Halos takbuhin ni Alex ang hagdanan paakyat sa silid ni Jhajha sa sobrang pagka-miss niya sa asawa. Nang ganap na siyang nasa tapat ng pinto nito ay maingat niyang pinihit pa bukas ang seradura ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok roon at mabilis na nagpalit ng damit tsaka kaagad niyang nilapitan ang natutulog na asawa. "I'm so sorry, honey," anito matapos tuyuin ang butil ng luha na naiwan sa pisngi ng asawa. Parang pinipiga ang puso niya makita ang asawa na halatang kagagaling lang sa pagluha. "I miss you so much, honey," hinawi niya ang sumabog na buhok sa mukha nito. "Mahal na mahal kita, hon." Dinama niya ang malambot na labi nito. "Patawarin mo 'ko kung nasasaktan ka ngayon ng dahil sa 'kin, pero hindi ko kayang mabuhay na malayo ka sa 'kin. . . kaya kahit alam ko na nasasaktan ka

