Fern Araojo NAUNANG pumasok si Mikay sa loob ng condo, tikom ang labi ko at sinubukang maging masaya sa bagong tirahan namin. Pero hindi ko magawa dahil may nararamdaman akong hindi tama. “Wow!” masaya niyang sambit habang iniisa isa ang pintuan ng condo. “Ate! Ang ganda!” mangiyak ngiyak nitong sambit sa akin sa tuwa. Napalunok akong muli at pinilit na ngumiti nung sulyapan niya ako. “Kompleto rin! May TV pa!” tumalon talon ito at binagsak ang sarili sa malambot na couch. “Ang lambot pa ng couch nila. Ate! Jackpot ka yata sa kliyenti mo. Mayaman siguro yan noh?” Nakapangalumbaba itong humarap sa akin habang nakapatong sa couch. Ngumisi siya at lumiit ang mga mata dahil doon. “Hindi ko kliyenti yun, boss ko yun,” pagtanggi ko. “Sus! Boyfriend mo siguro,” humagikhik ito at umupo sa co

