanap ng trabaho, bago pa lumaki ang tiyan ko." "Oh, sige ayusin mo na ang resume mo at bukas na bukas dadalin ko para maipasa ko kay boss," "Salamat talaga, Celestine, ah." Buong pusong pasasalamat niya sa kausap. "Wala 'yun, ano ba ang course mo sa collage?" "HRM course ko pero hindi pa ako nakaka-graduate," "Abay! Tamang-tamang. Fit na fit ka pala sa coffee shop. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para ma hired ka agad ni boss. 'yun nga lang 'wag kang mag expect ng malaking sweldo. Minimum ang kita ko doon per day. Kasi kabubukas-bukas lang ng coffee shop ni boss. Pero 'wag kang mag-alala kasi kadalasan naman nagbibigay ng tip ang mga customers na pumapasok doon. Matapos na makaalis si Celestine ay masayang ipinagpatuloy ni Jhajha ang pag-aayos ng mga pinamili. Abot-abot ang pasasalamat niya sa panginoon at pinadalan siya ng panibagong angel/kaibigan. Kapalit ng kaibigan niya na si Daisy na pansamantala. Sobrang swerte niya kay Celestine dahil ang bait rin nito sa kanya. Nang matapos si Jhajha kumain kanina ay tinulungan rin siya ni Tiffany na ayusin ang mga gamit na pinamili niya. Kahit paano nakahinga na siya ng maluwag dahil magkaka trabaho na rin siya. Kaya panigurado na bago niya ipanganak ang baby niya ay may sapat siyang ipon. Magdo doble ingat na lang siya sa pagba-budget. Ang swerte natin baby 'no, may mga Angel na pinadala si papa Jesus para tulungan tayo. Pilit na pinapaligaya ni JhaJha ang sarili sa mga tumatakbong problema sa isip niya. Ang nanay, kuya Roldan at ate Liezel niya. Panigurado na hinahanap na siya ng mga ito. At kahit na ang kaibigan nito na si Daisy ay hindi rin siya nag sabi kung saan siya na roon. Nagpasya din siya na magpalit ng simcard para hindi siya ma-contact ng pamilya at ni Daisy. Saka ko na kayo haharapin nay, ate Liezel, kuya Roldan... Aniya sa sarili at niyakap ang unan na nakasuot ang kulay gray na damit ni Alex na kinuha ni Jhajha noon sa lalaki. "Good night Alex..." payapa niyang ipinikit ang mata at niyakap ng mahigpit ang unan. Habang iniimagin na si Alex ang kayakap nito. Pinangako ni Jhajha na kalilimutan na niya si Alex, pero sa ngayon ay hindi pa ganoon kadali na kalimutan niya ang lalaki. Kaya hihintayin na lang niya na kusang makalimot ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD