Fern Araojo PINAGPAWISAN AKO habang aligagang sinusuri ni Shirley bawat papel hanggang sa galit niyang binagsak iyun sa kanyang lamesa. Halos umusok sa galit ang kanyang ilong at tainga nung iangat ang tingin sa akin. “Anong pumasok sa isip mo at dito mo pinapirma si Mr. Garreth? Ang tanga mo naman! Ako ang malalagot nito kay Nicholas at Malcom!” Napaawang ako ng labi at bakit sa akin niya dinidiin ang sisi? “Hindi ba dapat alam niya kung saan pipirma?” “At dapat alam mo rin kung saan, hindi mo ba alam kung anong posisyon niya rito sa kompanya? Palibhasa iba ang inaatupag mo! Ang CEO ay si Sir Nicholas, COO naman si Malcom. At si Garreth ang kasalukuyang Division Manager.” Hindi ako nakaimik at napayuko. Pagak siyang tumawa. “Hindi mo alam yan? Ano bang silbi mo rito? Magpalamig sa ai

