Fern Araojo Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Akmang aatras na sana ako pero mabilis akong pinigilan ni Ma’am Gianna. Si Sir Nicholas ay napabuntong hininga at hindi mawari kung ano ang gagawin. “Aalis kana, you should eat first.” Mataman niya akong tinignan. “And give your gift to my husband, you prepared a gift for him.” Ngumiti siya, pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiti niya. Napaawang ang labi ko at nanginig, magsasalita na sana pero nakarinig na kami ng mabibigat na yapag na siyang ingay sa loob ng bahay. “You didn’t wait for me?” Naramdaman ko ang kamay na dumapo sa aking baywang. Napaangat ako ng tingin kay Garreth na medyo magulo pa ang basang buhok at amoy na amoy ko ang pabango, bagong ligo at maayos ang porma. “Sabi kong sabay na tayo diba?” bulong niya pe

