Fern Araojo
NAPAPIKIT AKO matapos sundutin ang sentido ko ng kanyang hintuturo ng ilang beses. Umangat ang ulo ko at panandaliang tumalim ang mga titig, pero dahil alam kong si Madam ang kausap ay mabilis akong napayuko at bumagsak ang tingin sa sahig.
“Aba! Masama pa ang tingin mo, Fern?! Ikaw pa ang galit ngayon?” Umakma itong mananampal pero nung makitang walang pagbabago sa reaksyon ko ay pagak itong nagpakawala ng tawa. “Ang liit liit mong babae ka, ang tapang tapang mo. Bente anyos ka pa lang at kung tignan mo ako ay para bang ikaw ang mas nakatatanda rito. Imbes na pagkakitaan ka ay gumagawa ka pa ng gulo. Gaga ka ba? Ako ang napapagalitan ng Boss ko sa ginagawa mo.”
“Madam, yung panget na matandang iyun hinawakan yung s**o ko. Malinaw naman ang usapan diba?”
Tumaas ang kilay nito at pinameywangan ako.
“And what happened? Shoulder natin ang pagpapagamot sa matandang tinutukoy mo na isang mayamang Chinese na businessman.” Umuusok sa galit nitong tugon. “Alam mo naman, Fern. Ang mga lalaki rito ay hindi katulad sa lugar mo. Sensitibo at ninirerespeto ang mga iyun. Kapag nasiyahan ang mga iyan, maglalabas ng malaking pera. Yun ang trabaho mo, pasiyahin at aliwin sila. Hindi sampalin at mag-asal na parang mas nakatataas sa mga kliyenti mo.”
Umikot ito sa akin habang dismayadong umiiling. Umiiwas ako ng tingin tuwing magtatagpo ang aming mga mata ni Madam. Hindi naman ganun kalakas ang pagkakasuntok ko…
“Gawin mo na lang akong stripper ng mga Bachelor,” presinta ko dahilan para magpakawala ito ng malakas na tawa. Napapalakpak pa siya sa sobrang tuwa. “Ipasok mo na lang ako Madam sa grupo ng Flower Girls.”
“Nakakatuwa ka talagang bata ka.” Gumawi ito sa kanyang upuan at nakangiting humilig doon na tila isang reyna ng kanyang palasyo. Malaki ang espasyo ng opisina ni Madam, magara at yayamanin. “You won’t pass the requirements and standards. VIP Strippers are evaluated thoroughly.”
Hindi ako umimik at kumunot lang ang nuo. Napaayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay.
“Hindi mo naintindihan ang sinabi ko? Ang VIP Strippers ay hindi basta-basta, Fern. Ang katulad mo ay hindi ganun kadaling makapasok. At alam mo ang trabaho nila, hindi ba?” Binuksan niya ang drawer at kumuha ng paketi ng sigarilyo. Sinindihan niya iyun at walang pakialam na umamoy sa usok ang maganda niyang opisina sa paninigarilyo. “Sawa kana ba sa matatanda? O mas mayaman ang hinahanap mo ngayon?” Ngumisi siya.
“Makakapasa ako. Maganda naman ako, ah,” proud kong sambit at humakbang papalapit dito. Baka hindi niya nakikita ako ng maayos. Mas maganda ako sa malapitan. “Marami nga akong kliyenti diba?”
“Have you seen the VIP Strippers we have? They are all gorgeous… and tall.” Huminto ito panandalian at tinitigan ang katawan ko. “Maganda ka, Fern. But your beauty has a different charm. Hindi ka sexy. You don’t have curves. You don’t even know how to dance well and seduce men. Pinagtiyagaan na kitang maipasok dito dahil maganda ka kahit papaano.”
Napanguso ako at sumama ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Tinawanan lang ako nito kaya napairap ako at mabigat ang loob.
“Tinulungan mo akong makapasok rito dahil alam mong walang umampon sa akin at kailangan kong buhayin ang sarili ko. Dahil wala akong pamilya na maaasahan.” Natigilan siya at tumikhim.
“You know that VIP Strippers are different, Fern. They cannot negotiate if they want. We only negotiate what the clients want. Walang kukuha sayo kapag nalaman nila ang mga patakaran na gusto mo. Hindi sila magtyatyaga sayo sa dami mong bawal.” Panandalian siyang huminto at tinitigan ako. “Alam kong galing ka rin sa bahay ampunan katulad ko. Kaya kahit ang dami mo ng kapalpakan sa club na ‘to ay pinapalampas ko. Pero kapag nasa itaas kana, tingin mo kaya ko pang palampasin kung papalpak ka?” Umirap siya at napabuntong hininga.
Noong bata ako, ang taas-taas ng tingin ko kay Madam tuwing bibisita siya sa bahay ampunan at magdadala ng mga gamit, pagkain, at kailangan ng mga batang katulad ko. Pero hindi ko alam na sa kabila ng magandang pananamit, mamahaling pabango, at kumikinang alahas ay ito ang trabaho na kanilang ginagawa. Magpasiya ng mga kalalakihan, kapalit ay pera.
Malaki ang bar. Malaki at puro mayayaman ang narito. Ngunit may isa akong gustong mapuntahan. Eksklusibo at pribado. Mas marangya at mas amoy mamahalin. At mga VIP Stripper lamang ang nakakapasok doon. Pagod na ako kakagiling at kakapasaya sa mga matatandang kliyenti.
Hindi naman nalalayo ang trabaho nila sa trabaho ko, pero mas malaki ang kikitain doon kapag napabilang sa VIP Strippers. Bukod roon ay pwedi kang kunin sa mga pagtitipon para mag-perform sa iba’t ibang lugar.
“Tsaka mas marami raw pera kapag napabilang sa Flower Girls?” sambit ko at ngumisi.
Biglang may kumatok at pumasok ang isa sa mga staff ni Madam. Lumapit ito kay Madam at bumulong sa kanya. Tumango si Madam at umalis ang staff para lumabas.
“May bisita ako, umalis kana, Fern.”
“Pero hindi pa tayo tapos mag-usap.”
“Ikakaltas ko na lang sa sahod mo ang ginawa mong kapalpakan ngayon.”
“Hindi iyan ang nais ko. Ang sabi ko–”
“Fern. This is important. Huwag matigas ang ulo mo at lumabas kana, mamaya na tayo mag-usap.”
Napasimangot ako at tumayo na para lumabas. Hindi pa ako nakakaabot sa pintuan ay pumasok na ang isang maganda at eleganting babae. Maputi at maayos ang galaw maski kanyang postura.
“Primrose!” banayad na bati ni Madam. Malambing at may tuwa sa tono ng pananalita, ganyan na ganyan tuwing may darating na kliyenti. Hinawakan ko ang doorknob at sumilip, mabagal ang galaw ko sa pagsara nun. “For Conrad Ramirez? Marami kami ngayong bago na pasok sa hinahanap niyo. I hope this time he won’t be rough on my girls.” Madam pouted her lips, halos masuka suka ako ng makita iyun.
HINDI KO INAASAHAN na palalampasin ni Madam ang nangyari sa akin kagabi. Hindi naman pumasok sa isip ko na kaya ng matandang iyun na patanggalin ako sa trabaho.
Katulad ng kinagawian ay ganun ang naging takbo ng gabi ko, ang pinagkaiba lang ay maaga akong makakauwi ngayon dahil hindi rin naman ganun karami ang kliyenti bukod sa Lunes pa lang ngayon.
“Uuwi kana?” tanong ni Tasha sa akin nung mapansin na nagliligpit na ako ng mga gamit ko. Isa sa mga maituturing kong malapit sa akin na Stripper katulad ko. “Hindi ka muna iinom o makikipag-table? Extra income rin yun ngayong gabi lalo na at hindi ka naman nag-e-extra service.” Ngumisi siya at umupo sa area niya tsaka nagsimulang mag-ayos ng sarili habang nasa salamin ang tingin.
Malawak ang dressing room, anim kaming naghahati rito at may sari-sariling vanity table. Medyo masikip pero ayos na rin.
“Hindi na, next time na lang.” Sinarado ko ang zipper ng bag. “Galingan mo na lang ngayong gabi para makarami ka.” Nagpakawala ako ng halakhak at nagpaalam na sa kanya.
Palabas pa lang ako ng bar ay napansin ko na ang pagsunod sa akin ng pamilyar na lalaki. Hanggang sa lumapit ito sa akin nung makalabas na ako ng building.
“Hi! Ako yung client mo kanina.” Napahinto ako sa mismong entrance ng building, iilan lang ang tao na nakapila. “Napansin kita na dumaan sa lamesa namin. Uuwi kana ba?”
Ang lalaki ay mukhang mas matanda ng sampong taon sa akin. Maayos naman ito kung titignan pero mukhang nakainom na.
“Stripper lang ako. Hanggang entablado at VIP room lang ang trabaho ko.” Inayos ko ang hawak sa strap ng bag ko at akmang magpapatuloy na sa paglalakad ng hawakan niya ang braso ko. Tinignan ko ito at ngumiti naman siya sa akin, palakaibigang ngiti.
“Ihahatid na lang kita pauwi,” mahinang sambit nito at nakita ko ang panandaliang pagsulyap sa katawan ko. “Pwedi ko bang malaman ang pangalan mo? Ako si Warner.”
Ang katahimikan ay kinain ng ingay sa grupo ng mga matatandang lalaki na kadarating lang. Nakita ko ang pagtitig sa akin ng matanda at tinuro pa ako, dahil presko pa sa alaala ko ang nangyari ay agad kong namukhaan ang matanda.
Lumapit ito at iniwan ang mga kasamahan niya. Nagpakawala ng malakas na tawa ang matanda na halos pumutok ang butones ng suot sa laki ng kanyang tiyan habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
“Nandito ka pa rin?” Umiwas ako ng tingin sa tanong niya at napalunok. “Ano yan? Uuwi ka ng customer mo? Aba ayos, ah! Magkano ang binayad niyan sayo?” Pinameywangan ako nito.
Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nung Warner sa tabi ko. Binaling ko na lang ang tingin sa hihintong sasakyan para makauwi na.
Napahilot ako ng sentido at balak ng umalis nung naagaw ang atensyon ko ang pagparada ng dalawang itim na sasakyan malapit sa harapan ko.
Sunod nun ay bumaba agad ang tatlong lalaki na pare-parehong nakasuot ng pormal na kasuotan. Ang dalawa ay naka-business attire pa, ngunit ang isa ay longsleeve polo na nakatupi hanggang siko at black slack na pants. Saglit akong natulala sa tatlong lalaki na magkakaibigan na kilala na rito sa bar na aking pinagtatrabahuhan.
Agad silang nilapitan ng mga bouncer ng club. Isang lalaki lang ang napansin ko sa kanila, ang Vargaz na naka-longsleeve na kulay puti. Magulo ang buhok, may piercing sa kanang tainga na kapag natatapatan ng ilaw ay lumiliwanag. Mapaglaro ang ngisi sa labi kahit tipid lang iyun. Ang katawan ay tila isang katawan ng atleta. Mapula ang labi at halos perpekto ang structure ng mukha, lalo na ang panga nito. Lahat sila matangkad. Lahat sila ay guwapo. At mukhang ang mga ito ay nasa mid-twenties na.
Pero ang atensyon ko ay nakatuon sa lalaking Vargaz. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Garreth Denzel Vargaz, anak ni Nicholas Vargaz. Mga kilala rito sa syudad bilang mga mayayaman at elite na negosyante.
“Sino ka ba? Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo, ah!” pagsagot ng lalaki sa tabi ko. “Ano ngayon kung lalabas kaming dalawa?”
Ang atensyon ko ay nakapirmi lang sa tatlong lalaki na halos makalimutan ko na ang nagbabangayan sa gilid ko na dalawang lalaki.
“Mr. Buenavista. Mr. Santiago.” May bouncer na nag-assist sa dalawa habang si Mr. Vargaz ay naiwan at kausap ang dalawang bouncer.
“Kung wala ka rin namang pera huwag kana sa babaeng ‘to. Maraming strippers sa loob na madaling kausap. Pera lang ang habol niyan sayo.” Dinuro-duro pa ako.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig pero dahil sa sinabi nung matanda ay nakita ko ang pagbaling sa gawi namin ni Garreth Vargaz at pagtama ng aming mga mata.
Binalingan ko ang matanda.
“Tumigil kana o tatawag ako ng bouncer para mapatigil ka? Gusto mo bang ma-ban dito sa bar?” pananakot ko rito pero tinawanan niya lang ako at sumubok na lapitan pero tinulak siya ni Warner na nasa tabi ko.
Isa pang dahilan para mas lalo lang ako sumakit ang ulo ko at maipit sa gitna nilang dalawa.
“Marami akong pera. Kaya ko ‘tong bilhin kaya ko nga kasama diba? Baka kaya ayaw sayo kasi ang hina mo mag-tip,” panunuya ni Warner na halos may kalakasan ang boses sa pagmamayabang. Mariin akong napapikit at pagmulat ko ay nahagip ko ang tingin ni Denzel Garreth Vargaz na mukhang interesadong nanunuod sa gawi ko. Napahilig siya sa sasakyan niya at wala na roon ang mga bouncer.
“Gago ka pala. Mas marami akong pera sayo!” Tinulak ng matandang lalaki ang nasa likod ko. “Malakas lang ‘tong humirit ng malaking tip kaya inayawan ko.”
Kumunot ang nuo ko.
“Tumigil kana,” mariin kong usal sa mahinang tono. Nahihiya na at dumadami na ang tao sa paligid.
“Totoo naman diba? Scammer ka! Kahit wala akong ginawa sayong masama ay humihingi ka ng pera sa akin para pagbayarin ako sa penalty. Abusado ka!” walang humpay niyang pamamahiya sa akin.
“Wala ka lang sigurong pera, eh!” sabat pa nung Warner.
Halos magtulukan na silang dalawa kaya napaatras ako. Hindi ko alam kung iiwan ko na lang ba sila rito hanggang mapansin ng mga bouncer o tatawagan sila para maawat ang dalawang ito. Pero hindi ako makagalaw dahil naiilang ako sa panunuod nung Garreth Vargaz.
Nag-aaway ang dalawang ito dahil sa pera pero yung totoong maraming pera sa kanila ay narito at nakahilig sa sasakyan niya, nakakrus ang mga braso at pinapanuod silang dalawa.
Hanggang sa nasuntok na yung matandang lalaki at bumagsak sa sahig. Namilog ang mga mata ko at hindi ko alam kung dadaluhan ba ito. Pero sa huli ay tumawag ako sa bouncer para humingi ng tulong.
“Awatin niyo yan,” utos ko sa isang bouncer na kilala ko at tinuro yung nanuntok. Dinaluhan ko yung matandang lalaki sa pag-aakalang napuruhan ito. Nakalimutan panandalian yung galit ko dahil nag-panic na ako. “Dumugo yung ilong niya!” bulalas ko sa bouncer habang nakaluhod sa sahig.
“Ano bang nangyayari rito?” tanong na nung bouncer sa akin.
“I-ban niyo yan ditong matandang yan. Pakialamero, eh. Iuuwi ko lang itong stripper nakialam na lang bigla. Nabitin siguro kaya naghahabol pa sa babae,” sumbat ng lalaking kliyenti ko kanina. Matalim ko itong tinignan at napailing na lang.
Wala na akong oras pa para sumingit o magpaliwanag.
“Paupuin niyo muna rito sa gilid si Mr. Chao.” Tinulungan nila ang matandang lalaki na makatayo habang ang isa naman ay inaawat at pinapkalma pa rin.
Tumayo na ako at napabaling na sa paligid dahil may iilang mga taong nanunuod. Umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus doon sa dalawang lalaki. Pero mukhang napansin nito ang titig ko kaya binalingan ako. Tinagilid niya ang ulo at pinagtaasan ako ng kilay. Hindi siya roon nagtapos kundi pinasadahan ng tingin ang aking katawan bago gumuhit ang mapanghusgang ngisi.
“What is happening here?” pagdating ng isang mestisang babae na may magandang kasuotan at mamahaling purse. Matangkad lalo na at may suot pang heels. Nilapitan niya si Garreth at hinalikan sa labi tsaka pinasadahan ng tingin ang mga bouncer. Naroon pa rin sila sa gilid ko. “May nag-away ba?” dagdag ng babae na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nasa sahig lang ang titig ko nung sulyapan ko ito at naabutan ang pagpulupot ng kamay ni Garreth sa baywang ng babae.
“Just two men fighting over a cheap stripper,” bulong nito sa babae at nagpakawala ng marahan na halakhak.
Uminit ang pisngi ko at tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Nahihirapan akong lumunok at sinulyapan silang muli ngunit pumasok na ang mga ito sa itim na sasakyan.
“Fern, uuwi kana ba? Hindi ka magpapaliwanag kay Madam sa nangyari rito?” paglapit sa akin ng bouncer.
Gusto ko na lang umuwi.