"Not bad," biro ni Alex sa pinsang si Clyde, matapos tikman ang espresso coffee latte na ginawa nito sa kanya.
"Not bad lang talaga ang sasabihin mo? Ayus, ah!" Diskumpyado sagot ni Clyde sa pinsan.
"Pina Byahe mo pa 'ko ng napakalayo para lang ipatikim sa akin ang kape na 'to?" kunwaring reklamo ni Alex.
"Kuya Alex, naman eh, 'yung totoo, hindi po ba masarap?"
Ginulo ni Alex ang buhok ng pinsan. "It's the best espresso coffee latte I ever had!" Compliment ni Alex.
"Thank's kuya Alex," masayang ani Clyde.
"But you have to study hard, while managing your coffee shop business. You know your Mom,"
Muling uminom si Alex sa hawak na kape, tsaka nito sinipat ang cellphone na tila naiinip sa oras.
"Tandaan mo, ako ang malalagot kay tita once na pinabayaan mo, ang pag-aaral mo,"
Paalala na sabi niya sa pinsan. Siya kasi ang tumulong upang maisakatuparan ang coffee shop business na pinapangarap ng pinsan.
"Promise, kuya. Mag-aaral akong mabuti, tsaka alam mo naman na idol kita, 'di ba? Kaya tutularan kitang naka-graduate with flying colors!"
"Mabuti naman kung ganun. At isa pa, pwede ba, tigil-tigilan mo lang ang pakikipag-landian sa mga babae. Kaya hina-high blood sa 'yo ang mommy mo,"
Dagdag na pangaral pa nito sa pinsan. Madalas kasi itong nagpapalipas ng gabi kasama ang iba't-ibang babae.
"Good boy na po ako kuya. Almost five months na rin akong walang dina-date ngayon. This coffee shop na ang baby ko," He chuckled
"Tsaka paano naman ako magliliwaliw pa, eh, halos wala na nga akong time para sa sarili ko, plus problemado pa ako dahil nag resigned ang isang service crew ko," hinaing ni Clyde sa pinsan.
"Mabuti naman kung ganun at ng mabawasan ang sakit ng ulo ng mommy mo sa iyo,"
"Eh, ikaw kuya, kailan mo ba balak na mag hanap ng magiging baby mo? I mean ng magiging girlfriend mo? Gusto mo ba hanapan kita?" Clyde smirked.
"Marami akong kilala na chicks, sabihin mo lang kung gusto mo," dagdag na sabi ni Clyde, dahilan upang mapatawa si Alex.
"Clyde Zeus Carter, Kung ikaw lang rin ang magre- recommend ng babae sa 'kin, no thanks! Wala akong tiwala sa mga babae na nakapalibot sa iyo, tsaka 'di ba? kakasabi mo lang na umiiwas ka na sa mga chicks?"
"Oo nga, less na talaga ako sa mga chicks, It's for you, not mine. Para naman magka girlfriend ka na kuya, sige ka, baka maging matandang lalaki ka niyan. Sayang naman, gwapings ka pa naman, tapos hindi ka magkakalat ng lahi mo 'di ba?"
Birong sabi ni Clyde kay Alex. Nangangamba ito para sa pinsan na baka tumandang binata sa sobrang pagka pihikan sa babae. Matapos na ma-broken hearted sa dating niligawan ay hindi na muling nanligaw pa.
"Pwede ba, Clyde, 'wag mo akong gawin dahilan sa mga kalokohan mo! Saka sino naman ang may sabi sa'yo na tatanda akong walang asawa? huh?" Sagot ni Alex sa pinsan.
Sinuksok nito ang phone sa bulsa ng pantalon at tumayo sa upuan.
"I have to go, may importante pa akong lalakarin," paalam niya kay Clyde.
"Ohs? May girlfriend ka na kuya?" tila hindi makapaniwala na tanong ni Clyde sa pinsan.
"Secret! I have to leave," Iwas na sagot ni Alex sa tanong ni Clyde.
"Sandali, kuya, mamaya ka na umalis, hindi ka pa nga nagtatagal ng isang oras eh," pigil ni Clyde sa pag-alis ng pinsan. Dahil gusto nito na kulitin si Alex kung sino ang maswerteng babae ang bumihag ng puso nito. Ilang beses na rin niyang sinama ang pinsan sa pagha hang-out sa bar, pero ang ending eh, lalayasan lang siya nito sa oras na nagiging maharot na ang mga babae sa pinsan. Kaya naman naiintriga siyang talaga kung anong klaseng babae ang natipuhan ng pinsan.
"Secret nga muna 'di ba? Sige na, alis na 'ko, tsaka ko na sasabihin sa 'yo pag nakita ko na s'ya," Ani Alex sa pinsan at tuluyan na itong lumakad palabas ng coffee shop.
"Tssk! hahanapin pa lang pala!" Sabi ni Clyde sa sarili at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos ng coffee shop. 9: 00 AM ay kailangan naka open na ang negosyo niya. k
Kaya naman habang wala pa ang crew ay piniprepara na niya ang lahat ng kakailanganin. At nang sa gayon ay hindi rin mahirapan ang tauhan niya, lalo pa't sa ngayon ay mag-isa na lang ito dahil nag resign ang isa sa mga tauhan niya. Dalawa lang ang crew niya sa coffee shop sa ngayon, dahil halos five months pa lang itong nag ooperate mag mula ng mag bukas siya. Pero sa oras na lumakas at tuluyang mag boom sa dami ng customers, tsaka na lang siya magdadagdag ng manpower. Sa ngayon eh tight muna siya at budgeted sa lahat ng gastos. Isa pa nahihiya ito sa kuya Alex niya na nagpahiram sa kanya ng puhunan. Kaya dapat ay kahit paano makabawas ito ng kahit na kaunting halaga sa hiniram niya na pera. Although hindi naman siya inu-obliga ng pinsan na mag bayad na.
"Good morning! sir. Clyde," masayang bungad ni Celestine sa boss nito.
"Morning, Tins, inaayos ko na lahat ng kakailanganin mo, para kung sa kali na magsabay-sabay ang mga customers mamaya hindi ka mahirapan," ani Clyde kay Celestine, habang patuloy na abala sa inaayos.
"At tsaka mamaya after ng class ko, magpi-print ako ng "we're hiring" para maipaskil ko na sa labas, kaya tiis ka lang muna mag-isa ha, Tins,"
"Naku, Sir, no need na para mag paskil tayo, meron po akong maire-recommend na crew, maganda, sexy, at higit sa lahat mabait at mapagkakatiwalaan pa. Kaya panigurado ako na magugustuhan n'yo mo s'ya," build up ni Celestine kay Jhajha kay Clyde.
"Talaga ba? kung ganun pala bakit hindi mo pa s'ya sinama ngayon? Para naman may kasama ka na dito, at nang mae-train mo na din,"
"Eh, sabi ko kasi sa kanya aabisuhan ko muna ikaw sir, eh. Pero sige po tatawagan ko at papapuntahin ko na s'ya right away!"
"Oh, sige, sige. Papuntahin mo na lang siya, at mamaya ko na lang interview-in pagdating ko from school. Sabay-sabay kasi ang pasahan ng project ko kaya kailangan kong umalis ng maaga ngayon," kapagkuwan ay sabi ni Clyde.
"Naku, Sir. Ako na po ang bahala dito, pumasok ka na sa school. Yakang-yaka ko naman 'yan gawin lahat,"
"Salamat talaga,Tins, ah, hayaan mo pag stable na ang income nitong coffee shop. May salary increase ka, pero sa ngayon tiis-tiis ka muna ah," nahihiya na pakiusap ni Clyde kay Celestine.
"Salamat Sir, ah. Basta, hire mo ang kaibigan ko, ah, mabait 'yon at maganda pa,"
"Sige, dahil malakas ka sa akin, tell to your friend that she's hired, effective today. And she can start work Immediately," ani Clyde.
"Wow! thank you, Sir, matutuwa si Jhamaica nito," anito kay Clyde, at excited na ini-dial ang phone number ni Jhajha upang ipabatid na maari na itong magsimula ng trabaho.
"Hello, friend, pwede ka ng mag start ng trabaho ngayon!" Masayang bungad niya kay Jhajha ng sagutin nito ang tawag niya.
"Talaga?!" hindi makapaniwala na sagot ni Jhajha sa kabilang linya.
"Okay, just give me 30 minutes at pupunta na ko d'yan," dagdag na sabi niya.
"Okay, sige. Hintayin na lang kita dito at mag ingat ka sa byahe mo,"
Kaagad na ini-end called ni Jhajha ang tawag ng kaibigan matapos nilang makapag-usap. Dali-dali na kumilos siya upang maligo para makapunta kaagad sa coffee shop.
"Behave ka muna baby ah, at 'wag mong pahirapan si mommy today, dahil first day ni mommy sa work. Okay, baby!" Aniya sa anak habang hinihikap ang maliit na tiyan.
"Good luck! Jhamaica, You can do it para kay baby!" Nakangiti sabi niya sa sarili, matapos mag apply ng manipis na kulay pulang lipstick sa labi at lumabas na rin siya kaagad ng apartment.
Napatulala si Clyde nang makita si Jhajha habang abala ito sa pakikipag-usap sa customer. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba, na titigil ang mundo mo sa oras na makita mo na ang babae na nakatakdang magpatigil ng mundo mo. But now, he believes in those phrases. Tila tumigil ang mundo niya nang masilayan ang angking kagandahan ni Jhajha. At tanging maamo na mukha nito lang ang nakikita ng mga mata niya ng mga sandaling iyon.
"Sir, ano po ang order n'yo?" Tanong ni Jhajha kay Clyde sa pag-aakala na isa ito sa mga customers sa loob ng coffee shop.
"Sir?" tawag muli ni Jhajha kay Clyde, ngunit parang hindi siya nito naririnig.
Mabilis na lumakad si Celestine palapit sa kaibigan. "Friend, hindi s'ya customer, s'ya si Sir Clyde, ang may-ari nitong coffee shop," kapagkuwan ay sabi ni Celestine sa kaibigan. Kasalukuyan kasi na nasa loob ng comfort room si Celestine nang dumating si Clyde sa coffee shop.
"Sorry po Sir," Napayuko na hingi ni Jhajha ng paumanhin sa lalaki.
"Ah, Sir, s'ya nga po pala 'yung sinasabi ko na kaibigan ko, si Jhamaica po," sabi ni Celestine kay Clyde.
"Oh, diba sir, sabi ko sa 'yo maganda ang kaibigan ko!" makahulugang dagdag na sabi pa niya sa nabatobalani na si Clyde sa kagandahan ni Jhajha.
"H-hi, W-welcome dito sa coffee shop," tila may nakabara sa lalamunan na ani Clyde kay Jhajha.
"Hope you liked to work here," Clyde's added.
"Salamat po, Sir. 'yong resume ko po pala, bukas ko na lang ipapasa sa inyo, hindi pa po kasi ako nakagawa ng tinawagan ako ni Celestine. Sorry po talaga, Sir,"
"That's okay, I hope na magtagal ka dito para may kasama si Tins, I mean si Celestine,"
Kaagad na bumalik sa pagtatrabaho si Jhajha matapos magpasalamat Clyde. Araw ng friday kaya naman hindi sila magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga customers na naroon sa coffee shop. At habang abalang-abala sina Jhajha at Celestine sa pag-iiskima ng mga umo-order, samantalang si Clyde naman ay nakaupo sa isang parte ng coffee shop, at abalang-abala rin sa panonood sa bawat kilos ni Jhajha.
Nagmamadali ito na tumayo sa kinauupuan nang makita si Jhajha na muntik ng matumba sa lamesa nang biglang umikot at nagdilim ang paningin nito. Mabuti na lang ay mabilis na nakalapit sa kanya si Clyde, at maagap siya na nasalo ng lalaki.
"Are you okay?" Nag-aalala na tanong nito dahil sa nangyari.
Ikinurap-kurap ni Jhajha ang mga mata at pilit na nilabanan ang pagkahilo.
"Opo, Sir. Salamat po, medyo nag-dilim lang po ang paningin ko, pero okay na po ako."
Sinubukan niya na tumayo ngunit muli ay bumigay na naman ang mga tuhod niya at feeling niya ay umiikot ang mga nakapaligid sa kanya. Inalalayan siya ni Clyde at pinaupo.
"You're not okay. You have to rest for a while," sininyasan ni Clyde si Celestine upang humingi ng tulong. Lumapit naman ito kaagad sa kanila ng mapansing may nangyaring hindi maganda sa kaibigan.
"Oh my G! Jhamaica ano'ng nangyari sa 'yo?" Nag- aalala na tanong ni Celestine sa nanghihina na kaibigan.
"She needs to rest, and drink some water," ani Clyde sa kanya.
Dali-dali naman na kumuha si Celestine ng malamig na tubig. At habang kumukuha siya tubig, na-isip niya na nagdadalang tao nga pala ang kaibigan. Simula ng pananghalian ay hindi sila nakapag-merienda pa, at isa pa, hindi rin ito nakakain ng maayos dahil hindi nito nagustuhan ang binili niya na ulam kanina. Kaya marahil ay isa iyon sa dahilan kung bakit nahilo ang kaibigan. Kaagad na bumalik siya sa kinaroroonan ng mga ito na may dalang isang basong malamig na tubig at ini-abot kay Clyde.
"Ahm... Sir, siguro po nalipasan ng gutom si Jhamaica kaya po nahilo—"
"What? Hindi ba kayo nag-lunch kanina?" Putol nito sa pagsasalita ni Celestine.
"Tin, bakit naman hindi mo s'ya pinakain ng lunch?"
Tumaas ang kilay ni Celestine sa sinabi ng lalaki na parang kasalanan niya.
"Hala, Sir. Pinakain ko po s'ya ah, ang kaso lang hindi po kasi n'ya nagustuhan 'yong ulam na nabili ko kanina sa canteen. Tapos nag sunod-sunod na kasi ang mga customers kaya nawala na po sa isip namin ang mag merienda," naka labi na pangangatwiran na sagot ni Celestine sa lalaki.
"Okay, okay. Paki bigyan mo na lang s'yan ng hot choco and sandwich para malamanan ang sikmura n'ya," kapagkuwan ay utos ni Clyde.
"Sige po Sir, noted po." Mabilis na lumakad palayo si Celestine sa gawi ng dalawa. Kaagad din itong bumalik at dala ang hot choco at sandwich. At muling bumalik sa counter area dahil may mga nakapilang customers
"Mabuti pa inumin mo muna ang hot choco, at kumain ka muna ng sandwich, para bumalik ang lakas mo. Baka masyado kang napagod at nabigla ka pa sa pagtatrabaho kaya nahilo ka," ani Clyde kay Jhajha.
"Naku, Sir. 'Wag na po, nakakahiya na naman po. Isa pa okay na po ang pakiramdam ko," nahihiya na tanggi niya sa lalaki. Biglang siyang kinabahan dahil baka mawalan siya ng trabaho. Dangkasi naman, Kung kailan first day of work niya, tapos ganun ka agad ang nangyari sa kanya. What more pa kaya sa mga susunod na mga araw at buwan, lalo na kung lumaki na ang umbok ng tiyan niya sa pagbubuntis. Panigurado na mahihirapan na siyang kumilos at magtrabaho. Pero hindi siya maaring sumuko dahil mauubos ang savings niya at saan kamay siya kukuha ng pera na kakailanganin niya sa panganganak? Kaya hindi maari na masesante siya sa trabaho.
"Ms. Jhamaica, 'wag ng matingas ang ulo mo, okay. Kailangan mong kumain para malamanan ang tiyan mo at nang lumakas ka, kaya please lang, sundin mo na lang ang sinasabi ko." Mariing sabi ni Clyde sa katigasan ng ulo ng kaharap. Nagulat naman si Jhajha sa ikinilos ng lalaki sa kanya na tila bay galit ito sa paraan ng pagsasalita nito.
"Pero sir... nakakahiya po kay Celestine kung uupo lang ako dito habang kumakain at nagpapahinga, samantalang s'ya nagtatrabaho. At isa pa po nakakahiya po talaga sa inyo sir, first day ko pa naman po ngayon." Nahihiya na sabi ni Jhajha sa lalaki.
"Ms. Jhamaica, don't worry about Tin, mabait siya, kaya mauunawaan ka niya for sure. At kung iniisip mo na baka sesantehin kita sa trabaho dahil sa nangyari, you're wrong. And you have nothing to worry about it. Okay? And as your employer. I need to make sure na maayos at safe ang mga employees ko," Anito, tsaka tumayo sa pagkakaupo.
"Just take a rest, kami na ang bahala ni Tin,"
Dagdag na sabi pa ni Clyde at tuluyan ng lumakad palayo sa kinaroroonan niya, at tinulungan si Celestine sa pag aasikaso ng mga customers.
Napanganga si Jhajha sa narinig na sinabi ni Clyde sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ganun ka bait ang lalaki kung trumato ng empleyado nito. Nakahinga siya ng maluwag sa kabaitan ni Clyde sa kanya. But then, may pangamba pa rin sa puso niya. Paano kung malaman nito na buntis siya? Mag bago pa kaya ang isip ng lalaki at tangalin siya sa trabaho? Iyon ang kinatatakutan niyang mangyari, kaya pagbubutihin niyang talaga sa pagtatrabaho at susuklian ang kabaitan nito sa kanya.