Fern Araojo NAPAPASULYAP ako kay Garreth tuwing nagvi-vibrate ang cellphone nito. Sa pangatlong pagkakataon ay kinuha na naman niya ulit iyun at nagtipad roon. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nasa harapan ko. Tahimik kong pinagkakaabalahan ang pagkaing pinadala niya. “Kumusta ang party niyo?” marahan kong tanong kaya binaba niya ang cellphone at ngumiti. “Fine. It was grandiose as I expected it to be.” Tumango ako at ngumiti pabalik. “Pamilya lang ang kasama mo?” “Some of our family friends are there, maraming bisita, Fern. Ang iba ay hindi ko rin kilala.” Uminom siya ng tubig at sinulyapan ako bago siya napanguso. “I am moving back to our home.” Natigilan ako at tinignan siya. Tinignan niya lang ako at tila pinapaalam lang sa akin. “Kaya hindi kana rin pwedi sa condo.” Dinilaan

