Chapter 10

4434 Words
"Sabay na kayo sa 'kin pa uwi." Sabay na napabalingin ng tingin ang dalawa kay Clyde sa narinig. "Po sir?" sagot ng dalawa sa lalaki. "Ang sabi ko sabay na kayo sa 'kin pa-uwi, I'll drop you guys home," pagka-clarify ni Clyde sa sinabi nito na isasabay niya ang mga ito pa-uwi. "Malapit lang ang bahay ni Jhamaica sa apartment mo 'di ba Tin? Means one way lang naman kayong dalawa, kaya isasabay ko na kayo," ani Clyde. "Ah. Opo Sir," kunot-noo na tugon ni Celestine sa lalaki. At naninibago ito rito, aba'y mantakin mo sa halos limang buwan niyang pagtatrabaho sa coffee shop, ngayon lang nito naisipan na mag-alok na isabay pa-uwi. Dati naman iyong isang service crew pa ang kasama niya never na nag offer ang lalaki na idaan sila sa bahay ng mga ito. Lihim siyang napangiti sa ediya na nabuo sa isip niya. Marahil ay dahil sa kaibigan nito na si Jhamaica kaya naisipan ng lalaki na isabay sila pa uwi. Tama nga siya sa naisip, mukhang inlababo ang chickboy niyang boss sa kaibigan niya. Well, okay lang at least makakatipid siya sa pamasahe. "Parang nakakahiya na sumabay tayo kay Sir Clyde sa pag-uwi, 'wag na lang kaya tayo sumabay?" Bulong ni Jhajha kay Celestine. "Minsan lang 'yan mag-magandang loob si Sir na isabay tayo pa-uwi, kaya hayaan mo na. Isa pa makakatipid tayo ng pamasahe kahit ngayon lang, isipin mo 85 pesos din 'yun, 'no." Bulong na sagot ni Celestine sa kaibigan. Nag kibit balikat si Jhajha sa sinabi nito. Sabagay, may point naman ito, at kailangan din niya ang mag-tipid sa pamasahe, kaya go na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Isa pa, nakakahiya rin naman na tumanggi sa Sir nila gayong ito na ang nag-magandang loob sa kanila. Habang nasa byahe sila papunta sa lugar kung saan sila nakatira ni Celestine, nagtataka si Jhajha kung bakit tila alam ni Clyde ang daan patungo sa apartment nila. "Alam ba ni Sir kung saan ang address mo?" Ani Jhajha sa mahinang boses sa kaibigan. Ngunit hindi naman siya narinig nito dahil seating pretty itong nakaupo at ninanamnam ang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan, habang ang headset ay naka suksok sa magkabilang tainga. At mukhang malayo na ang narating sa panaginip dahil nakatulog dala ng sobrang pagod sa trabaho. Isinandal na lang niya ang likod sa upuan at ipinaling ang tingin sa labas ng bintana. Makaraan ang ilang sandali ay hindi na nito na malayan na hinatak na rin ito ng antok. Samantalang si Clyde naman ay patuloy nagmamaneho habang hindi mapigilan ang sarili na hindi ma pasulyap ng tingin sa nakatulog na si Jhajha. Biglang na habag ang lalaki sa itsura nito na bakas ang labis na pagod sa buong maghapong pagtatrabaho. Hindi nga niya alam kung ano ang naisipan niya at nag-offer siya na ipag-drive niya ang mga ito pauwi. Nang ipagtapat ni Celestine na nagdadalang tao si Jhajha ay hindi alam ni Clyde kung ano ang nararamdaman para sa babae. Idagdag pa ng sabihin ni Celestine na lumayas si Jhajha sa bahay nila dahil sa takot na mapagalitan ito ng pamilya nito sa oras na malaman ng mga ito ang tungkol sa pinagbubuntis nito. "Did her boyfriend leave her? After he found out about their baby? Ang gago ng lalaki na 'yon, ah! Matapos mabuntis iiwan lang niya ng ganun kadali na lang? Kung makakaharap ko lang ang tarantado na lalaki na 'yon panigurado sasamain s'ya sa 'kin!" Ani Clyde sa sarili na bahagya pang napadiin ang hawak sa manibela ng sasakyan. "Hey, bro, affected much? Bakit kamag-anak mo ba s'ya? Kung umasta ka parang ang tagal mo ng kilala ang babae na 'yan ah?" Sita ng munting tinig sa isip ni Clyde sa kanya. Bakit nga ba siya apektado kay Jhajha? Samantalang kanina lang niya ito nakilala, and take note. Wala pang 24 hours, pero kung umasta siya ay tila gusto niyang magpaka hero at hanapin ang lalaki na bumuntis kay Jhajha at turuan iyon ng leksyon. Aba't kailan pa ba siya naging good samaritan sa mga babae na iniwan at nabuntis ng mga loko-lokong lalaki sa mundo? Bakit kasi may mga iresponsable na lalaki sa mundo eh, 'no? Pwede naman gumamit ng proteksyon bago makipag make-out sa babae para less ang un-expected pregnancy lalo't hindi naman nila kayang panagutan pagnakabuo na sila ng baby. Haist! Umiinit talaga ang bunbunan niya sa mga ganoon klase ng lalaki. Kaya silang tatlo na magkakaibigan, stick sila sa motto in life. "Better to know the safe s*x ways," they always bring condom on their pocket, mas mabuti na yung prepared sila just incase magkaroon sila ng s****l contact sa babae. Nowadays, hindi na maiiwasan ang s****l contact especially sa mga mapupusok na kabataan sa makabagong generasyon nila. Minsan ang mga babae pa ang nang-aakit at nagpapakita ng motibo sa mga lalaki na natitipuhan ng mga ito sa club. But not means eh, kagaya sila ng mga f**k-boy na mga lalaki sa mundo. Hindi ang tipo nilang tatlo na magkakaibigan ang papatol na lang sa mga babae na kung sino-sino lang, at isa pa, mataas pa rin ang standard nila when it comes to hot woman Sabi nga nila, "Ligtas ang may alam." Ligtas sa responsibilidad at sa maaring maging transition ng sakit na posibleng makuha sa papalit-palit ng s****l intercourse sa pakikipag s*x. Dahan-dahan na iminulat ni Jhajha ang mga mata ng maramdaman nito na hindi na umaandar pa ang sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla ng mapagtanto na nasa harapan na ng apartment nila naka parada ang kotse ni Clyde. Kaagad itong bumaling ng tingin sa gawi ng kaibigan. "Celestine—" natutup niya ang bibig nang makita na wala na sa tabi niya si Celestine. Gusto niyang mainis bakit naman hindi siya nito ginising bago ito bumaba ng sasakyan. Napalunok siya sa hiya dahil hinintay pa siya na magising ng kusa ni Clyde at hindi siya nito ginambala na gisingin. Tumikhim siya at saka nag salita sa nakatulog na rin na si Clyde sa pag-aantay na magising siya. "S-sir Clyde..." mahinang tawag niya sa pangalan ng lalaki ngunit hindi ito nagising sa pagtawag na ginawa niya na iyon. Nagdadalawang isip man siya kung gigisingin nga ba niya ang lalaki na halata rin ang pagod sa mukha nito habang natutulog. Pero pinili na niyang tapikin ng bahagya ang lalaki sa balikat nito upang magising dahil masyado ng malalim ang gabi, magda-drive pa ito pauwi. "Sir Clyde, Sir Clyde," anito habang marahan na tinatapik sa balikat ang lalaki. Mabilis na nagmulat ng mata si Clyde nang marinig nito may tumatawag sa pangalan niya. "Oh, I'm sorry nakatulog pala ako," anito na nag-inat pa ng katawan habang nakatingin kay JhaJha. "Naku. Sir, ako nga po ang dapat na mag- sorry sa inyo, masyado ko po kayong naabala. Saka bakit kasi hindi ako ginising ni Celestine, eh, di sana po kanina pa kayo nakauwi Sir, nakakahiya po talaga sa inyo," "It's okay, no worries. Tin is in a hurry. She needs to use the bathroom. And I can't be bothered to wake you up, I feel bad if I do that, you look so tired while sleeping, first time mo ba mag work?" Hindi naka sagot si Jhajha sa tanong ni Clyde sa kanya. "Anyway, kamusta na ang pakiramdam mo? Are you still feel dizzy?" Pag-iiba ni Clyde sa tanong sa kausap. Napansin kasi nito na nag-iwas ng tingin sa kanya si Jhajha. Indikasyon iyon na mukhang wala itong balak sagutin ang tanong niya. "Opo, sir. Okay na po ako. Maraming salamat po sa paghatid mo sa amin ni Tin, at pasensya na po talaga kayo kung ginabi na po kayo tuloy ng dahil sa 'kin," nahihiya na ani Jhajha sa lalaki at tuluyan ng lumabas ng sasakyan. Hindi pa man ito nakakailang hakbang palayo sa kotse ay tinawag ito ni Clyde. "Ah, Jhamaica, can I have a glass of water? If it's okay with you? kanina pa kasi ako nauuhaw eh," pagsisinungaling na sabi ni Clyde kay Jhajha. Dahil ang totoo ay mayroon itong bottled water sa loob ng sasakyan nito. Hindi alam ni Clyde ang nararamdaman kung bakit tila ayaw nito na matapos ang gabi na iyon, na hindi nito nakakausap ng maayos si Jhajha. Hindi niya alam kung bakit tila may parte ng puso niya na tila bay may obligasyon siya para sa bata na nasa sinapupunan ni Jhajha, gayong hindi naman siya ang ama. Ewan niya kung bakit naging magaan ka agad ang loob niya kay Jhajha at higit sa lahat sa baby na pinagbubuntis nito. "Ay, Oo naman po sir, 'yun lang naman po pala. Hali po kayo sa bahay para mabigyan ko kayo ng tubig," sagot ni Jhajha sa lalaki. At lumakad ng mabilis papunta sa apartment nito. Lihim namang napangiti si Clyde habang naka sunod kay Jhamaica. “Pasok po kayo sir,” ani Jhajha sa lalaki matapos buksan ang pinto ng apartment. “Pasensya na po kayo, wala pa po kasi akong masyadong gamit sa bahay, kaya dito na po kayo muna maupo,” turo niya sa lalaki sa monoblock chair sa harap ng maliit na square table sa loob ng kusina niya. “It’s okay, thank you.” Sagod ni Clyde kasabay ng paghila ng upuan at naupo roon. Tahimik na nakamasid lang ito kay Jhajha habang kumukuha ito ng bottled water sa mini fridge na binili ni Jhajha noong namili ito ng mga gamit. “Sino ang kasama mo na nakatira dito sa apartment mo?” tanong ni Clyde habang patuloy na inililibot ang mga mata sa maliit na kusina ni Jhajha. “Ahm, ako lang po sir,” ini-abot ni Jhajha ang isang medium size na bottled water sa lalaki. “I just move here for about 3 to 5 days pa lang po, kaya pasensya na po kayo wala pa akong mga kitchen wares and other appliances sa loob ng apartment ko,” “I see,” tipid na sabi ng lalaki at binuksan ang bottled water at saka uminom ng tubig, “Naku, sir, pasensya na po kayo kung hindi ko po kayo maalok ng hapunan, naubusan po kasi ako ng stock sa ref," Sabi ni Jhajha sa lalaki at ini-on ang electric kettle upang makapag-init ng tubig para sa cup noodles na magiging hapunan niya ng gabi na iyon. Kanina pa kasi umiiyak ang sikmura niya sa gutom at cup noodles lang naman ang tanging meron siya sa food storage niya at iilan pirasong biscuits at loaf bread. “That’s a lot of cup noodles, mukhang napa-panic buying ka sa dami ng stock mo?” Manghang ani Clyde matapos makita ang sandamakmak na cup noodles sa hanging cabinet na nagsisilbing food storage ni Jhajha. Mabilis naman na isinara ni Jhajha ang pinto ng hanging cabinet. “Hindi naman po sir, stock ko na po kasi ito for one month, tsaka matagal pa naman po ang expiration date ng mga 'yan kaya kahit tumagal ng mahigit one month pa ay okay lang," mahabang explanation ni Jhajha sa lalaki. “Okay, alibay accepted,” Clyde replied then smirked. “Can I have some? Medyo nagugutom na rin kasi ako?” Namilog ang mga mata ni Jhajha sa pagka bigla sa tinuran ng lalaki. “A-ano po sir? Gusto mo kumain ng cup noodles?” “Kung okay lang naman sa ‘yo? Late na kasi kaya pakiramdam ko masakit na ang tiyan ko sa gutom. Isa pa, sa unit ko wala rin akong stock na pagkain," paawa epek na sabi ni Clyde. Nakaramdam naman ng pagka guilty si Jhajha, kung hindi dahil sa kanya ay malamang na kanina pa nagpapahinga si Clyde at hindi pa ito nalipasan ng gutom. “Kung okay lang po sa inyo, Sir ang cup noodles wala pong problema. Isa pa, kasalanan ko po kaya pati pagkain n’yo eh wala na sa oras,” nahihiya na tugon niya sa lalaki at muling binuksan ang cabinet. "Anong flavor ang gusto mo, Sir?” tanong niya sa lalaki. “Huh?” naguguluhan na tugon naman ni Clyde sa kanya. “Ay, sorry po sir, mukhang hindi po kayo nakaka-try kumain ng cup noodles, 'no? may iba't-ibang flavors po kasi, what I have here are; seafood, batchoy, bulalo and beef,” paliwanag niya sa lalaki habang iniisa-isang ipakita ang flavor ng cup noodles. Samantalang aliw na aliw naman si Clyde na panoorin si Jhajha na animoy sales representative ng naturang produkto na tila ba ini-encourage siya ba bumili. “Ahm… Let me think,” ilang segundo na nag-isip si Clyde. “Can I have 2 cups of this, batchoy flavor? Feeling ko kasi hindi ako mabubusog sa isang cup lang,” anito. “Okay po sir,” kinuha ni Jhajha ang electric kettle nang marinig nito na nag whistled iyon hudyat na kumulo na ang tubig na mainit. Kaagad nito na binuksan ang dalawang blcup noodles na batchoy flavor at inihain sa kay Clyde. Sumunod naman ay nilagyan din niya ng hot water ang isang seafood flavor para sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan na nilang dalawa kumain. “Aren't you afraid to live alone here? I mean, where’s your family? Why did you choose to live alone?” Sunod-sunod na tanong ni Clyde kay Jhajha. “Mahabang kwento po Sir,” tipid na sagot naman ni Jhajha. “Kayo Sir, ilang taong na po kayo?” Pag iiba ni Jhajha sa usapan. “Mabuti at natanong mo sa ‘kin ‘yan, I’m 21 years old. So you see, hindi pa ako ganun ka tanda, kaya just call me Clyde, and can you please avoid saying 'po' on me? Feeling ko kasi tumatanda ako pag-nag po po ka sa ‘kin.” He chuckled. “Sorry po sir—” “Kakasabi ko lang avoid saying po, at me, nagmumukha akong kuya or tatay mo," biro ni Clyde. “S-sige Sir C-clyde,” naalangan na sabi ni Jhajha. “Much better, right?” Nakangiting ani Clyde. “Ikaw, how old are you?” Tanong ni Clyde sa edad ni Jhajha. “Ah, 19 na ako,” tipid muli na sagot niya. “Binabayaran ba ang ngiti mo? Simula kanina ‘ni hindi ka pa ngumingiti sa ‘kin, at ang tipid mo rin sumagot sa mga tanong ko, may problema ka ba sa ‘kin?” “Naku, sir, wala naman po akong problema sa inyo, nahihiya lang ako sa iyo, kasi bukod sa kuya ko, wala pa naman ako nakakausap at nakakasamang ibang lalaki kagaya nito, maliban na lang kay—” napatigil si Jhajha sa pagsasalita. “Kay?” ulit ni Clyde sa huling sinabi niya. “Wala, wala sir,” umiiling-iling na sabi niya sa lalaki. “Bakit sino ba ‘yon? Boy friend mo or Ex mo?” “Hindi pa ako nag kaka-boyfriend, Sir—” “Really? As in, no boyfriend since birth ka pa? Eh, paano ka na bun—tis?” huli na para bawiin pa ni Clyde ang mga salita na dumulas sa bibig nito. Dala labis ng pagkamangha sa mga narinig nito, buhat sa bibig ng dalaga na NBSB ito, or no boyfriend since birth. “Sorry, Tin, told me that you’re pregnant, I hope hindi mo masamain ang tanong ko. Isa pa maigi rin na alam ko ang tungkol sa kundisyon mo, para naman alam ko kung saan position kita ilalagay sa coffee shop," “Okay, lang po sir, mahabang kwento po kasi, at medyo malalim na po ang gabi, magda-drive pa po kayo pauwi. Inaantok na rin po kasi ako.” kapagkuwan ay sabi ni Jhajha kay Clyde. “Oh, I’m really sorry, sige aalis na ako, para makapag pahinga ka na," “Sige po Sir Clyde, ingat ka sa pagmamaneho pauwi, at pasenya na talaga sa abala ko sa ‘yo," “It’s okay, basta laging meron in house na masarap na cup noodles for me, kahit lagi ko pa kayo ipag-drive pauwi, I won’t mind it,” nakangiting sagot ni Clyde at tuluyan na itong lumakad palabas ng apartment ni Jhajha. Mabilis na lumipas ang isang linggo sa pagtatrabaho ni Jhajha sa coffee shop, so far wala pa rin siyang ibang nararamdaman na kakaiba dala ng pagbubuntis. At hindi na rin niya binanggit pa kay Celestine ang ginawa nitong pagsabi may Clyde tungkol sa pinagbubuntis niya. Simula ng umalis siya sa bahay nila hindi pa siya nakakapagpa-check up sa doctor, kaya naman sa susunod na araw ay magpapaalam siya kay Clyde na magda-day off siya upang makapag prenatal check up. “Sir Clyde?!” kunot-noo at hindi makapaniwala na usal ni Jhajha sa pangalan ng lalaki matapos makita ang pigura nito, sa harap ng apartment niya. “Good morning!” anang lalaki sa kanya at matamis itong ngumiti. “Ano po ang ginagawa n’yo riyan, sir?” “Dito na ako nakatira,” “po? Kailan pa sir?” “Good morning, neighbors!” singit naman na pagsasalita ni Celestine sa dalawa, “So, male-late na po tayo sa pagbubukas ng coffee shop, kaya ano pa ang hinihintay natin, pasko?” “Oo nga, pass seven thirty na, let’s go,” ani Clyde at nauna na itong lumakad sa kotse nito. “Ang haba ng hair mo sis!” Kinikilig na bulong ni Celestine kay Jhajha, at bahagya pa nitong kiniliti siya sa tagiliran. “Tin, ano ba, tigilan mo nga ako!” Suway nito sa kaibigan, “Bakit nandito si sir Clyde? Saka kailan pa s’ya lumipat dito sa apartment?” Tanong niya kay Celestine at pilit na inilalayo ang sarili sa pangingiliti sa nito sa kanya. “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ikaw ang dapat na tanungin ko sa bagay na ‘yan? Balita kaya inabot ng alas-onse ng gabi, si sir Clyde last night sa apartment mo?” pilyang ani Celestine. “A-ano kasi… Ikaw, eh,” nauutal at hindi magkamayaw sa isasagot na si Jhajha. “Oh, bakit parang ‘di ka makapagsalita d’yan? Aye! Bakit inabot ng hating gabi sa apartment mo si sir?” muling pangungulit ni Celestine. “Alam mo ikaw, ang dumi ng isip mo! Kung hindi mo sana ako iniwan sa kotse ni sir Clyde, hindi sana siya aabutin ng ng dis-oras ng gabi di’ba? Kaya kasalanan mo, eh, at isa pa pinakain ko lang naman s’ya ng cup noodles, ‘no,” paliwanag niya sa kaibigan sa nangyari kung bakit inabot ng hating gabi ang lalaki sa apartment niya. “Eh, bakit ang haba ng paliwanag mo? Tsaka bakit ako ang sinisisi mo, ang sabi ni sir Clyde hayaan kita na makapag pahinga dahil mukha ka raw pagod na pagod sa trabaho, oh, di ba ang sweet sa ‘yo ni sir Clyde, sana all!” Hindi makapaniwala si Jhajha sa sinabi ng kaibigan, so nagsinungaling sa kanya si Clyde? Ang sabi nito sa kanya kaya hindi siya ginising ni Celestine at nagmamadali ito dahil gagamit ng banyo. “Ayt! Ang sweet talaga!” impit na tili ni Celestine sa tainga ni Jhajha matapos makita na pinag pinagbuksan pa ni Clyde ng pintuan ng kotse si JhaJha. “Ala Cinderella ka girl!” habol na bulong pa nito sa tainga ni Jhajha. Gusto sanang sitahin ni JhaJha ang kaibigan ngunit nawalan na ito ng pagkakataon na gawin ang bagay na iyon, dahil isang hakbang na lang ang layo nila mula sa lalaki. “S-salamat,” naaasiwa na pagpapasalamat ni Jhajha sa lalaki. Samantalang ang kaibigan naman niya ay umikot sa kabilang pintuan at sumakay na rin sa loob ng sasakyan. “Plus 100 points sir, ang gentleman, eh!” mahinang sabi ni Celestine kay Jhajha nang magkatabi na sila sa loob ng kotse. “Tumigil ka nga r’yan, ang kulit mo! nakakahiya kay sir Clyde pagnarinig ka, alam mo naman na buntis ako ‘di ba?” Suway niya muli sa kaibigan. “Oh, eh, ano naman kung buntis ka? You’re one of the gorgeous pregnant woman ‘no, at kahit pa buntis ka, marami pa rin magkakandarapa sa beauty mo girl!” proud na sabi ni Celestine. “Ang manhid mo na tao kung hindi mo nakikita ang care sa ‘yo ni sir Clyde, ah.” makahulugan na dagdag pa nito. Muli na naman hindi naka bwelo ng sagot si Jhajha sa kaibigan ng sumakay na si Clyde sa driver seat. Bago magsimulang paandarin ni Clyde ang makina ng sasakyan. Nag-check muma itong muli sa email nito upang kumpirmahin ang pina-schedule niya sa ob-gyn doctor para kay Jhajha. Last time kasi na nakausap niya ito ay nalaman nito na hindi pa nakakapagpa-check up man lang ni isang beses sa doctor. At dahil 9:am pa naman ang time ng doctor, tutulungan muna nila si Celestine na mag bukas ng coffee shop, saka na lang sila pupunta sa clinic para sa prenatal check up ni Jhajha. Nang makarating sila sa coffee shop, mabilis silang kumilos at nag-ayos ng mga kailangan sa pag-ooperate sa coffee shop. Habang abala naman na nag-aayos si Jhajha ay nagulat ito ng magsalita si Clyde. “Jha, pack your things, may pupuntahan tayo,” anito sa kanya. Takang napatinging naman kay Clyde si Jhajha. “Saan tayo pupunta sir Clyde?” tanong niya sa lalaki at tumingin sa kinaroroonan ni Celestine, na tila humihingi ito ng pahintulot kung papayag ba ito na sumama siya sa lalaki. “May pupuntahan lang tayo sandali,” sagot ni Clyde sa kanya. “Tin, iwanan ka muna namin sandali ni Jha, may mahalaga lang kaming pupuntahan. Don’t worry sandali lang naman ‘yon,” baling naman ng lalaki kay Celestine. “Ah, sige sir, ako na po ang bahala dito, enjoy lang po kayo kung saan man kayo pupunta,” tumingin si Celestine kay Jhajha at pilya ito na ngumiti. Habang nasa byahe sina Clyde at Jhajha ay walang imik ang dalawa sa isa’t isa. Naka pukos lang si Clyde sa pagmamaneho at si Jhajha naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Napalunok si Jhajha ng tumigil ang sasakyan ni Clyde sa tapat ng isang clinic, ganoon na lang ang gulat nito ng mabasa ang malaking nakasulat sa sign board ng clinic. “DR. CHERRY MAGNO OB-GYN SPECIALIST” Mabilis na tumingin siya kay Clyde, “Sir Clyde bakit po tayo nagpunta dito?” anito sa lalaki. “Hindi ka pa nakakapagpa-check up ‘di ba? Kaya pina schedule kita today for your prenatal check up,” anang lalaki sa kanya at mabilis na ini-unhook ang seatbelt nito, “hurry up, you’re next in line, kagabi pa kita pina-schedule sa ninang ko na ob-gyn doctor, ‘wag kang mag-alala mabait ang ninang ko.” “Pero, sir Clyde—” “Mamaya mo na sabihin ang gusto mong sabihin, Jha, kanina pa ako tinatawagan ng assistant ni Doc, you’re the next patient so hurry up, okay.” Putol ng lalaki sa pagsasalita niya, at wala na siyang nagawa ng mabilis na lumabas ng kotse si Clyde at pinagbuksan siya ng pinto. “Jhamaica Mae; 19 years old, hm… you’re too young to get pregnant, huh?" ani Dr, Cherry Magno kay Jhajha. Pinahiga siya ng doctor sa maliit na medical bed na naroon at isinagawa ang vaginal ultrasound. Habang isinasagawa ang procedure ng ultrasound si Clyde naman ay nakamasid lang sa kanila. “Okay, you’re 8 weeks pregnant, and so far it’s too early to find the gender of your baby. The heart-beat is good, malakas ang t***k ng puso ni baby, so far I don’t see anything wrong for your pregnancy,” patuloy na sabi doctor kay Jhajha, habang patuloy na ginagalaw-galaw ang maliit na aparato sa ibabang bahagi ng maselan parte ng katawan nito. Hindi mapigilan ni Jhajha ang mangilid ang mga luha niya habang pinakikingan ang tunog ng bawat t***k ng baby niya at ang bawat paggalaw ng fetus sa monitor na naroon sa harapan niya. Iyon ang unang beses niya na marinig ang pintig ng baby niya na ganoon kalakas, thou, gabi-gabi naman niya dinadama ang t***k ng baby niya sa sinapupunan niya. Hello, baby, mahal na mahal kita… Seeing her little angel moving inside the monitor made her happy “Tears of joy?” ani Dr, Magno sa kanya. Marahan na tumango at nginitian niya ang doktora, “Opo, Doc,” pinahid niya ang luha at nagkaroon ng reyalisasyon sa lahat ng mga nangyari sa kanya. Iniwan siya ng doktora at ni Clyde mag-isa upang makapag bihis ng damit. Matapos ang ilang sandali ay lumabas din siya at umupo ulit sa upuan sa harap ng doctor. “Okay, everything is good for the baby, niresitahan ko siya ng mga vitamins and food supplements para sa pagbubuntis niya,” anang doktora kay Clyde, “Make sure that she’ll take it every day, okay.” Bilin ng doctor kay Clyde at Inabot ang reseta. “Thanks po ninang,” nakangiti na tugon ni Clyde sa doktora. “It’s nothing, Clyde, anyway, did your parents know about this?” “Hindi pa po, pero soon sasabihin ko rin po sa kanila ang tungkol sa magiging baby namin,” Gustong hilahin ni Jhajha si Clyde palabas ng clinic dahil sa mga pinagsasabi ng lalaki. Nagtataka siya kung bakit sinabi nito sa doktor na ito ang ama ng pinagbubuntis niya. “Okay, sige. Kung ‘yan ang pasya mo, alagaan mong mabuti ang mag-ina mo. It seems like just yesterday that you were just a 7-year-old boy running around inside your house every time I visited you, but now you're soon to be a father. My gosh, tumatanda na talaga ako," “Maganda at sexy pa rin naman po kayo ninang, walang kupas simula noon hanggang ngayon,” “Ang bolero ng inaanak ko! Siguradong diyan mo napaibig si Jhamaica sa pambobola mo,” Napalunok si Jhajha sa sinabi ng doktora. “Am I right, hija? Magaling ba mangbola ang inaanak ko?” anito kay Jhajha. “P-po? A-ano po,” hindi malaman ni Jhajha kung ano ang isasagot sa kausap. “Ninang, hindi ko na po kailangan bolahin ang girlfriend ko, nakita n’yo naman po na ang ganda niya, at gwapings 'tong inaanak mo, perfect match 'di ba?” Agaw na sagot ni Clyde sa doctor. “Oo na, naniniwala na ako sa’yo, sige na at may next patient pa ako. Mag-ingat kayong dalawa, at ikaw, pakaingatan mo ang mag-ina mo, especially maselpan pa sa kanya sa ngayon," Matapos makapagpa salamat nila Clyde at Jhajha sa doktora ay tuluyan nang lumabas ng clinic ang mga ito na animoy totoong mag kasintahan sa tindi ng kapit ng kamay ni Clyde sa kamay ni Jhajha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD