Fern Araojo NANG ARAW NA iyun ay hindi ko na nakita si Garreth, ganun din sa mga sumunod pero naririnig ko na abala siya sa pagtatrabaho. Mabuti na rin iyun nang walang nanggugulo sa akin. Pero ngayong bumalik na ang Papa niya, siguro ay mas may rason na naman siyang magalit sa akin. “Ate!” masayang salubong ni Mikay sa akin habang abala sa cellphone niya. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. “Nagluto na ako at nakapaglinis. Papasok ka ba ngayong gabi, Ate?” Umupo ako sa couch at sinundan naman niya ako, kinuha ang bag sa akin para ilagay iyun sa lamesa. “Oo, pumasok ka ba?” takang tanong ko lalo pa at alam ko ang schedule nito sa escuelahan. “Opo, Ate. Kaya lang maaga kaming na-dismiss, wala kasi yung professor namin.” Tumango na lang ako sa kanya at pagod na napahiga sa

