"Renzo, bakit ka naman bumale kay Boss at gi....." Hindi na nasabi ni Julian ang sasabihin dahil tinakpan ni Renzo ang bibig niya at hinatak siya palabas ng exit door.
"Ano ba?" Sigaw ni Juliana ng bitawan siya sa wakas ni Renzo.
"Tumahimik ka kase. Doon ka pa nagdadakdak sa may ibang tao eh" Inis na sabi ng kanyang katipan.
"Eh ano naman kung marinig niya pare parehas lang naman tayo ng likaw ng bituka" Sabi n Juliana.
"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo?" Walang interes na tanong ni Renzo
"Bakit ka bumale kay boss at ginamit mo pa ang sakit ng tatay ko.Bibili mo na ba ng gamot si Tatay?" Sabi ni Juliana.
"Eh hindi naman ako pagbibigyan nun kung hindi ko sabihin na para sa tatay mo eh alam mong kiropot yun"
"Asan na ang pera malaki yun kalahati ng buong kabayaran ko daw yung kinuha mo.Kelan ka bumilu ng gamot ni Tatay?"
"Hindi ko binale yun para sa tatay mo noh.Binale ko yun kase kailangan ni mama ng pera.Uuwi daw ito saglit sa bahay namin ipapaayos ang kusina dahil nagbabaha na dahil sa tagas sa tubo ng gripo" Hindi maasikaso kase wala nga kami dun diba?
"Ano?" Halos madismaya si Juliana na ganun lamang ang dahilan ng pag bale nito.Bukod pa sa malaking halaga iyon para sa pagaayos lang ng tubo.
"Pero sobra sobra ung bale mo para sa tubo lang" Sabi ni Juliana.
"Masyado ka naman makuwenta Juliana para akong ibang tao ah. Syempre may pasobra dahil baka kung ano pang sira meron dun saka wag ka magalala nsa akin ang ibang pera.Saka teka ano bang masama dun. Asawa mo ako hindi ba.Inaalisan mo na naman ba ako ng karapatan sa pera mo?"
"Nangsisimula ka na namang magyabang ganun ba? Dyan ka na nga umiinit lang ulo ko sayo eh" Sabi ni Renzo na iniwan nga siya sa labas ng exit door.
Nagpapatong patong ang inis hinala at kawalang pagasa ni Juliana. Hindi na niya gusto ang mga nangyayari. Ayaw na niya sa sitwaayun.Gusto na niyang umalis sa sitwasyung iyon pero paano? Paano siya aalis sa putik na kinasadlakan kung naroon ang taong hindi niya maintindihan kung bakit hinahanap ng puso niya. Paano niya tatakasan ang lugar na nagbigay sa kanya ng oportunidad na matulungan ang ama.
Paano niya tatakasan ang mundong wala mang rehas na harang pero meron namang parang invisible na pader na nagbubukod sa kanila at sa totong mundong ginagalawan. at si Renzo.. hanggang kaylan mamahalin ng puso niya?
Hanggang kelan siya magpapakatanga...? hanggang kelan siya magiging bulag sa katotohanang nakikita naman niya araw araw? Hanggang kaylan nga ba?
Nanatili pa si Juliana sa likod ng bar. Sa madilim na lugar na iyon ay ibinuhos ninJuliana ang luha. Natauhan lamang ang dalaga ng marinig ang masiglang togtog mula sa loob hudyat na bukas na ang club. Kuyom ang palad na pumasok si Juliana. saka nagbihis. Tinanggap ni Juliana ang kapalaran na wala na siyang matatakbuhan pa. Kailangan niya ng trabaho at hindi rin naman siya papayag na mawalan ng trabaho so Renzo dahil sa kaartehan niya.
Kaya muli nilunok ni Juliana ang respeto sa sarili, niyakap ang katotohanan saka hinandang muli ang sarili. Ngayong gabi ang unang gabing gagawin niya ang lahat para nakawala sa hawlang ito. At gagawin niya iyon magisa.... unti unti pero magisa" Bulong ni Juliana habang nakatitig sa salamin at naglalagay ng perdible sa costume na may kalumaan na. Matapos makapaglagay ng lipstick at nag spray ng pabangong inorder niya online. Lumabas na ng silid sa gilig ng bar si Juliana kasabay ng ilang babae at iplinaster ang nakakaakit na ngiti hangang ganap ng binuksan ang nagsasalimbuyang ibat ibang uri ng ilaw sa loob ng club.
"Wow! masiglang ano sir, umiindak ang dalawang ano balingkinitan ang katawan habang panay ang ano...likot ng maharot na paggiling ng ano. Nakasuot ng tila ano ni Darna at ani ano sir, si ano wonder woman ang dalawa hawig lang sa costume. Nakawig ng blond parehas ang mga ano Sir" Paglalarawan ni Tino sa mga babaeng umiindak sa ibaba ng intablado.Bagamat utal uytal ay paminsan minsan ay nagiging matino magsalita si Tino lalo na kung waang pressure.
"Naku sir ano ayan na nagsi ano na ng stage sir at mukhang palapit ang mga ano sa ano mo sir, ayan na ang ang isa. Paktay na malamang mabuhay si ano mo Sit " Sabi ni Tino.
"Naku Tino kung naririnig ka lang ni Margie malamang sa garahe ka matulog walang kumot walang sapin walang katol" si Anthony na rin ang unang natawa sa biro.
"Naku sir sa ano kong ito alam rin ng mga yan na butas ang ano ko dyna. Malamang inag ang ano ang naiispatan ng mga ano na yan sa dating at hitsura ang ano mo sir alam nilang paldo paldo ka"
"Saka alam mo naman sir ang ano ng mga yan, alam na alam nila ang ano nila sa ladies drinks diba?" malamang ko rin Sir aano nila ang ano na niyang kahawig ka ni ano si Ian Veneracion sir " sabi ni Tino.
"Ikaw talaga Tino, Napapaghalatang nagpaparamdam ka ng eh" Sabi ni Anthony. Kaligayahan na ng kanyang tauhan ang makipagbiruan sa kanya sanay na eto at kampante na rin si Anthony dito. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon pero dahil maliit na tao ito ay nag mumukhang mas matanda siya dito.
"Oh siya sige na pagtaps ng show kumuha ka ng dalawang babae.Wag kang magalalaa mananahimik ako kay Margie" Sabi ni Anthony.
"Yun o ang galanti talaga ng amo ko oh.Yan tama nga sir tumeybol ka para malibang ka sir ipipili kolita ng pinaka baba boom.Di ba weakness mo ang malalaki at malulusog na dibdib sir?"
"G*go para namang makikita ko naman yun" Sabi ni Anthony.
"Sir naman anong ginagawa ng mga kamay mo.Barya lang sayo ang halaga ng mga hipo ngayon ?"
Sabi ni Tino.
Natawa so Anthony. Ikinatuwa naman ni Tono ang narinig na malakas na halakhak ng amo. Matagal itong halos hindi tumatawa. Matagal na panahon din nagtiis ang amo niya matagal na panahong sinarili ang sakit ng kalooban. Hindi biro ang maipotan sa ulo at hindi rin biro ang malaman ito ng ilang ulit.
Bagat hanggang ngayon ay palaisipan kay Tino kung paano nalalaman ng amo ang kalokohan ng asawa nito pero siguro ganun talaga ang mga tulad nito malalakas ang pakiramdam. Hindi rin niya maunawaan kung bakit pinatagal ng amo ng dalawang taon ang mga nalalaman at hindi kinukumpronta ang ang asawa nito. Palaisapan pa rim kumg paamo nagagawa pang mapakisamahan ng amo niya ang partidos ng dati nitong asawa hanggang ngayon.
Pinakiusapan pa sila ng kanyang asawa na magkunwaring walang alam at hindi na rin niya alam kung paano nila nahaharap noon ang among babae at magkunwaring walang alam samantalang driver lang siya ni Anthony pero inis na inis siya sa asawa nito. At hanggang ngayon palaisipan pa rin kung sino ang pumatay kay Ma'am Selina at kung paano napunta si Anthony doon sa bahay na yun at natagpuan pang walang malay doon si Anth0ny.
Tulala ang amo niya ng dumating siya.Tinawagan siya nito mga isang oras bag0 ang trahedya.Sabi nito ay may kutob daw itong magtatagpo ulit si Ma'am Selina at ang boyfriend nito. Tinawagan siya ni Anthony para ivideo o kuhanan ng litrato na ayun sa amo ay iniipon nito ang ebidensya balang araw.
Pero pagdating ni Tino sa lugar ay may mga pulis na at wala ng buhay ang among babae at gimbal siya ng makitang nakahandusay din sa duguang katawan ng among babae ang katawan ni Anthony. Parang tumigil talaga ang puso niya.Wala siyang pakialam sa babae.Sa amo siya natakot ng husto.