STRIPPER

1431 Words
This story contains s****l content and explicit scenes intended for adult readers (18+). Reader discretion is advised. * * * * Fern Araojo SAGLIT KONG pinanuod ang mga kasamahan kong handa na para sa gagawin ngayong gabi. Lahat kami ay maikli ang suot at halos nagpapakita ng balat, pare-parehong itim na kulay ang damit. Pero hindi pa ito iyun, dahil mamaya sa entablado, higit pang katawan ang ipapakita namin sa mga kliyenti. Lahat sa amin ay pilit ginagalingan hindi lang para mas malaki ang tip na maibigay, kundi para mapili ng kliyenti na dalhin sa private o VIP rooms. Mas malaki ang kita kapag may lalaking magustuhan ang isa sa amin. “Good luck, girls!” narinig kong sambit ng isa sa mga staff ng club. Nahihirapan akong lumunok at bumuntong hininga tsaka agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko para ikondisyon ang sarili. Inayos ko ang suot kong lingerie sa parteng dibdib ko dahil sa sobrang sikip. “Paunahan na lang tayo na makapasok sa private room ngayong gabi.” Napabaling ako sa katabi ko. “Ako ang pupuwesto sa lamesa ngayon, ah!” parinig pa nito at tumagal ang titig sa akin. Napangisi na lang ako. Ilan sa mga kliyenti rito ay hindi naman bumabase sa galing ng pagsayaw ng strippers. Karamihan ay kung sino ang maganda at nakakaakit ay yun ang napipili. Bonus na lang siguro ang pagsasayaw. Nang humina ang liwanag ng ilaw at nagsimula ang pagtugtog ng striptease na musika at bumukas na ang kurtina. Ilan sa kanila ay pumuwesto na malapit sa mga lalaking nasa harapan nakaupo na may mga inumin at pagkaing mamahalin sa lamesa. Nanatili ako entablado at doon nagsimulang sumayaw. Sinasabayan ang tugtog ng naaakit na paggiling. Hindi ako lumapit, hindi na rin ako umalis sa pwesto. Sinuyod ko lang ng tingin ang mga kalalakihan, uhaw kung panuorin ang mga babae. Gusto ko sanang madala sa private room ngayong gabi, pero nung makita na halos mga matatanda iyun ay nawalan na ako ng gana na kunin ang atensyon nila. Nung tanggalin na namin ang aming mga damit at tanging naiwan ay ang lace lingerie na suot ay napansin ko ang pagtitig sa akin ng matandang lalaki na singkit. May katabaan ang katawan, maputi, at suot ay pormal na business attire. Hawak ang baso ng alak at pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Nginisian ko ito pabalik at lumipat ako ng pwesto sa gilid. NANG MATAPOS na at bumalik kami sa dressing room ay pumasok na ang isa sa mga staff na siyang may koneksyon sa mga kliyenting lalaki. Isa-isa niyang tinuro ang mga babae na kasama ko, pili lang sila. Nung umabot ito sa pwesto ko ay nilampasan ako, pero agad rin bumalik at binalingan ako. “Fern, private room. You have four clients tonight who booked for you. Kaya mo ba?” Nakita ko ang pagbaling sa akin ng ilang mga kasamahan ko. Agad akong ngumiti at tumango. “Kayang kaya.” Hindi naman ako ganun nag-effort ngayong gabi pero marami-rami rin ang nag-booked sa akin. Hindi na rin naman masama, gagalingan ko na lang mamaya. “Good, the clients are well aware of the rules. Galingan niyo ngayong gabi!” anunsyo na niya para sa lahat sa amin. “Ayoko ng problema. Alright?” Ngumiti ito sa amin tsaka kami tinalikuran. Mamaya ay ibibigay na sa amin ang numero ng silid. Ang patakaran pagdating sa strippers ay nakabase sa mga babae. Kung ano ang napagkasunduan ay iyun ang masusunod. May sariling rules ang club, mayroon din kami. Tahimik akong nag-ayos ng sarili at pinagpatuloy ang pagtatrabaho para sa mahabang gabi. Pagdating ko sa private room ay naroon na ang aking kliyenti na naghihintay. Dahil dito, mas intimate ang magaganap na trabaho ko. Sasayaw din, maghuhubad, makikipag-usap sa kliyenti… hahawakan sila at hahalikan. At katulad ng lagi kong ginagawa at kinasanayan ay iyun ang nangyari. Wala namang problema. Pero sa panghuling kliyenti ko ay doon pa ata ako sasablay… “Can I touch you?” ani ng matanda habang nakapatong ako sa hita nito. Tinignan ko ang Tsino kong kliyenti at hinalikan sa pisngi. “Pwedi mo akong hawakan sa baywang. Basta lalakihan mo yung tip, ah,” malandi kong sambit dito. Narinig ko ang halakhak ng matanda at agad naramdaman ang pagdapo ng palad niya sa aking baywang. Pinigilan kong mapasimangot habang hinahalikan siya sa leeg. Patapos na rin naman ang oras ko kaya ginagalingan ko na sa paghalik para naman sulit yung bayad niya sa akin. “Do you offer extra service?” bulong nito at hinalikan ako sa pisngi. May patakaran ako. Ako lang ang may karapatang hawakan at halikan ang kliyenti ko. Pero kung hahawakan ako ay sa parte ng katawan ko lang na gusto at dapat may karagdagang bayad iyun. At kanina ko pa napapansin na lumalampas na siya sa linya. “Hindi. Sorry.” “I can pay you more. Name your price, sweetheart.” Lumapit siya at hinalikan ako sa leeg. Hinawakan ko ito sa balikat para itulak sa couch dahil halos umangat na siya sa kinuupuan niya maabot lamang ako. Hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagsakop ng palad niya sa isang dibdib ko at madiin na paghawak doon kaya tinulak ko ito at napatayo. “I’m sorry, Sir. Pero wala ho yan sa pinag-usapan. Hindi rin ako nag-o-offer ng extra service. May escort at entertainer kami rito kung gusto ninyo. Magbabayad kayo ng fines sa paglabag niyo sa rules.” Magalang ko itong nginitian at kinuha ang damit. Tutal tapos na rin naman ang oras ko. “Pero ayos lang, okay na ako sa tip na ibibigay ninyo.” Sa huli ay naging considerate pa rin ako. Iisipin ko na lang na hindi nadetalye sa kanya ang mga hindi pweding gawin. Narinig ko ang pagak na tawa nito at pagtayo. Hinabot niya ang braso ko at mariin akong hinawakan tsaka hinila palapit sa kanya. Dahil mataba at malaki ang katawan nito ay halos mapasubsob ako rito. “f**k the fines! Para namang ang linis linis mo. Prostitute ka rin naman, nakikipag-s*x sa maraming lalaki. Magkano ka ba para maikama?” “Stripper ako,” madiin kong pagtatama sa kanya. “Stripper, escort, prostitute. They are all the same!” sigaw niya na halos mapatalon ako sa gulat. Pero nanatili ang matalim kong titig dito. “Anong inaasahan mo rito? Men will respect you and just watch you because you’re an entertainment? They are all f*****g you in their heads. Fulfilling their fantasies, libangan at pampalipas oras ka lang. Nagpapakipot ka pa, marami akong pera. Kaya kong bilhin ang mumurahing katulad mo. Pera lang naman ang gusto mo diba?” Ngumisi ito. Saglit akong natigilan at nahihirapang lumunok na tila may bara sa aking lalamunan. Humapdi ang mga mata ko pero ang matalim kong titig ay nanatili. Para pigilan ang pagtubig sa aking mga mata at makaganti sa kanya ay malakas ko itong sinuntok sa pisngi. Sa lakas ay natabunan nun panandalian at mahinang tugtog. Namilog ang mga mata nito at nakita ko ang pagkawala ng malagkit niyang titig, napalitan ng galit. Napaatras ako nung umamba siyang sasampalin ako ng likod ng palad niya. Mabilis kong tinuro ang CCTV sa gilid. “Sige! Gawin mo!” kabado man ay may tapang ko iyung sinabi. Unti-unti na rin naman kong nasanay sa ganitong senaryo. “Mukhang wala ka ngang pambayad sa fines tapos aalukin mo ako ng extra service? Mahiya ka nga!” Mukha siyang na-offend at ngumisi tsaka ako dinuro. Ngunit walang salitang lumabas sa kanyang labi. Bagkus nilabas ang wallet niya at sinampal sa mukha ko ang blue bills na lumipad at nagkalat sa sahig. “Kulang pa ba yan? Kunin mo na.” Nagpakawala ito ng malakas na halakhak at naghihintay akong tinignan. Wala akong pakialam sa kanya. Basta pinulot ko na lang ang pera sa sahig at binilang iyun sa harap niya. Hindi ako maiinsulto rito, dahil totoong pera lang naman ang kailangan ko at rason kung bakit ako nandito. At nung tingin niyang balewala iyun sa akin ay tila mas nag-usok ito sa galit. “Makakarating ito sa manager niyo. I’ll make sure you’ll be fired!” pananakot niya at kinuha ang coat nito sa couch tsaka lumabas ng silid, malakas na sinarado ang pintuan. Pagod akong napaupo sa couch at tinitigan ang hawak na pera. Napaangat ako ng tingin sa salamin at gumuhit ang pait ng makita ang aking sarili roon. Sa katulad ko ay dapat nasa eskuwelahan ako at nagpupuyat sa pag-aaral, hindi sa club na pumupuyat kakasayaw at pakikipaghalikan sa kliyenti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD