Fern Araojo NAKAHINGA LANG ako ng maluwag nung maaninag ko si Madam Marigold, suot ang uniporme na lagi kong nakikitang suot niya sa club. Malungkot siyang ngumiti sa akin at nilapatan ako. Patakbo akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap hanggang sa mapahagulhol na sa sobrang sakit. Umiyak ako sa balikat nito at halos hindi na makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. “Mukhang uulan, let’s go, Fern.” Marahan niyang hinaplos ang ulo ko. Mariin akong pumikit at tumango. Nakatulog ako sa buong biyahe namin, hindi ko inaasahan na dadalhin ako ni Madam Marigold sa condo niya. Alam kong may trabaho siya ngayon kaya naman nag-alala ako bigla na nandito siya sa tabi ko. “Naiintindihan ko si Nicholas kung bakit ka niya nililihim.” Umupo siya sa harapan ko, malakas pa rin a

