Chapter 11

3944 Words
"Marry me,” napatigil sa pagnguya si Jhajha sa kinakain nitong Lasagna nang marinig na magsalita si Clyde. “Marry me, Jhamaica, ako ang magiging ama ng baby mo, feeling ko mahal na kita,” patuloy na pagsasalita ng lalaki habang nakatingin ito sa mga mata ni Jhajha. “Please, accept me as your husband, and a father of your baby. Promise, I’ll be a good husband and a good father. Please accept me to be part of your life,” seryosong pagtatapat nito sa nararamdaman para kay Jhajha. Sumimsim muna ng juice si Jhajha bago ito sumagot sa lalaki, “Nagpapatawa ka ba, ha? Sir Clyde?” tugon niya rito, at nagkibit balikat lang sa alok n kasal sa kanya nito, “Alam mo sir Clyde, kung naawa ka sa ‘kin kaya mo ako inaalok ng kasal, ‘wag na po. At kung makapag-alok ka d’yan para naman candy lang ang hinihingi mo sa ‘kin, ah—?” “—Pero mahal na kita,” giit na sagot ng lalaki. “Mahal mo na ‘ko?” nginisihan niya si Clyde, “Mahal mo na ako dahil? Dahil naawa ka sakin, dahil buntis ako? No, no. Sir, Clyde. Kagaya ng sinabi ko sa ‘yo noon, at uulit-ulitin ko sa ‘yong sabihin na may ama ang anak ko, at wala rin akong balak na ipaako sa iba ang responsibilidad bilang ama ng anak ko, oh ‘di kaya naman ay maghanap ng ibang lalaki pa r’yan, kahit hindi niya ako mahal, mahal ko s’ya, kaya hanggang mahal ko pa ang ama ng anak ko, wala pa akong balak na tumanggap ng lalaki sa buhay ko, o sa buhay namin ng anak ko.” Walang paligoy-ligoy na pag-amin ni Jhajha kay Clyde na hindi pa ito handang magmahal ulit dahil hanggang sa ngayon ay mahal pa rin niya si Alex. “kung ‘yan ang pasya mo, sige handa naman ako na maghintay sa araw na handa ka ng magmahal ulit,” malungkot na sagot ni Clyde. “Hindi kita type sir Clyde, sorry… kahit na gwapo at maganda ang mata mo, mas gwapo pa rin sa 'yo ang ama ng anak ko.” Biro ni Jhajha sa lalaki. Nagugustuhan kasi niya pag nakasimangot ang mukha ni Clyde, gusto lang niya tinititigan ang lalaki but not means may natatangi siyang nararamdaman para dito. “Aww… grabe ka naman sa ‘kin…” parang pinag bagsakan ng langit at lupa na sabi ni Clyde, “sige, okay na ako sa ngayon as your friend,” napabuntong hininga ng malalim si Clyde sa ginawang pagpo-propose ng kasal kay Jhajha, hindi rin niya alam kung bakit nasabi niya ang bagay na iyon kay Jhajha. Basta isa lang ang laman ng isip niya, at sigurado siya sa bagay na iyon. Na love at first sight ata siya kay Jhajha at mahal niya ito, kaya kahit pa nabuntis ito ng ibang lalaki ay handa niyang panagutan ang babae at akuin ang bata bilang tunay niyang anak. Ang kaso ay tinanggihan naman ang alok niya na kasal… “Kukunin na lang kitang ninong ng anak ko, sir, ‘wag kang mag-alala, number one ka sa list, at panigurado ikaw ang magiging pinaka gwapo sa lahat ng mga magiging ninong anak ko,” “Good Idea! pwede rin akong maging stage father ng ina-anak ko, at pwede rin akong maging stage husband ng mommy ng ina-anak ko,” He chuckled. Napangiti naman si Jhajha sa pagbibiro ni Clyde. “Thank you, sir Clyde, ah, ang dami mong naitulong sa ‘kin, some day makakabawi rin ako sa ‘yo, kahit na hindi mo pa ako ganun katagal nakilala you’re helping me, especially my baby," “Wala, eh, na love at first sight ‘ata ako sa ‘yo nang unang beses na makita kita sa loob ng coffee shop ko, kaso binasted mo naman akong kaagad,” napapakamot sa ulo na si Clyde. “Bakit hindi si Celestine ang ligawan mo? Bukod sa walang sabit, dalaga at maganda pa?” Napaisip si Clyde sa sinabi ni Jhajha, bakit nga ba kay Celestine wala siyang kakaibang nararamdam? Kung tutuusin ay maganda rin naman ito, at kutis porselana pa. Pero bakit si Jhajha nang unang beses niyang makita hindi niya alam kung pag-ibig ba o ano ang naging dahilan at gumaan ang loob niya sa babae sa ganun kaikling panahon. Nagkibit balikat lang ito at hindi sinagot ang tanong ni Jhajha. Matapos kumain nila Clyde at Jhajha ay hindi na muling pinabalik ni Clyde si Jhajha sa Coffee shop. Hinatid na lang nito si Jhajha sa apartment upang makapagpahinga. Pagkadating niya sa coffee shop ay bumungad sa kanya ang pawisan na si Celestine habang naglilinis ito ng table na pinag-gamitan ng customer. Pinagkatitigan niyangabuti ang mukha nito at tama nga si Jhajha, maganda naman talaga si Celestine, pero hindi niya naramdaman na tumigil ang mundo niya sa unang beses niya na nakita ito. At isa pa, maraming beses na siyang aksidenteng nahuli ni Celestine na nakikipaghalikan sa babae na dati niyang deni-date, kung bakit ba naman kasi hindi niya nai-lock ang pinto ng coffee shop ng umaga na iyon, at bumulaga tuloy sa mga mata ni Celestine ang ginagawa nila ni Irish sa ibabaw ng table. Kaya buhat noon ay ramdam niya na walang tiwala sa kanya ang dalaga. Pero sa isang banda ay gusto rin niya na magpasalamat kay Celestine, dahil kung hindi ito dumating ng oras na iyon, malamang ay may namagitan na sa kanila ng pamangkin ng doktora niyang ninang. “Feel tired?” aniya kay Celestine matapos pumasok sa counter area. “Kung pagod ka na you can rest for awhile, pinauwi ko na muna si Jhamaica para makapagpahinga. Ako na lang muna ang tutulong sa ‘yo today.” “Naku, sir, okay lang po ako kahit mag-isa lang ako ngayon, Monday naman po ngayon kaya kereng-kere ko po mag-duty mag-isa. Ikaw ang kailangan pumasok sa school, Monday na Monday po a-absent ka?” Giit ni Celestine sa Idiya ni Clyde na liliban ito sa klase. “Okay lang, wala rin talaga ako sa mood pumasok sa school ngayon, haist! Nakakasawa na ang mag-aral.” tila nababagot na sabi ni Clyde. “Ikaw talaga, sir Clyde, ang sarap kayang mag-aral ‘no, palibhasa aral pambababae ang alam mo—” natutup ni Celestine ang bibig sa walang preno niyang pagsasalita. “Ay! Wait lang sir, pasok lang ako sa banyo! Kanina pa nga pala ako naiihi,” dahilan niya at nagmamadali na pumasok ng banyo. “Watch your words, Celestine! Ano ka ba? Kung makapagsalita ka parang nanay ka ni sir Clyde, eh ano naman kung inabutan mo siyang nakikipag make-out sa ibabaw ng lamesa? May problema ka ba doon? Buhay n’ya ‘yon, kaya wala kang pakialam,” sita ni Celestine sa sarili habang nakasandal sa likod ng pinto ng banyo. “Tandaan mo, Boss mo lang s’ya kaya labas ka na sa personal na buhay n’ya. Isaksak mo 'yan sa kokote mo!” dagdag na sita niya sa sarili, tsaka ito naghilamos at tinitigan ang sarili sa salamin. Matapos ang ilang sandali ay lumabas na ito ng banyo at bumalik sa pagtatrabaho. “Ultrasound result?” gulat na ani Alex kay Clyde, kung bakit ito mayroon hawak na ultrasound result. “Ultrasound result ito ng babae na nagugustuhan ko, kuya,” sagot ni Clyde, habang sinisipat ang kapirasong print out picture ng ultrasound ni Jhajha. Nakalimutan na niyang ibigay iyon kay Jhajha dahil na focus siya sa mga binili na vitamins at food supplement ng dalaga. Inagaw iyon ni Alex sa kamay ni Clyde, “Did you got her pregnant?” tanong nito sa pinsan. “Sana nga kuya, sana nga ako na lang ang nakabuntis sa kanya, ang kaso hindi, eh.” “Hoy, Clyde! Hindi ka pa nakaka- graduate ng college kaya hindi ka pa pwedeng makabuntis, loko ka, ah! gusto mo bang gyerahin ka ng mama mo—!” napatigil sa paninirmon si Alex sa pinsan ng mapadako ang mga mata nito sa kapirasong na hawak nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandali na iyon, biglang na lang bumilis ang t***k ng puso niya sa ultrasound result na hawak. “8 weeks…” usal niya niya. At biglang pumasok sa isip ang babaeng naka sama niya sa kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita ang babae. Naisip tuloy niya na paano kung na buntis niya ito? Ano kaya ang lagay nito? Halos magdadalawang buwan na siyang nag pabalik-balik sa bar pero hindi na talaga muling nagpakita pa ito doon. Kinuha ni Clyde ang ultrasound result sa kamay ni Alex ng mapansin nito na tila walang balak na bitawan iyon ng pinsan. “Ang cute ‘no?” ani Clyde sa pinsan, magsasalita pa sana ito ng mapansin na bumukas ang ilaw sa gawi ng bintana ng apartment ni Jhajha. Kaya dali-dali niya na tinanaw sa bintana niya si Jhajha sa kabilang apartment. “Ano ba ang ginagawa mo r’yan?” tanong ni Alex sa pinsan ng mapansin na may sinisipat si Clyde, dala ng curiosity ay tinignan rin niya ang pinagkakaabalahan ng pinsan. “So, siya ang dahilan kung bakit lumipat ka dito sa apartment na ito?” tanong ni Alex sa pinsan, at matamang tinignan si Jhajha sa kabilang apartment. Naningkit ang mga mata ni Alex at pilit na inaaninag ang pigura ng babae na nakaupo sa tapat ng bintana habang umiinom ito ng gatas. Kung kanina ay si Clyde lang ang walang kibo ngayon ay dalawa na silang nakatunghay sa bintana at nakatingin sa dalaga. Habang patuloy sa pagmamaneho si Alex pauwi sa sarili nitong condo unit ay inuukupa ni Jhajha ang pag-iisip ng binata. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman kanina sa hawak na ultrasound result na iyon, at ang makita ang babae na nagugustuhan ng pinsan ay talagang nagpabilis ng t***k ng puso niya. Pakiwari niya ay pamilyar sa kanya ang pigura ng babae sa bintana. At ang babae na nakatayo noon sa labas ng building na nakita niya. Ewan niya pero parang malakas ang kutob niya na ito ang babae na naka sama niya ng buong magdamag? Napapahilot sa sintido at umiling ito. Baka nagkakamali lang siya sa bagay na iyon, dahil malabo naman na mangyari na iisang babae lang ang nagugustuhan nilang magpinsan. Tama, mali ang human instinct niya, dahil kung mangyayari man ang bagay na iyon ay baka iyon pa ang maging ugat ng hindi magandang pagsasamahan nilang dalawang mag pinsan. Kinaumagahan ay tinanghali ng gising si Jhajha dahil sa hindi nito mawari kung ano ang nangyari sa kanya kagabi. Hindi naman siya pinupuyat ng baby niya kaya naman talagang nanibago siya ng nagdaan gabi, at naging balisa siya at init na init na hindi niya maipaliwanag. Kaya naman minabuti niya na buksan ang bintana at magpahangin sandali. Ngunit habang nakaupo siya roon at umiinom ng gatas ay bigla na lang bumilis ang pintig ng baby niya at maging ang pagtibok ng puso niya ay ganoon din. Hindi naman niya iniisip si Alex pero sa hindi malamang kadahilanan ay biglang pumasok sa isip niya ang lalaki. Biglang bumalik sa isipan niya ang huling beses na nasilayan niya ito na may kasamang babae. Malalim siya na bumuntong hininga sa pait ng alaala niya ng araw na iyon. Maging ang araw na pinagsisihan niya na sana ay hindi sila pumunta ng kaibigan na si Daisy sa mansyon nila Alex, ‘di sana ay hindi sila nagkaroon ng pagtatalo ng ina ng lalaki, pero hindi na maibabalik ang nakaraan, nangyari na ang hindi dapat nangyari, at talagang masakit sa kanya na hindi sila tanggap mag-ina ng ina ng lalaking lihim niyang minamahal. Makakalimutan din kita, Alex… Marahan niyang tinuyo ng palad ang luha na umagos sa mula sa mga mata. Tumayo siya at kinuha ang bag upang kunin ang ultrasound result niya kahapon. “Huh? Bakit wala dito ang ultrasound result ko?” takang tanong nito sa sarili at itinaktak ang lahat na laman ng maliit na shoulder bag. “Wala talaga dito,” saglit siyang nag-isip at inalala na hindi nga pala iyon naibigay sa kanya ni Clyde, marahil ay nakalimutan na ng lalaki dahil sa kasal-kasalan na alok nito, maging siya ay nawala rin sa tamang huwisyo dahil doon. Tatayo na sana siya sa pagkakaupo sa tapat ng bintana ng mahagip ng mga mata niya na bukas ang ilaw sa bintana ni Clyde, kahit na may nakatakip na kurtina sa bintana ng lalaki, tanaw na tanaw niya na may kausap si Clyde sa apartment nito. Napalunok siya at tila hindi makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib, tinapik-tapik niya ang pisngi upang gisingin ang sarili kung siya ba ay nananaginip ng mga sandaling iyon. Hindi siya maaring magkamali. Sa tagal ng panahon niyang sinubaybayan si Alex, alam niya at ramdam niya na si Alex ang bisita ni Clyde sa apartment nito! “No, It can’t be!” Sigaw ng isip niya. “He's not him! Hindi sila magkakilala ni Clyde, at marahip ay namamalikmata lang ako,” pilit niyang isinisiksik sa isip niya. Malayo sa sikat ng araw na maging magkakilala si Clyde at Alex, kaya naman nagkakamali lang siya. Pero parang bomba na sumabog sa mukha niya ng iniluwa palabas ng pinto sa apartment ni Clyde, si Alex. Hindi siya makapaniwal sa dinami-daming tao sa mundo, si Clyde pa ang naging employer niya at kakilala pa nito ang lalaki na gusto na niyang kalimutan. Teka, gusto nga ba talagang kalimutan? Ilang minuto na ang nakalipas at nakaalis na rin si Alex pero si Jhajha ay nanatili paring naroon sa bintana at nakatanaw sa labas. At napapaisip na marahil ay ang universe na ang gumagawa ng paraan upang paglapitin sila ni Alex. Sigurol ay dahil may isang bagay na ang nagkokonekta sa kanilang dalawa at iyon ay ang baby sa sinapupunan niya. Pero ganun pa man, sa kabila ng pagnanais niya na ipaalam sa lalaki ang tungkol sa magiging anak nila, hindi pa iyon ang tamang panahon para kausapin ang lalaki. Konting panahon pa siguro kapag nagkaroon na siya ng lakas ng loob na ipagtapat sa kuya Roldan niya ang tungkol kay Alex. At magagawa lang niya iyon kung uuwi na siya sa kanila. Kaya naman for the sake of her baby, buo na ang pasya niya. Babalik na siya sa bahay nila at sasabihin sa kuya at nanay niya ang tungkol sa magiging baby niya, ihahanda na lang niya ang sarili kung pagagalitan man siya ng mga ito. “Ano? magre-resign ka na?!” hindi makapaniwala na sabi ni Celestine kay Jhajha. “Oo, eh, kailangan na.” tugon ni Jhajha sa kaibigan habang nagpupunas ito ng lamesa. “Eh, bakit naman ura-urada kang magre-resign? Paano na ako nito…” bakas ang lungkot sa mukha ni Celestine. “kailan mo ba balak mag resign? Pwede bang sa susunod na buwan na lang para mas makasama pa kita?” lambing kay Jhajha ng kaibigan nito na ipagpaliban muna ang pagreresign sa coffee shop. “Mm… sige, hihintayin ko na makakuha kayo ng bago mong makakasama dito sa coffee shop, tsaka na ako magreresign.” Ngumiti ang kaibigan niya sa tinuran ni Jhajha. Si Clyde na lang ang kailangan niyang kausapin regarding sa binabalak niyang pagreresign sa trabaho. Pagod na ibinaksak ni Jhajha ang katawan sa malambot na single bed nito, pagkarating sa apartment. Plano niya na mamaya na lang maghapunan tutal naman ay hindi pa ito gutom. Kaya iidlip muna siya kahit isang oras lang dahil hindi na talaga niya mapigilan ang ipikit ang mga mata. Ngunit hindi pa man matagal na nakakatulog si Jhajha ay naalimpungatan ito sa walang tigil na pag-ring ng telepono nito. “Sino ba ‘to ang estorbo naman eh!” reklamo niyang sabi saka inabot ang phone sa gilid ng kama nito. “H-hello…” nakapikit niyang sagot sa taong tumawag sa kabilang linya. “H-hello, sino ka ba? at bakit hindi ka nagsasalita d’yan? Tatawag-tawah ka hindi ka naman magsasalita, estorbo ka sa tulog ko! Geh, bye, kung ayaw mo na namang magsalita!” Tila naging bato ang buong katawan ni Alex, nang marinig ang boses ni Jhajha. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at kinuha-kuha pa niya ang number ng bagong babae na kinababaliwan ng pinsan. Idinahilan pa nito na aalamin niya ang tungkol sa family background ni Jhajha para sa pinsan. Pero ang totoo ay may pang-sarili talaga siyang agenda. At iyon ay upang mabigyan ng kasagutan ang gumugulo sa isip niya simula ng makita ang babae sa bintana. Ngunit iba ang boses ng babae nakasama niya sa kama, at iba rin ang boses na narinig niya ngayon… Gusto niyang sapakin ang sarili, paano ba niya makikilala ang boses ng babae kung isang gabi lang niyang nakasama at tanging palitan nila ng impit na daing sa ibabaw ng kama niya ang naging pag-uusap nila ng gabi na iyon? Hay! Tama na nga ‘yang kalokohan mo Alex, hindi sila iisang babae lang. Sa dami ng babae sa mundo, imposible na iisang babae lang ang magugustuhan ninyong mag pinsan. That’s very impossible! Nayayamot na inihitsa ni Alex ang phone sa ibabaw ng kama at pagkatapos ay dumapa siya roon, at hindi nag tagal ay hinila ito ng antok. Ahh! She moaned while Alex reach her breast, and his hands erotically touched her skin, napaliyad si Jhajha ng abutin ng mainit na labi ng binata ang tungki ng dibdib niya. Habang ang mga kamay nito ay pumaroon sa suot na palda ng dalaga at dahan-dahan na inalis iyon. Maingat na hininga ni Alex ang babae at habang magkahinang ang kanilang mga labi. Then he pulled her underwear off, napasinghap si Jhajha ng ganap siyang mabalatan ni Alex, tahimik silang nagkatitigan ng magtama ang mga mata nila. At pagkatapos ay kusang gumalaw ang mga kamay ni Jhajha at inisa-isang tanggalin ang damit ng binata. Napalunok siya ng makita na tanging under garment na lang ni Alex ang tanging nagkukubli sa maselang bahagi nito. Pinikit niya ang mga mata at saglit na nag-isip, handa na ba siyang ipagkaloob sa lalaki ang sarili niya? Pero ito na ang pagkakataon niya, at minsan lang yun mangyayari, kaya bahala na! Pagkamulat ng mata ni Jhajha ay ang labi ni Alex ang sumalubong sa kanya. Buong puso naman na tinanggap ni Jhajha ang halik nito at ikinapit ang braso sa leeg ng lalaki, habang tila sila mga uhaw na uhaw sa labi ng isa’t-isa. Sa init ng magkahinang nilang mga katawan ay hindi alinta ng balat nila ang taglay na lamig na hatid ng aircon. Nakagat ni Jhajha ang ibabang labi ni Alex ng maramdaman nito ang buong-buo na p*********i ng binata sa pagitan ng mga hita niya, at nagpakawala siya ng impit na daing sa sakit ng unang beses na ipaloob ng lalaki ang kaselanan nito sa pagitan ng hita niya, at kasabay niyon ang mahigpit na kapit niya sa likod ni Alex sa tindi ng sakit na bumalot sa ibabang bahagi niya. Napatigil si Alex sa ginagawa ng maramdaman nito mahigpit na kapit ng dalaga sa sa likod niya. At nabahala siya nang makita na namutla ang mukha ni Jhajha sa sakit ng ganap nito na ipaloob ang sarili sa babae, iyon ang unang beses na maranasan niya ang makamundong pagnanasa, at aminado siya na kakaiba ang hatid niyon sa kanya, pero hindi niya matiis ang makita na nasasaktan ang babae na kasama. "Do you want me to stop…" Gusto sanang sabihin iyon ni Alex sa babae, pero tila kinakalaban siya ng katawan niya, dahil hindi niya kayang itigil pa ang nasimulan na. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa mga oras na iyon kung ititigil niya ang ginagawa. Kaya naman pinagpatuloy na lang niya ang paghalik sa labi at marahan nitong niyakap ang babae upang maramdaman nito na magiging gentle ito hanggang sa makatapos sila sa ginagawa. Naramdaman ni Alex na gumaan ang kapit ng mga kamay ni Jhajha sa likod niya. At yumakap ito sa kanya, naging hudyat iyon sa kanya na ipagpatuloy na ang ginagawa. He began gentle on his first thrust, then, little by little his thrusting became wild. Tila nababaliw siya sa tindi ng pagnanais na angkinin ang kaniig, tanging palitan nila ng impit na daing ang pamumuno sa loob ng kwarto ng lalaki. At habang si Jhajha naman ay madiin na naibabaon ang kuko sa likod ni Alex sa sobrang ligaya na pinaparanas sa kanya ng lalaki, hindi siya makapaniwala na ganun pala ang bagay na iyon, sa una ay sobrang sakit na animoy may napupunit sa kaloob-looban niya, pero ang sakit na iyon ay hindi magtatagal at mapapalitan ng kakaibang sarap at saya sa pakiramdam. Sarap na parang ayaw na niyang matapos pa lalo na’t si Alex ang gumagawa nito sa kanya. Ang sarap sa feeling na ang lalaki na unang mapapag-alayan mo ng lahat-lahat sa ‘yo ay ang lalaki na matagal mo ng pinapangarap. Muling napakapit si Jhajha ng mahigpit sa likod ni Alex at nakagat ang ibabang labi ng lalaki, nang bumilis pa ang pag-indayog ng lalaki sa ibabaw niya. He thrusting fast, hard, indication for his c*m. Tila nababaliw si Alex sa tindi ng pagnanasa na mailabas ang init ng kanyang katawan sa babae na kaniig, at hindi na niya alintana kahit pa ang balingkinitan katawan ng babae kung nabibigatan ba ito sa malaki niyang katawan. Basta ang tanging laman ng isip niya ay to release something on him, at hindi nga nagtagal, isang mahang daing ang pinakawalan ni Alex kasabay ng pagpuno nito sa p********e ni Jhajha. Sabay silang dalawa na nakarating sa kaluwalhatian na pinagsaluhan nila. Habang malalakas na kabog ng dibdib nila ang tanging maririnig matapos ang mainit na pag-iisa ng mga katawan. Ilang sandali pa na namalagi si Alex sa ibabaw ng babae saka ito pagod na gumulong pahiga sa kanang bahagi ng kama at kinumutan ang katabi, tsaka siniksik ang sarili sa hubad na katawan ng babae—at… “Argh! s**t!” inis na sambit ni Alex ng magising ito sa walang tigil na pagtunog ng Cellphone nito. Ayon na e! yayakapin na sana niya, kung bakit nagising pa siya! Haist. Nakakaasar! “Bakit?!” inis na sagot niya sa matapos sagutin ang telepono na hindi na tinignan pa kung sino ang gumambala sa napakaganda at mainit niyang panaginip. “Hello, kuya Alex, ano may nalaman ka na ba tungkol sa kanya?” sagot ni Clyde sa kanya. Nahilamos ni Alex ang kamay sa mukha sa inis sa pinsan. “Clyde Zeus! Sa dami-raming oras na tatawag ka, bakit naman ngayon mo pa naisipang tumawag?!” inis na sabi niya kay Clyde. “Sorry, kuya, hindi ko naman alam na busy ka pala. Sige, tawag na lang ako mamaya, teka asan ka ba ngayon at ano ang ginagawa mo?” “Ano—haist! Wala, mamaya na lang tayo mag-usap, okay.” Hindi na hinintay pa ni Alex ang sagot ng pinsan, agad na nitong ini-end called ang telepono at nayayamot na isinubsub ang mukha sa unan. Hindi na niya mabilang sa daliri kung ilang beses na nga ba niya napanaginipan ang mainit na gabi na pinagsaluhan nila ng babae na nakasiping niya. Marahil ay kaya niya napapanaginipan ay iyon ang kauna-unahang beses na maranasan niya ang tumikim ng babae, kaya naman nababaliw na talaga siya na muling makita ang babae na iyon. At muling maranasan ang gabing binaliw siya nito ng todo. Haist! Saan ba kasi kita makikita? Miss?! Saan ba?? Arghhh! Nababaliw na ako sa’yo! Ano ba ang ginawa mo sa ‘kin at nababaliw ako ng dahil sa ‘yo ngayon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD