Chapter 4

1178 Words
Nakatira lamang ito roon, nakikikain nagbubuhay reyna at mayaman dahil sa kasalukuyan sakop pa ito ng allowance na naging usapan nila noon ni Selina. Hind pa naman niya pinuputol ang sustento niya dito at ganun din sa Atm ni Selina na malamang ay ang ina ang nagwi withdraw sa ngayon. “Sige magpakasaya muna kayo sa ngayon… May hangganan ang lahat tulad ng mga lihim. May araw din na mabubunyag ang lahat” Sabi ni Anthony habang nakatanaw sa bintana at sa kawalan sa lalayo ay mukhang pinangmamasdan niya ang naglalampungang beyanan at ang bagong kasintahan daw nitong mas bata pa nga sa kanya tingnan ayon sa pag describe ni Tino. Nakasampa daw ang mga ito sa motor na alam niyang ang beyanan ang may bili gamit ang credit card na bigay niya. Alam niya iyon dahil pumapasok lahat iyon sa data ng lahat ng expenses niya. Sa ikalawang buwan ay saka hinarap ni Anthony ang ilang papeles at mga dapat asikasuhin sa kanyang mga negosyong pansamantalang ipinangkatiwala sa kanyang mga assistant. Doon lamang din niya nagawang harapin ang mga kasong at mga document sa pagiging mag asawa nila ni Selina. Kailangan niyang baguhin ang kanyang will and testament at ipa close ang lahat ng may kinalaman sa asawa. Nakaramdam ng pagkabagot si Anthony kaya niyaya nito si Tino na lumbas ng opisina at mag unwind. Sinabi niya na gusto niya sa maingay na lugar at may malakas na music. Kaya naman dinala siya ni Tino sa “Angel’s Club” “Nasaan tayo Tino?” Tanong ni Anthony. “Sa isang club Sir dito sa may Malate. Wow ang gaganda ng Chick dito Sir. Sigurado ako mamgeenjoy ka” Sabi ni Tino. “Sira ulo ka Tino ang sabi ko sa bar hindi sa club. Sa tingin mo ma appreciates ko to?” Nadismayang sabi ni Anthony. “Ahhh... Sorry naman sir hindi mo nilinaw pero sir nandito na tayo.Saka naririto ang sadya mo eh. E enjoy mo na lang Sir. Kapag nabagot ka saka tayo Lumipat sa bar. Gaganda ng chick Sir eh oh ki lalambot gumiling” Sabi a ni Tino. “Naku mukhang ikaw ang mageenjoy at hindi ako. Oh siya tara na sa loob ng matapos na ito. Gusto ko lamang malibang” Sabi ni Anthony. Tatlong oras bago magbukas ang club. Nagpatawag ng meeting ang may ari ng club.Ayon kay boss Genesis eh big night daw mamaya kaya kinakailangang tumebol ng lahat. Nagtaas ng kamay si Juliana na hindi siya pwede pero binalaan siya ng may ari na hindi na siya papayagang sumampa pa sa entablado kapag hindi siya kasama sa mga tumeybol. Bukod doon ay hiniling din na may aari sa lahat na siguraduhin nilang makakabenta ng maraming ladies drinks so, ang ibig sabihin nun maging mas malambing sila sa costumer at mas mang uto pa. At kung may mag take out pa daw sa kanila ay payment first. Kinausap ni Juliana si Renzo ng gabing iyon na baka hindi siya makasampa sa entablado ngayong gabi dahil sa ginawang bagong policy ng may ari ng club. Desidido na si Juliana na hindi sasampa. Titiyagain na lang niya ang kikitain sa paglalampaso ng sahig. "Ano? big night ngayon Babe nababaliw ka ba? Maraming tao mamaya at balita ko kay boss may mga politiko dito mamaya at dito daw mag cecelebrate ng kaarawan malay mo ikaw ang makursunadahan" Sabi ni Renzo. "Pero ayoko tumeybol Babe.Skaal na lang ako saspa ng stage kapag hindi big night" Reklamo ni Juliana. "Tiba tiba tayo mamaya nito babe kaya sundin mo na lang si Boss" Sabi ni Renzo. "Babe! ibinubugaw mo ba ako? puno ng hinanakit na sabi ni Julianan.Isa si Renzo sa bukod sa respeto sa sarili ang dahilan kaya ayaw niyang tumeybol. Nirerespeto niya ang kahihiyan ni Renzo na kasama pa naman niya sa trabaho.Alam niya ang pakiramdam ng medyo mahihipuan atababatos ang kasontahano ngga lasing. Pagkatapos ay tititigan na para bang hinuhubaran ang kasintahan. Pero bakit ganito si Renzo?bakit mas mahalaga ang pera para dito?" Tanong ni Juliana sa sarili.Bagamat hindi naman maisa tinig o maitanong kay Renzo. Pero si Renzo mismo ang nagbigay ng sagot. "Bugaw.. o eh di tawagin mo ng ngang ganun pero practikal tayo Juliana. Hindi tayo makakaipon pang pakasal sa pagsasayaw mo lang na halos napupunta sa gamot ng tatay mo.Kailangan mo ng extra pang kita" Paliwanag ng kanyang kasintahan. "Pero mababastos ako nun Renzo mahihipuan at kung anu- ano pa" sabi ni Juliana. "Eh ano naman, para yun lang di ka naman na virgin sus.Wag mo akong intjndihin alam mong hindi ako seloso saka trabaho mo yun iisipin ko na lang malaking tip yun pagkatapos" sabi nito na pinaglandas ang daliri sa braso niya. "Saka balit ang arteo naman para konting himas at tsansing lang yun malayo sa bituka yun at saka alam nating lahat na mas may magaganda pa sayo kaya masuwerte ka na kung makaisa kang ka teybol ngayong gabi" Sabi pa ni Renzo na pakiramdam ni Juliana ay may kasama pang pang iinsulto. Sa banyo dumeretso si Juliana matapos ang usapang iyon.Bukod kase sa iniisip sana niya ang kapakanan ni Renzo, labag din sa kalooban niya ang lahat ultimo nga pagsasayaw ng seksing seksi ang kasuotan ay labag sa prinsipyo niya eh, si Renzo lang din ang angtulak sa kanya gamit ang kunwaring pagtatampo nito at ang pangungunsenaya sa kalagayan ng ama. Ngayon naman gamit nito ang plano pagpapakasal. Oo pangarap niyang makasal at makapagsuot ng magandang trahe de boda pero bakit dapat siya ang magsakriposyo? Iniyak na lamang ni Juliana ang frustration at disappointment sa nangyayari.Pagkatapos ay unti unti ng lumalalim ang galit sa puso niya para kay Renzo. Pakiramdam na niya hindi siya totoong mahal ng lalaki. Ginahawa lamang siyang gatasan. Ginagawang uto uto at higit sa lahat ginagawang tanga. Sa namumuong inis at galit ni Julianan sa kasintahan ay nagtungo siya sa opisina ni Boss Genesis at sinabing hindi muna siya magso show ngayon. Maglilinis na lang siya ng sahig at ng cr.Pero dumagondong ang galit ni Boss Genesis. "Anong kalokohan ito Juliana.Ngayon ka lang magsasabi kung lelan gabi na? sinong isasalang ko sa stage ngayon. Ikaw ang hinahanap ng mga tao" Galit na sabi ni Genesis. "Pero kase boss ayaw ko talaga tumeybol. Katwiran ni Juliana. "Ano bang iniaaarte mo dyan payag naman si Renzo ah saka hindi na pwede kase nag advance yung kaninang hapon. Kailangan daw ng gamot ng tatay mo kaya binigyan ko na kaya kung tutuisin ay bayad ka na sa sayaw mo ng kalahati" "Ho? nag advance na si Renzo?.. pero...." "Kapag hindi ka sumampa sa entablado at tumeybol na rin Juliana hindi ka na makakapasok at nakalaapak sa club na ito. Ultimo pagiging janitress mo bawal na. "Gusto mo ba pati si Renzo mawalang ng trabaho? wag nyo akong subukan?" Banta ng kanilang boss. Naiiyak na lamang si Juliana sa kapalaran. Kuyom ang palad na hinanap si Renzo.Nakitan niya itong nakikipagusap sa isang receptionist sa club. Ilang besss na niyang nakikitang magkausap si Renzo at Devy pang lima na ata ngayon. Nilapitan niya ang katipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD