PULL

2063 Words

Fern Araojo NARINIG KO ANG patak ng tubig galing sa banyo, habang nasa kuwarto ako ni Garreth ay inaabala ko ang sarili sa pag-ikot at tingin sa mga gamit niya. May larawan siya kasama ang ina at kapatid nitong babae. Napatawa ako dahil iyun lang ang larawan na mayroon siya sa bahay. Inaasahan ko ay silang pamilya, o kahit kasama man lang si Malcom. Sinulyapan ko ang pintuan ng bathroom niya. Napanguso ako nung tignan ang side table niya, naroon ang cellphone at vape. Kinuha ko ang itim na vape at napangisi. “Smoker, halatang sakit sa ulo ni Sir Nicholas,” bulong ko lalo pa at nung buksan ko ang drawer ay may ilang kahon ng condom akong nakita roon sa loob. Napanguso ako at agad sinarado iyun. Kasabay naman ang pagbukas ng pintuan at paglabas ni Garreth. Napatingin siya sa hawak ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD