THAT GIRL

1974 Words
Denzel Garreth Vargaz I WAS LATE when I entered the venue where the party was held. May pagmamadali kong inayos ang aking suot ko. I fixed a bit of my dark tuxedo along with a white shirt inside. Tinanggal ko ang bowtie dahil hindi ko gusto iyun. “This way Mr. Denzel Vargaz.” Sinulyapan ko ang lalaki nung nilahad niya sa akin ang daan tungko sa event. I am not sure if my brother attended the event, dahil sana ay isa sa amin ang nandito para magpakita o presentahin ang pamilya. Ngunit nagtalo pa kami dahil alam kong abala siya at ako ay may sariling pupuntahan. Now I am not sure if he attended tonight. If I see him, then I can leave right away after short greetings with other guests. “Is my brother inside?” “Kakarating lang ho, Mr. Vargaz.” Bumagal ang lakad ko at napamulsa na tinignan ang hallway. Huminto ang lalaki at naghintay sa akin ngunit wala namang sinabi nung sulyapan ko ang wristwatch ko. I sighed heavily and just continued walking; I was already here. I don’t want to leave without my presence known by the birthday celebrant. “Garreth!” an old lady exclaimed with her British accent as soon as she saw me. Tumigil ako at hinarap siya katabi ang asawa niya. “Glad you came! Malcom is here but I am looking forward to seeing you tonight. And your silly jokes I missed while I was in England.” She giggled and kissed my cheek. “Happy birthday,” pagbati ko at hinalikan siya sa nuo. “Our parents wouldn’t make it tonight, pero may regalo akong dala para sa inyo. Binigay ko na sa inyong assistant.” “Good evening, Garreth,” bati asawa niya. Isa sila sa mga malapit sa pamilya namin kung kaya hindi kami pweding mawala sa pagtitipong ito, maski isa sa amin. Sumama na ako sa kanila at sabay na kaming pumunta sa malawak sa hardin ng resort. As we came out there was already a commotion happening inside. Bumagal ang lakad ko habang pinapanuod ang kapatid ko na nabuhusan ng wine sa kanyang kulay puting suot. “Tissue! Hurry up!” sigaw ng isang bisita roon na tila ba sobrang laking kahihiyan na matapunan ito. I smirked and slowly let myself into the crowd silently. Lalo na at abala naman sila sa kung anong kaguluhan doon. “Sorry po, I’m sorry! Hindi ko sinasadya,” paghingi ng paumanhin ng dalaga habang kaharap si Kuya na abala sa paghingi ng tissue at pakikipag-usap sa iilang waitress. Assuring that everything is perfectly fine with his slight smile. Hindi ko matignan ang babae dahil nakatalikod ito sa akin. But I can see her bare back covered with no cloth. Wearing a silver dress that gives a glittering effect making her look glowing, especially with her white fair skin. Hindi lang basta maputi o makinis, her skin was like milk. Hindi lang basta puti o walang buhay. “It’s alright, Miss. My secretary will be on the way to bring me clothes, it’s fine,” natatawang sambit ni Kuya at tumitig sa dalaga ng nakangiti. I raised my left eyebrow and went to the other side to get a clearer view of this woman. Nakatali ang buong buhok niya ngunit may iilang hibla na naiwan sa may tainga nito. Hindi lang likod niya ang kita, kundi leeg at konting dibdib. “Ako na! Thank you!” magiliw na pahayag niya sa nag-abot ng tissue. My brother pursed his lips, tila wala ng nagawa para pigilan ang dalaga at hinayaan na lang sa gustong gawin. “Sorry talaga, hindi ko sinasadya.” I tilted my head a bit when I finally looked at her face. Thin glossy lips with light makeup on her face. Her eyelashes were naturally long and curled perfectly, has a small face but it was defined and proportionately perfect. The nose and brown eyes are like chocolate. I licked my lower lip when I saw her smile a bit, showing her small fine teeth. And the lines on her cheeks, a small dimple under the corner of her lips. Lumiit ang mga mata niya sa ngiti nito. “Bigyan na lang kita ng wine ulit,” she whispered sweetly and made her lips pout a bit. Kumunot ang nuo ko nung pababa nang pababa ang pagpupunas niya sa kapatid ko. Her hand was almost reaching on the belt when I went to them and grabbed her wrist. Nagulat ang babae, kinuha ko ang tissue at binigay iyun sa kapatid ko. “What happened here?” kaswal kong tanong. Si Kuya ang tinitignan ko pero ramdam ko ang titig sa akin ng babae na halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pag-atras at parang gusto pang tumakas, sinulyapan ko siya at agad siyang umiwas ng tingin. Natabunan na ng ilang mga bisita na lumapit sa akin kaya nakawala na siya sa paningin ko. “The wineglass fell on his clothes while he was sitting here. Nabasa lang siya pero dahil pula ang wine ay nagkakulay ang puti niyang damit,” ani ng isang bisita. “We will get Malcom clothes, right away.” “Good evening, Garreth. Didn’t expect we will both see you here tonight, minsan lang kayo magsama sa iisang event na kayong dalawa lang.” “How is Gianna? Nabalitaan namin ang kondisyon ni Mr. Ferrier. How is your Lolo?” I got bombarded by the questions. Pero ang tingin ko ay napunta sa dulo kung nasaan ang babae ay tinanggal ang suot na heels at nakasimangot na naglakad habang nakapaa sa hardin. Kumunot ang nuo ko at hindi makapaniwala sa ginawa niya. A guy came running after her. I saw her roll her eyes and walk even faster. Simangot ang mukha at iritang irita. “We didn’t communicate properly. Sana ikaw na lang ang dumalo lalo na at malapit naman sayo ang matanda,” ani ni Kuya at inabutan ako ng alak. I glanced at the red stain on his clothes. “Natapunan ka ng wine?” sumimsim ako ng alak, nanunuod na sa mga bisita na abala sa pakikipaghalubilo sa iba. Mabuti naman at tinantanan na kami ng mga bisita lalo na at hindi naman kami ang main event. “Yeah, this doesn’t happen often,” he said meaningfully. “Maliban na lang kung sinadya.” He smirked a bit proud of it. “The girl has a date, kaya bakit sasadyain?” He confidently shrugged his shoulders. “Halata naman kapag interesado at nagpapansin ang isang tao.” I looked at my brother when he said that. Napailing ako at inubos ang natitirang alak. Kaya pala hindi pinigilan. Mukhang gusto rin magpahawak ng isang ‘to. “But I am not into young girls. Excuse me.” He chuckled and left me there to join the lads on the table. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako roon lalo pa at may lakad ako. Kumpara naman sa kapatid ko na tila walang lakad sa gabing ito. I took the key out of my pocket and my walk gradually slowed down when I saw the girl awhile a go sitting on the hamps of the parking lot on the corner. Ang heels ay hindi niya suot pero ginagawang tapakan upang hindi magdikit ang paa niya sa sahig. I pressed the button on my key and my car beeped and flickered with light. Dahilan para magulat siya. “Ay putang ina!” she snapped out of surprise, words that I didn’t expect to come out from that sweet lips of her. Especially to her angelic face. Napatakip siya ng labi gamit ang palad at bumaling sa akin. Our gaze met and her eyes widened a bit. Para ba siyang laging nagugulat tuwing magkikita kami. “Where is your boyfriend?” kaswal kong tanong at huminto sa harapan niya. Hindi siya makatayo dahil hindi suot ang heels, hindi niya rin mawari kung ano ang gagawin. “He left you here alone?” I murmured and smirked. “Ah… hindi ko boyfriend yun,” hindi niya makatinging sagot sa akin. Tumikhim ito at nagmamadaling kinuha ang cellphone sa kanyang purse. I licked my lower lip when she started fixing her heels while intentionally avoiding my gaze at her. Kumunot ang nuo ko nung makita ang cellphone niya, it’s cheap, very obvious. Paano ang katulad niyang babae ay nakadalo rito? Understandable kung sabit lang siya sa pagtitipong ito. Side chic, probably. “Naku, andiyan na yung sundo ko!” parinig nito na tila sarili ang kausap pero parang gusto ipaabot sa akin iyun. Nagmamadali siyang umalis habang nagtitipa sa cellphone niya. Pagak akong natawa at umiling tsaka pumasok na sa loob ng sasakyan ko. I started the engine of the car and drove outside, hinihintay kong makita pa ito pero nawala na lang bigla. I TEND TO easily forget people’s faces. Sa dami ng nakikilala ko araw-araw at nakakasalamuha oras oras, hindi ganun kadaling matandaan ang mga taong minsanan ko lang makita. O bilang sa daliri ko. But the moment I saw the woman at my father’s company, her face immediately registered in my mind like she was familiar to me. I am not even sure if I just find her attractive or saw her before. “Kindly give this to Severino Buenavista, it’s a gift and there is a document attached there. Make sure that the documents will be properly delivered to him,” my father instructed the young girl wearing casual clothes. Nagtungo silang dalawa sa isang silid pero kita pa rin dahil glass wall ito pero hindi ko na marinig pa ang pinag-uusapan nila. She has no make up at all, pero litaw ang ganda. If I am going to guess her age, she looks like a college student. Ano ‘to? Intern nila? Napahalukipkip ako at tahimik na pinapanuod ang aking ama kausap ang dalaga. My father smiled at her, but the woman shyly smiled back which I didn’t like the way she responded. Tumango tango ang babae at nahihiyang ngumiti. Kulang na lang pamulahan sa sobrang hiya. “Who is that girl?” tanong ko sa secretary ni Dad at humilig sa lamesa nito. “Assistant ni Mr. Nicholas Vargaz, Garreth. Bago lang yan dito, kaya tinutulungan pa ng ibang empleyado sa magiging trabaho niya.” Sinulyapan niya ang tinitignan ko. “Isn’t that your job? Bakit may assistant pa siya?” “My job is here only in the office. That girl’s job is assisting your father with everything he needs. Katulad niyan, kapag may mga trabaho out of the company. Sending gifts, magpapapirma, magpapabili ng kung ano-ano.” Huminto siya sa ginagawa at umangat ang tingin sa akin. “Is she an intern here?” kunot ang nuo ko. Lumabas ang dalaga at bitbit ang mga kailangang ibigay kay Tito Rino. She walked straight without glancing anywhere, diretso ang lakad maski ang titig sa daan. Kahit ang ibang mga lalaking nadadaanan niya ay napapabaling sa kanya ay mukhang sanay na siya roon. I pursed my lips, kind of annoyed by her clothes. Maayos naman, pwera sa parte ng dibdib niya na kita ng konti. Kung hindi lang tinatakpan ng blazer ay siguradong lantad iyun. “Hindi na yan nag-aaral. Nagtrabaho na lang daw.” “Paano yan nakapasok dito?” “Hay naku, Garreth. Hanggang ngayon ba ay pinaghihinalaan mo pa rin ang ama mo na may babae?” she hopelessly sighed. Napalunok ako at umismid. “Nirecomenda lang ng colleague ng ama mo, naawa naman si Mr. Vargaz at pinaunlakan niya ang dalaga na magtrabaho rito.” She looked at me and smiled blatantly showing boredom to my interrogation. Nung makita ako ni Dad ay mukhang lalapitan niya ako pero mabilis na akong tumayo at umalis doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD