Pagkatapos mahimasmasan ni Maggie sa pagkakasalampak sa sofa. Nagbalak itong tumayo at susundan sana si Anthony sa silid nila ni Selina ng bumukas ang pinto at sumulpot si Teddy. Naka black hoody ito at naka sombrero pa.Hindi siya napansin ni Teddy dahil madilim sa gawing Sofa .Dumilim na kase ng tuluyan at hindi pa nagbubukas ng mga ilaw sa kabahayan. Wala ang asawa ni Tino sinadya niyang utusang bumili ng gamot sa botika ar sinabi niyang huwag uuwi ng walang dala. Mahirap hanapin ang gamot na pinahanap niya .Sinandya niya iyon para ito ay magtagalan bumalik. Dere-derestso ang boyfriend ni Selina sa silid ng mag asawa palibhasa sanay na itong sumimple doon kaya napatda si Maggie. Wala sa plano niya ang kasintahan ng anak. Ano ng mangyayari? P*tchang gala mabubulilyaso pa ata. Nagba

