Biglang tumulong si Selina na ang intention ay idistract si Anthony pero dahil hawak na ni Teddy ang kamay ni Anthony at puwesadong hinahablot ang baril..... nakalabit ito ng daliri ni Anthony dahil sa malakas na paghatak at pagpipigil na maagaw ang baril sa kanya. Isang malakas na putok ang narinig. Na shock ang lahat. Lalo na ang lalaking hindi na nakatiis at lumabas na pala ng kurtina para sana pasimpleng umalis. Pati ito ay napako sa may kabinet at nagulat sa nakita. Duguan si Selina at duguan si Anthony. Saktong namang pumasok si Maggie na nakitang nakaluhod si Anthony at pumapalahaw ng iyak habang yakap ang duguang si Selina. At kitang kita ni Maggie ng bumagsak si Anthony sa sahig ng walang ng buhay. Habang tulala at nanginginig naman sa takot ang kasintahan ni Selina. Nagpup

