THIRD PERSON POV
Padabog na inilapag ni Charles ang kanyang phone sa ibabaw ng kanyang kama matapos ihatid si Kathleen sa bahay nito. Ang babae ay isa sa mga kaibigan ng kanyang fiancée na si Chelsea at nakipagkita siya rito kanina kahit na labag sa kanyang loob.
Mula nang magtapat si Kathleen kay Charles ng damdamin nito para sa kanya ay umiwas na si Charles sa babae. Nawalan na siya ng tiwala rito rahil nalaman niya mula rito na ginagamit lang nito ang kaibigan niya na ex-boyfriend nito na si Tony para makasama siya. Sinamantala nito ang pagiging concerned niya rito para sa pansarili nitong interes.
Nang dumating si Kathleen sa official engagement party nina Charles at Chelsea kanina ay bigla na lang nangilid ang mga luha sa mga nito sa kanyang harapan. Mabuti na lamang ay wala sa kanyang tabi si Chelsea nang dumating si Kathleen kanina. Upang hindi ito makaagaw ng pansin ng ibang bisita ay dinala niya ito sa likod ng malaking bahay ng pamilya ni Chelsea.
Nang makarating sina Charles at Kathleen sa likod ng malaking bahay ng pamilya Visitacion ay binanggit nito na nagkita muli ito at ang ex-boyfriend nitong si Tony. Sinabi nitong may nangyari rito at sa kanyang matalik na kaibigan sa pagkikitang iyon. Nagpipigil na umiyak si Kathleen sa kanyang harapan ng mga oras na iyon.
Tandang-tanda pa ni Charles kung paanong namasa ang mga mata ni Kathleen sa kanyang harapan kanina.
Kathleen: I'm very disappointed sa sarili ko, Charles. Hinayaan kong may mangyari sa amin ni Tony. I was so vulnerable that time at sinamantala niya ang kahinaan ko.
Kumunot ang noo ni Charles nang marinig iyon mula kay Kathleen. Ang alam niya ay ito ang hindi maka-move on sa ex-boyfriend nitong si Tony. So paanong sinamantala ito ng kanyang kaibigan?
Kathleen: At ikaw, iniiwasan mo ako na para bang may nakakahawa akong sakit. Ipinagtapat ko lang sa iyong mahal kita. Hindi naman kasalanan ang magmahal, Charles. Masamang tao na ba ako rahil sa pag-amin ko sa iyo ng totoong nararamdaman ko?
Kitang-kita ni Charles kung paano pigilan ni Kathleen ang sarili na huwag mapaiyak sa kanyang harapan, pero namamasa na ang mga mata nito. Ilang beses itong tumingala at pumikit. Ilang beses na humugot ng malalim na paghinga.
Bumuntung-hininga si Charles bago nagsalita. Gusto niyang sabihin dito na wala na siyang tiwala rito simula nang aminin nitong ginamit lang ang kaibigan niya na ex-boyfriend nito para magkaroon ng oras kasama siya. Ngunit mukhang hindi tama rahil hindi ito emotionally stable sa ngayon at baka tuluyan nang umiyak sa kanyang harapan.
Charles: Kathleen, I'm getting married to your friend. I just don't want you to think that I'm taking advantage of your feelings for me. And besides, I think it's easier for you to forget about me kung hindi mo ako nakikita.
Biglang nakita ni Charles ang panlilisik ng mga mata ni Kathleen.
Kathleen: No! Mas makasasama para sa akin ang hindi ka makita! Baka hindi ko kayanin kapag itinuloy mo ang paglayo sa akin, Charles? Baka masaktan ko ang sarili ko? You are my weakness, Charles. Hindi ko kayo guguluhin ni Chelsea. Just give me a chance to show my love for you.
Nabasag ang boses ni Kathleen sa parteng iyon. Parang may parte sa puso ni Charles na gustong mahabag sa babae. Pero talagang hindi na siya comfortable na kasama ito matapos ang confession nito sa kanya.
Biglang iniwas ni Kathleen ang mga mata nito mula sa pagkakatitig kay Charles at itinuon sa kawalan. Ipinikit-pikit nito ang mga mata para tumigil ang pangingilid ng mga luha nito.
Mahabang katahimikan ang namagitan kina Charles at Kathleen. Tumingala si Kathleen para hindi tuluyang tumulo ang mga luha nito. Si Charles ay nanatiling nakatitig lang dito.
Ilang sandali bago muling humarap si Kathleen kay Charles at nagsalitang muli.
Kathleen: Let's go back to the party. Baka hinahanap ka na ni Chelsea?
Tinitigan ng matiim ni Charles si Kathleen bago tumango.
Charles: Okay, let's go. Don't tell anything to Chelsea. I don't want her to worry.
Matalim na tinitigan ni Kathleen si Charles ngunit hindi na muling nagsalita. Napailing na lang si Charles at nagbuntung-hininga.
Nagpatiunang lumakad si Charles pabalik sa party. Sumunod sa kanya si Kathleen. Bahagyang nagulat si Charles nang salubungin siya ng fiancée na si Chelsea. Medyo nataranta pa siya at inisip kung nakita ba silang dalawa ni Kathleen ng fiancée niya na nag-uusap sa likod ng malaking bahay.
Kinabahan si Charles nang lumapit si Chelsea kay Kathleen at sapuhin ang mukha ng kaibigan.
Chelsea: Kathleen? What happened?
Marahil ay napansin ni Chelsea ang namumulang mga mata ni Kathleen.
Naramdaman ni Charles na parang tinitingnan siya ni Chelsea pero hindi siya makatingin ng diretso dito. Narinig na lang ni Charles na biglang nagsalita si Kathleen.
Kathleen: I'm okay, Chels. Nag-nagpasalamat lang ako kay Charles na hindi niya in-invite sa engagement party ninyo si Tony.
Napalingon si Charles kay Kathleen. Palihim na nagpapasalamat na mabilis na nakagawa ng palusot ang kaibigan ng fiancée. Pero nakaramdam siya ng pagka-guilty dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na may itinatago sa kasintahan.
Kathleen: Hu-huwag kang magalit kay Charles. I-I forced him na sumama sa akin sa likod ng mansion para mag-thank you. Ayokong marinig ng ibang tao.
Nakita ni Charles na umangat ang mga kilay ni Chelsea, pero tumango pa rin sa sinasabi ng kaibigan.
Chelsea: It's fine. Nag-worry lang ako rahil bigla siyang nawala. Are you sure you're okay?
Nakita ni Charles na tumango si Kathleen.
Chelsea: Okay, sasamahan kita sa table mo. Nandoon na ang iba nating kaibigan.
Ayaw man ni Charles na maglihim sa kanyang fiancée, pero sa tingin niya ay mas mabuting hindi na malaman pa ni Chelsea ang damdamin ng kaibigan nito para sa kanya.
Pumikit si Charles matapos alalahanin ang eksenang iyon kanina. Umaasa siyang makalimutan na sana ni Chelsea ang bagay na iyon. Hindi niya gustong pagdudahan siya ng kanyang fiancée. Kung siya ang papipiliin ay ayaw na niyang makita ni anino man lang ni Kathleen.
At kanina nga nang makauwi siya ng bahay galing sa official engagement party nila ni Chelsea ay tumawag si Kathleen para makipagkita sa kanya. Pumayag siyang makipagkita rito kahit labag sa kanyang kalooban dahil sa sinabi nito sa kanya sa engagement party kanina na maaari nitong saktan ang sarili kung hindi na siya makikipagkita rito. Hindi gustong mangyari iyon ni Charles dahil siguradong magkakaproblema sila ng kasintahang si Chelsea kung sasaktan ng kaibigan nitong si Kathleen ang sarili rahil sa kanya. Hindi pa niya alam ang gagawin para tuluyang maitaboy si Kathleen kaya naman nakipagkita siya rito.
Nang magkita sina Charles at Kathleen ay sinabi ng babae na buntis ito at ang kanyang matalik na kaibigang si Tony ang ama. Ngunit wala itong balak na ipaalam sa kanyang kaibigan ang totoo.
Sinabi lamang ni Kathleen kay Charles na buntis ito para pumayag siyang ipakita nito ang pagmamahal nito para sa kanya. Dahil kung hindi siya papayag ay sasabihin ni Kathleen sa fiancée niyang si Chelsea na siya ang ama ng batang dinadala nito.
Hindi mahirap para kay Kathleen na mapaniwala si Chelsea na si Charles ang ama ng ipinagbubuntis nito rahil madalas na magkasama sina Charles at Kathleen sa tuwing naglalabas ng hinaing si Kathleen tungkol sa ex-boyfriend nito. Mga hinaing na ngayon ay alam na ni Charles na pagkukunwari lamang at alibi lang ni Kathleen para makasama siya nito.
Ang isa pang iniisip ni Charles ay nakita ni Kathleen na tumatawag sa kanya si Priscilla sa dis-oras ng gabi. Si Priscilla na kaibigan din nito at ng kanyang fiancée. Isa rin iyon sa ginagamit na pang-blackmail ni Kathleen sa kanya kung hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.
Isa pa si Priscilla sa mga alalahanin niya. Isa rin ito sa mga kaibigan ng kanyang fiancée na umamin na may nararamdaman para sa kanya.
Tanda pa ni Charles ang araw na iyon na nagtapat si Priscilla sa kanya na mahal na siya nito.
Dumating sa condominium unit ni Priscilla si Charles at nakita niyang tulog na tulog na sa ibabaw ng couch sa living room ang kanyang fiancée na si Chelsea. Tinawagan siya ni Priscilla at sinabing inutusan ito ni Chelsea para magpasundo sa kanya. Madalas namang nangyayari iyon sa tuwing nalalasing si Chelsea.
Akmang bubuhatin na ni Charles si Chelsea nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.
Si Priscilla.
Sandaling natigilan si Charles at natauhan na lang nang humaplos ang isang kamay ni Priscilla sa kanyang dibdib at dilaan nito ang kanyang kanang tainga.
Priscilla: I love you, Charles.
Ibinulong lang iyon ni Priscilla sa tainga ni Charles. Pagkatapos ay kinagat ang kanang tainga ng lalaki. Napapikit si Charles dahil sa matinding sensasyon na naramdaman.
Parang naghahabol ng paghinga si Charles nang magsalita.
Charles: Yo-you're drunk, Priscilla. Ku-kung anu-ano na ang mga sinasabi mo.
Tumawa ng mahina si Priscilla.
Priscilla: I'm not drunk, Charles. I'm just tipsy. Pampalakas lang ng loob para makapagtapat sa iyo. And then you can empty your load inside me.
Muling tumawa si Priscilla at pagkatapos ay muling kinagat ang kanang tainga ni Charles.
Naramdaman ni Charles na unti-unting nabubuhay ang kanyang alaga rahil sa ginagawa ni Priscilla.
Charles: Tigilan mo na ito, Priscilla. Mahal ko ang kaibigan mo.
Pilit na tinatanggal ni Charles sa kanyang baywang ang nakayakap na mga bisig ni Priscilla mula sa kanyang likuran. Nakasandal ang ulo nito sa kanyang likod at marahang umiiyak.
Nagulat si Charles nang marinig na umiiyak na si Priscilla.
Priscilla: Mahal din kita, Charles. Mahal na mahal. H-handa akong maging kabit mo. Hindi malalaman ni Chelsea, pangako. M-magaling akong magtago ng sikreto. Please, Charles.
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Priscilla sa baywang ni Charles.
Charles: Wala akong anumang pagtingin para sa iyo, Priscilla. Huwag mong gawin ito sa sarili mo. Makakakita ka pa ng lalaking mamahalin ka ng buo. Iyong hindi ka makikihati ng atensyon.
Priscilla: Charles... Please... Iiwanan ko ang boyfriend ko para sa iyo. Just let me show you how much I love you.
Naramdaman ni Charles na unti-unting bumababa ang isang kamay ni Priscilla. Hanggang makaabot ito sa umbok ng kanyang pantalon. Malakas na napasinghap si Charles.
Charles: Priscilla!
Hinilot ni Charles ang kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo rahil sa problemang ibinibigay sa kanya ng tatlong kaibigan ni Chelsea.
Sina Kathleen, Laura, at Priscilla ay nakahandang ipakita kay Charles ang pagmamahal nila para sa kanya.
Pero mahal na mahal ni Charles si Chelsea at hindi magiging maganda kung malalaman nitong umaamot ng kaunting oras mula sa kanya ang mga kaibigan nito.
Kailangang makaisip si Charles ng paraan para maitaboy ang mga kaibigan ng kanyang fiancée.
----------
itutuloy...