Chapter 33

1719 Words

"Jhamaica, anak, gising na," marahang tinatapik ng ina ni Jhajha ang balikat ng anak upang magising ito. "Mag-aalas otso ng gabi, 'nak, hindi ka pa naghahapunan, at maging ang asawa mo ay na roon pa sa labas," mabilis nagmulat ng mata si Jhajha sa narinig na sinabi ng ina. "Po? Hindi pa po s'ya umaalis sa labas simula pa kanina?" Gulat na tanong niya sa ina. Tsaka mabilis na tumayo sa kama at sumilip sa labas ng bintana. "Bakit ba kasi tiniis mo ang asawa mo, anak? Kawawa naman ang pobre kanina pa 'yan nakatayo sa labas. Pinapapasok ko na nga dito sa loob, ayaw naman n'ya, doon lang raw s'ya hanggang labasin mo s'ya," Bumalik si Jhajha sa kama at umupo sa tabi ng ina, "nay, pasabi na lang po sa kanya na umuwi na po s'ya, at baka mapaano pa s'ya sa daan kung gagabihin po s'ya ng uwi,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD