"Mapapatay ko ang lalaki na 'yan Nay!" Nakakuyom ang kamao sabi ni Roldan sa ina, dala ng sobrang galit kay Alex ng mabalitaan nito ang tungkol sa nag-trending na video ng kapatid ay kaagad itong bumiyahe pauwi sa bahay ng magulang nito, upang alamin ang nangyari kay Jhajha. Galit na galit ito sa lalaki dahil sa pag-aakala na pinabayaan ni Alex ang kapatid niya kaya ito nadukot ng may sakit sa pag-iisip na lalaki. "Roldan, anak. Huminahon ka nga muna, masyado kang nagpapadala sa emosyon mo," awat ng ina ni Roldan sa kanya. "Nay, pinabayaan n'ya ang kapatid ko! At kung 'di dahil sa kanya, wala sana sa ganitong sitwasyon ang pamangkin ko at ang kapatid ko! 'wag lang s'yang magpapakita sa 'kin, dahil baka mapatay ko s'ya!" "Ano ka bang bata ka. Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? kilabutan

