Fern Araojo NAULIT MULI ang nangyari sa amin ni Garreth sa bathroom niya, hanggang sa hinila na ako ng antok nung gabing yun. Dahil alam kong may trabaho pa kami kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala akong suot na damit sa ilalim ng kumot. Habang ang kamay ni Garreth ay nakatapong sa baywang ko. Nakatalikod ako sa kanya at yakap niya ako mula sa likod. “Garreth…” paos kong tawag sa kanya at hinarap siya. “Garreth uuwi na ako. May pasok pa tayo.” “Hmm…” Hinila niya lang ako at sinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ko. Napanguso ako at napalunok, kumalabog ang dibdib ko. Para bang gusto ko na lang mahiga rito at manatili sa tabi niya, sobrang komportabli at sarap sa pakiramdam. “Uuwi na ako.” “Mamaya. Sabay na tayo.” Kumunot ang nuo ko at natawa. Nakaramdam ng konting kiliti sa ini

